02: Every First Day (part one)

1.7K 203 454
                                    


Chapter Two - I
Every First Day

@ Empyrean Academy

"Chelsea, this is your last chance to back out," sabi ni Fiona. Katabi ko siya na nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse. Halata sa mukha niya na gusto niya na lang akong hatakin papunta sa Zidea Academy.

"Nakakatakot dito!" dagdag pa niya.  

"Okay lang yan, dami namang chicks oh." Sabi ni Jevee na nakatutok pa sa labas ng bintana na tila may pinapanood na napakagandang palabas. Nasa tabi siya ni tita Hera kaya nahampas siya nito.

"Tita naman! Nakawax 'tong buhok ko." Reklamo niya. Sinamaan lang siya ng tingin ni tita Hera.

"Uhm, tita I should go." Nakahawak na ako sa door handle ngunit hindi ko pa ito binubuksan dahil hindi pa ako nakakapagpaalam.

"Chelsea," she sighed and looked back at me. "Don't be so curious, curiosity kills."

"Curiosity kills," pagsabay ko kay tita Hera. Ganyan na ganyan ang laging sinasabi sa akin ng parents ko since I moved here in the city. "Yeah I know tita, don't worry I'll behave."

Tumango naman ito kaya lumabas na ako ng kotse. Paglabas ko ay isinukbit ko ang leathered backpack sa aking balikat.

"Remember Chelsea," Napalingon ako kasi nagbaba ng bintana si Raia. "You're not a loser."

"Yes ma'am." Sabi ko na lamang at nakahinga naman sila nang maluwag.

"Any last words Gus?" Tanong ko sa kanya na nasa kabilang dulo ng back seat. Yup nagkasya kaming apat doon sa likuran.

"Try to graduate peacefully." Sarkastiko niyang sabi kaya natawa na lamang ako.

They all think that I was still the same Chelsea when I was in kindergarten, like duh? Anong petsa na, I'm all grown up.

"Chelsea ha! Yung usapan natin." Sabi pa ni Jevee kaya naparolled ako ng eyes.

Kumaibigan daw ako ng maganda para daw mapakilala ko sa kanya. As if namang gagawin ko yun? I should protect my future friends against Jevee.

Nagpaalam na ako sa kanila, kahit na na-brief sila kanina na huwag silang maging OA ay hindi rin nangyari. Kita sa mga mukha nila na gusto nila akong samahan kasi madrama pa silang kumakaway habang nakabukas mga bintana nila.

Tinalikuran ko ang nakapark naming kotse at naglakad patungo sa gate ng Empyrean Academy.

According to the huge map that I've browsed in a wall beside the guardhouse, Empyrean Academy has five buildings, 2 canteens, 1 gymnasium, and the gardens are everywhere.

"Excuse me," Humarap ako sa isang babae na nakatingin din sa mapa. Ilang dipa lang ang layo namin sa isa't isa.

Napataas siya ng kilay nang lingunin ako. "Saan ang classroom ng 10 Corinthians?"

"You're just what I thought you are," ngumiti siya ngunit ang mga mata niya ay hindi.

She has a medium straight hair, a fair skin, bit taller than me, and she looked kind but reserved.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon