18: The Underdogs (part IV)

339 29 48
                                    

Chapter Eighteen - IV
The Underdogs

|Third Person's POV|

Intramurals

Kada school sa Dandelion City ay mayroong "school animal" na pangalan ng kanilang sports team. Ang mga players sa Empyrean Academy ay tinatawag na Red Dragons. Oo isang mythical creature ang kanilang sport symbol. Kaya naman nagkalat sa kanilang school grounds ang kulay pula at ginto na mga banderitas, pati na rin ang mga larawan at simbolo ng dragon na nakatatak sa mga bandila.

Buong Empyrean Academy students ay dumalo sa kanilang parade na umikot sa Dandelion main streets. Kasama rin pati ang mga Senior High School students, pero mag-i-ibang ruta sila dahil sa kabilang campus ang kanilang intrams.

Nakasakay ngayon sa mini truck sina Violet at Daixon, habang ang mga kaklase nila ay nakapila sa likod at naglalakad. Ganoon din ang setup ng ibang mga section. Bidang-bida ngayong Intrams ang nmga muses at escorts ng bawat klase. Sila ang mga hari at reyna na nakasakay sa sasakyan, habang ang mga alagad nila ay naglalakad lang.

"Tae! Kaswerte ni espasol! Pachill-chill lang--- hoy! Kumaway ka naman diyan!" Reklamo ni Rylen kay Daixon. Busy ang lalaki sa nilalaro sa phone kaya si Violet lang ang nagsasaboy ng candy sa mga taong nanonood sa gilid ng daan.

"Tol, putek ayaw makinig ni Daixon, puntahan ko lang ha---" Hinila kaagad ni Vincent pabalik si Rylen dahil sa nagbabalak ito na sumakay sa truck.

"Hoy Albion! Kupal ka, bitawan mo ko men! Ayoko na maglakad." Wika nito.

"Rylen, ang mga girls lang ang may karapatan na sumakay diyan, okay?" Wika ni Vincent habang naka-akbay sa kaibigan.

Kaunti pa lang naman ang mga girls na nakasakay doon sa mini truck, dahil ang iba, katulad nila Chelsea at Shaira ay naglalakad pa rin.

"Tol, equality naman! Hindi ka pa ba pagod?!" Reklamo pa ni Rylen sabay tanggal ng pagkaka-akbay sa kanya ng lalaki.

"Girls are the main characters, we are just supporting roles who will light their worlds if we treat them right." Naka-ngising sabi ni Vincent sa kaibigan.

Mas lalo namang na-stress si Rylen dahil pagod na nga siya sa paglalakad tapos i-English'in pa siya?!

"Taena dami mo sinabi men! Di ka naman gusto ni Chelsea." Wika ni Rylen.

"Asa ka." Mariing sagot ni Vincent at pumunta na lamang sa pwesto nila Chelsea at Shaira para makasabay nila ang mga ito na maglakad.

"Luh affected?" Kumento pa ni Rylen.

Samantala, patuloy sa pagkaway at paghagis ng candy si Violet sa mga nanonood na tao sa gilid ng daan. Ang mga kaklase nila na nakasakay sa mini truck ay paminsan-minsan ding naghahagis ng kendi, pero madalas ay pinapaypayan lang nila ang sarili.

"Kung pagod ka na, pwede kang huminto sa kakangiti mo." Sabi ni Daixon nang mapansin niya na kanina pa galaw nang galaw ang partner nito.

"If they took a picture of me, and I'm not smiling, I might be misunderstood," kumakaway si Violet sa mga tao habang sinasabi iyon.

"Bakit ba ang hilig mong mag-alala sa sasabihin ng iba?" Nang itanong ni Daixon yon ay napahinto sa pagkaway at pag-ngiti si Violet saka napaharap sa partner nito.

Pareho silang nakatayo at nakahawak sa railing para hindi sila matumba. Ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataong tignan ang isa't-isa dahil nga laging nakatutok sa phone ang mga mata ni Daixon, habang busy naman si Violet na nakikipag-interact sa mga tao.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon