20: I Know You (part III)

275 28 15
                                    

Chapter Twenty - III
I Know You

The darkness is an enemy of many, but to some people, it's their haven...

| Third Person's Point of View |

"I don't trust that Vera girl. Bigla na lang siya naging nice?" Kumento ni Freya na nasa likuran nila Chelsea at Shaira.

Kasalukuyang palabas ng "ritual room" ang dalawang sections para hanapin ang nawawalang ring finger ng skeleton. Napahinto sina Shaira at Chelsea sa paglalakad at hinarap si Freya. Mukhang kausap nito si Zia nang sabihin niya ang kumentong iyon, pero nagsalita pa rin si Shaira.

"Binaba lang ni Vera ang pride niya. Maybe she realized that it will help the team a lot." Sabi nito, agad naman siyang hinawakan ni Chelsea sa balikat para mapakalma.

"Or maybe, she's just a 2 faced btch?" Tanong ni Freya, napabuntong-hininga naman si Zia sa tabi niya. Wala daw kasi talagang makakapagpabago ng opinyon ni Freya at persepsyon niya sa buhay.

"Freya... we have common goals here, that's why we need to team up and trust each other." Wika ni Chelsea kaya napa-cross arms si Freya.

"What if she betray you?" Biglang tanong nito.

"Then I will do what you did to Phoebe." Nang sabihin ito ni Chelsea ay parang napa-atras ang maldita spirit ni Freya.

'Is she gonna use it against me?' pangamba ni Freya.

"If ever someone in Corinthians or Galatians will betray me, I will not seek revenge and still give them a chance, because they're in our team." Dagdag ni Chelsea at binigyan niya ng tipid na ngiti si Freya na nakatingin lang sa kanya.

"I hate to admit this, but Freya... you're truly a leader for what you did to your underling." Kumento naman ni Shaira.

Nawala ang mga ino-overthink ni Freya at unti-unti na itong napangisi.

"I know right? I'm far more than you." Wika nito bago nilampasan ang dalawa.

"Freya, your judgement tells me that you're more than a Beleaguer." Dagdag ni Chelsea kaya napahinto si Freya pero hindi niya nilingon ang babae.

"I'm honored to have you as our sorority leader." Nang marinig ito ni Freya ay pilit niyang itinago ang ngiti niya mula sa sarili niya mismo. Hindi niya maamin sa sarili na natuwa siya sa narinig. Nagflip lang ito ng buhok at saka siya naglakad palabas ng pinto.

"Napaka-tsundere talaga non." Natatawang sabi ni Shaira habang napapa-iling. Natawa rin si Chelsea at sumangayon.

Paubos na ang mga tao dito sa ritual room kaya lumabas na rin sila.

"Chelsea! Do you know where the map is?" Tanong ni Spice na nakaabang sa pinto kaya huminto si Chelsea para sagutin ito. Samantala, hindi siya napansin ni Shaira dahil tinawag niya si Rylen.

"Uhm it was with Rianne earlier." Sagot ni Chelsea.

"Oh okay, thanks!" Masayang wika ni Spice. "I'm gonna find them na, see yah!" Wika pa ni Spice at naglakad na ito sa hallway habang sinesway niya ang ulo niya. Napa-iling si Chelsea kay Spice. Mukha daw kasi itong kuneho na nasa isang musical film.

Napalingon si Chelsea kay Shaira at napansin na wala na ito sa tabi niya. Akala kasi ni Shaira ay nakasunod pa rin sa kanya si Chelsea. Hindi na ito napansin ni Shaira dahil may mga kausap siya na taga Galatians.

Hindi rin kasama ni Chelsea si Vincent ngayon kasi tinangay na rin ito ng mga Galatians kanina. Si Violet naman ay sinama ni Kier sa pagva-vlog kanina. Hindi tuloy alam ni Chelsea kung bababa ba siya o aakyat o mag-stay sa 2nd floor.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon