16: All fun, until... (part IV)

322 27 42
                                    

Chapter Sixteen - IV
All fun, until...

|Third Person's Point of View|

Akala ng lahat ay magiging masaya ang pagkapanalo nila, pero pagkatapos ng awarding ay dumating ang isang balita na kinatatakutan nila. Naroon si Sir Johnny bilang sub-teacher na kapalit ni Ms. Mara, dahil nga nasa hospital ito kasama si Dorothy. Kahit na hindi marunong sa Math si sir Johnny, ay siya ang pumalit na coach ng mga ito. Mabuti na lang at ni lead nila Sean at Chelsea ang kanilang team kaya sumuporta na lamang si Sir Johnny at naging gabay.

Tahimik ang buong Math team na nagpunta sa backstage alin-sunod sa pakiusap ni sir Johnny pagkababa nila ng stage. Ang ibang schools ay busy na nagsasaya, nagluluksa, nagpapapicture, at nakikipag-socialize sa iba pang mga kalahok, samantalang ang Empyrean Academy students ay heto... kabado.

"Dorothy is positive for taking adderall drug. So..." Napahinto si Sir Johnny at napabuntong-hininga saka nito tinignan ang buong Math team.

Katatanggap lang nila ng trophy, pero heto sila ngayon... problemado at kabado. Ayaw sanang sabihin ni sir Johnny ang kanyang balita pero kailangan dahil utos ito ng principal.

"Everyone will go to the hospital and take a drug test too. So please contact your parents and... *sigh* don't panic." Sinubukan ngumiti ni sir Johnny pero di niya magawa. Kaya tuluyan na lang ito na nagbuntong hininga.

Sunod-sunod naman ang reklamo ng Math team at mga reaksyon nilang ine-expect na ng guro.

"Hala?! Is this real? Pati tayo damay sa ginawa ni Dorothy?"

"Nakakatakot pa naman magpa-drug test kasi minsan magpapositive ka kahit naman hindi dapat."

"Weh?"

"Oo tol!"

"Sir, kami lang po ba na mga taga Empyrean Academy ang magda-drug test?"

"Apparently yes, wala naman DAW kasing drug users sa ibang schools sabi ng Math quiz bee staffs." Napapailing na sabi ni sir Johnny.

Kahit anong reklamo nila, ay wala ring maisagot ang guro dahil inutusan lang din siya ng principal at ng mga awtoridad. Wala nang nagawa ang mga estudyante kundi tawagan ang parents/guardians nila habang papunta sila sa hospital. Ang ibang parents ay nagalit pa kaya mapapasugod talaga sila sa hospital.

Napatingin si Chelsea kay Sean na napabuntong-hininga sabay baba ang phone nito.

"Let me guess, your parents were busy so they couldn't make it?" Tanong ng dalaga.

Kanina pa kasi niya pinapanood ang mga reaksyon ng kanilang mga kasama habang kausap ang mga parents nila. Ang iba ay kalmado, ang iba ay nageexplain nang pagalit, at ang iba ay pinapagalitan pa ng parents. Mabuti na lang at madaling kausap ang tita Hera ni Chelsea dahil nabalitaan niya sa mga chismosong pulis ang tungkol sa nangyari kay Dorothy.

"No," Hindi tinignan ni Sean ang dalaga habang binubulsa niya ang phone nito. "They are not busy but they couldn't make it."

"Eh?" Nanlaki mga mata ni Chelsea dahil hindi niya inexpect ang reaksyon ng parents ni Sean. "Bakit ganon?"

"Same question." Napakibit-balikat na sabi ng binata saka na naglakad.

"So, sino pupunta dito?"

"My lolo." Tipid na sabi ni Sean saka umupo na sa waiting chair ng hospital lobby.

Habang naghihintay sila sa mga parents nila, ang iba ay bumili ng pagkain, kaya nakipagsocialize na lang din si Chelsea sa kanila. Hindi naiwasan ni Chelsea na pauwiin na sina Violet at Shaira kanina na sumuporta sa kanya. Ayaw niya kasing madamay pa ang dalawa.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon