Chapter Thirteen - I
Not alone|Third Person's Point of View|
Kasabay ng masayang selebrasyon na gaganapin ng mga Junior High mamayang hapon, ay maririnig sa hallway ang kalungkutan ng ibang mga estudyante dahil sa paglabas ng kanilang rankings para sa 1st quarter ng school year. Nagkukumpulan ang mga estudyante sa common room ng building nila dahil sa tinitignang mga resulta.
"Oh sht! Bumaba ako."
"Omg! Tumaas ako!"
"Well... I remained the same."
Napadaan ngayon sina Chelsea at Rylen sa kumpulan ng mga estudyante. Narinig nila ang saya, lungkot, gulat, at pagkadismaya ng mga estudyante na nakatutok sa bulletin board.
"Pres, hindi mo titignan rank mo?" Tanong ni Rylen na buhat-buhat ang bag ni Chelsea.
Simula noong Lunes, palaging inaabangan ni Rylen si Chelsea sa gate para ihatid sa Student council room. Ito ay para hindi ma-stress ang kanilang president sa kalagayan ng kanilang classroom na naging apartment na ang dating.
Dahil busy ang adviser at mga teachers nila, hindi sila nakakadalaw sa mga klase. Tanging attendance lang ang dahilan kung bakit sila pumapasok sa free week na ito. Minsan nagpapa-activity rin ang mga guro nila at pinagbibigyan sila na ganoon ang ayos ng kanilang room. Kahit walang klase ay masaya sila dahil nagagawa nilang manood ng movie, mag-makeup, maglaro, matulog, at kung ano-ano pa sa kanilang classroom.
Ngayong alam na ni Chelsea ang ginawa ng buong Corinthians, nag volunteer pa rin si Rylen na dalhin mga gamit ni Chelsea tuwing umaga. Ganoon din kay Ms. Mara, hinahatid din ito ni Rylen sa faculty room araw-araw, kahit day 1 pa lang ay nabuking na niya ang tinatago ng Corinthians. Ngunit hinayaan ni Ms. Mara ang mga ito na gawing ganoon ang ayos ng room para makapag-enjoy silang lahat.
"Hindi na, rank is not important to me." Sagot ni Chelsea kay Rylen. Para kay Rylen ay nakakabilib ang kanilang presidente.
"Grabe ka talaga pres! Alam mo? Ibang-iba ka sa mga matatalino na kilala ko." Pagmamayabang nito.
"Paano naman?" Natatawang tanong ni Chelsea nang magsimula na muli silang maglakad para makaakyat na ng hagdan.
"Para kang si Vincent na chill lang, kung siya hindi big deal sa kanya ang estado o lebel niya sa buhay, sayo di big deal ang school ranks." Paliwanag ni Rylen. Napangiti si Chelsea dahil simula noong lunes nagkakaroon sila ng small talks. Napansin ni Chelsea na hindi lang puro kalokhan si Rylen sa buhay, kaya rin nito na magseryoso.
"Kaya pagdating sa academics, ikaw ang Vincent." Taas-noong sabi ni Rylen.
"Hahaha bakit hindi na lang rin si Vincent?" Nagtatakang tanong ni Chelsea.
"Bobo yon sa acads eh." Sagot ni Rylen kaya natawa ang babae.
"Ano ka ba Rylen, walang taong bobo. Tamad lang siguro mag-aral." Depensa ni Chelsea nang magsimula na silang umakyat ng hagdan.
"Ayieee! Pinagtatanggol!" Pangaasar ni Rylen kaya napa-iling na lamang ang babae at natawa.
Sa hindi kalayuan, ay mayroong nanonood sa galaw ni Chelsea. Inayos nito ang kanyang salamin habang nakatanaw sa pag-akyat ni Chelsea sa hagdan.
BINABASA MO ANG
School Life With You
Novela JuvenilChelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or the so-called "school of elites," in Dandelion City. Rumors have it that frats and sororities in the...