Chapter Twelve - I
Words Matter|Chelsea|
August, simula na ng tag-ulan kaya naman naglagay na ako ng payong sa aking super unused locker, dahil na rin sa paalala ni tita Hera kaninang umaga. Umpisa na rin sa buwan na ito ang pagbuhos ng magiging responsibilidad at mga gawain namin bilang estudyante. Simulan natin ang bigat ng pagpatak ng buwan na ito sa round 3 ng Game of 10s, na gaganapin ngayong unang lunes ng Agosto. Ang saya di ba?
Hindi isinabay ang Game of 10s sa school activity ngayong buwan na ito. Kung dati sinabay ito sa Independence day at Nutrition Month celebration, ngayon hindi na. Dahil kaming mga student council, na karamihan ay 10th grade, ang mag-aayos para sa selebrasyon ng Buwan ng Wika pagkatapos ng aming quarter exam this week. Hindi pwedeng isabay ang Game of 10s kung karamihan sa amin ay may mabigat na responsibilidad bilang Student Council.
"Lamang ng 5 points sa atin ang Romans, kaya kailangan nating humabol." Sabi ni Shaira na nasa tabi ko habang nakatanaw sa nakaflash na scoreboard.
GAME OF 10s SCORE BOARD
Romans: 20 + 15
Corinthians: 10 + 20
Galatians: 5 + 0
Ephesians: 5 + 10
"Good afternoon Grade 10!" Bati ni sir Johnny habang naglalakad siya papunta sa sentro ng stage ng aming gymnasium. "For today's round, you will be making use of the whole campus." Hindi pa siya natatapos magsalita ay nagsigawan at nagpalakpakan na ang karamihan dahil sa excitement.
"Kaya pala half day lang ang lahat maliban sa 'tin kasi mapapasabak na naman tayo." Rinig kong kumento ng isa naming kaklase. Pinauwi kasi kaninang after lunch ang mga estudyante maliban sa aming mga Grade 10.
"The mechanics of the game is simple, all presidents will pick a card here, then it will tell you what you're gonna do. Kaya lahat ng presidente ng bawat klase maaari na kayong pumunta dito sa stage para pumili ng card." Nang sabihin iyon ni sir Johnny ay nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko. They're looking at me as if I am their pride. Kaya naman naglakas-loob akong naglakad papunta sa stage kahit na lahat ng nadadaanan ko ay pinagtitinginan ako.
Nang makarating ako sa stage ay napatingin ako sa iba pang presidente ng Grade 10 at napansin ko na lahat kami ay babae. As usual, si Alice ay mahinhin ang kilos pero alam naman ng lahat ang potential niya. Sunod na tinignan ko si Vera na kulay green ang kulay ng mga mata na nagmatch sa morena skin nito, maangas ang kanyang kilos, for sure she knows how to slap someone. At ang huli ay si Lea, mayroon siyang eyeglasses at full bangs, first impression ko sa kanya ay mysterious ito. Dahil siguro halos natatakpan mukha niya? I don't know.
Sabay-sabay kaming bumunot sa box na hawak ni sir Johnny. Parehong card pa ang nahawakan namin ni Alice kaya napatigil kami.
"You can have it, Chelsea." Sabi nito sabay ngiti saka niya ito binitawan at kinuha na lamang ang huling card na natitira.
"Thanks." Mahinang sabi ko at tumango naman ito.
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa pagiging nice niya dahil sa mga pinagsasasabi ni Freya noong pumunta ako sa Beleaguer House last weekend.
"Since you're now the VP of student council, and you will be working alongside that btch Alice, so let me warn you about her." Humigop si Freya sa hawak niya na jasmine tea, at saka ibinaba ito.
BINABASA MO ANG
School Life With You
Novela JuvenilChelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or the so-called "school of elites," in Dandelion City. Rumors have it that frats and sororities in the...