02: Every First Day (part two)

1.3K 190 487
                                    


Chapter Two - II
Every First Day

@ 10 Corinthians Classroom

"Oh ayan na pala siya." Pabalang na sabi ng isa kong kaklase.

Napalingon ang lahat sa akin, tila ba isa akong hamak na bugwit na nakapasok sa kaharian nila.

A lady in a super tight skirt with a crop top, stood in front of me.

"You can't enter unless you'll take off your bra."

"WHAT?!" Gulat na tanong ko, nakarinig ako ng hiyawan na tila nagchicheer na magtanggal ako ng bra.

"Take it off! Take it off! Take it off!"

"Do it, or you're out of this room." Nakangisi na sabi nito habang nakahalukipkip na suot-suot ang nangda-downgrade niyang mga tingin.

"Who are you to say that? Are you the principal?" Tanong ko na may halong pagka-inis.

Wait a minute! Kahit nga principal walang karapatang utusan ako ng ganyan. And I don't have to read a handbook to know if this right or wrong! Wrong agad ito kasi parang na-aagrabyado ang karapatan ko dahil sa pinapagawan niya kaya hindi ako papayag.

"Oooooh!"

"Bars b*tch!" Kumento ng mga kaklase ko.

She scorned bitterly.

"I am Kelly, gosh, nakarating ka dito nang hindi mo nalalaman kung sino ako?" Taas kilay niyang sabi na tila nagtitimpi.

"I'm sorry, nagtatanong lang naman ako." I sincerely told her kaya naghiyawan muli ang mga kaklase ko, probably thinking that I'm being sarcastic but I'm not!

"Stop it!" Inis niyang sigaw na napapadyak pa. Maldita much?

"How dare you!" Dinuro niya ako nang tumahimik na ang crowd, napaatras tuloy ako sa gulat. "You're just a newbie! so follow our tradition or else you'll regret it."

"Ah your initiation for your new classmates?" I asked her, I almost forgot about it.

Kaya naman nagulat ako kanina, pero bakit pagtanggal pa ng bra?! Pwede namang sumayaw na lang, or what, bakit ang lala naman masyado?!

"Yeah, stupid!" Napanganga ako sa sinabi niya.

"Your rules are stupid." Madiin na sabi ko dahil sa pag-insulto niya sa akin at saka ko siya nilampasan.

Bigla naman niyang hinablot ang buhok ko kaya napaatras ako. Wtf? Ano 'to TV drama?

"Hey! stop!" Inis kong bulyaw habang inaalis ang pagkakahawak niya sa buhok ko.

"Take off your bra or I'll get someone to do it for you." Madiin niyang sabi, at mas hinablot pa ang buhok ko kaya napangiwi ako sa sakit.

Magsasalita pa lang sana ako nang may pumasok na babae. Mukhang yayamanin dahil ang pink cardigan nito ay mukhang branded, she's wearing a white top, plaid pink skirt, and white pearly head band. She really looked polished, sassy, and expensive.

"Oh, what do we have here?" Nakangisi niyang tanong, siya yung babaeng medyo intimidating kanina bago flag ceremony.

Napaka-on fleek pa ng arched brows nito na tila masusugatan ka kapag hinawakan mo dahil sa tulis ng tail part nito, bushy ang brows niya kaya ang aesthetic niyang tignan. May pagaka-morena siya, na mayroong drunk blush, makakapal na pilik mata, medyo matangos na ilong, at plump glossy lips.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon