04: Freedom Spree (part three)

958 122 201
                                    


Chapter Four - III
Freedom Spree


Dinner time with the family was kinda nerve-racking tonight. Bakit? Dahil mayroong benda ang kanang kamay ko, for sure mapapagalitan ako nang sobra.

"Ikaw naman Chelsea," Oh no, ito na, ako na ang susunod na kakamustahin.

"Kailan ka pa naging kaliwete?" Tanong ni tita Hera habang pinagmamasdan ang makalat kong pinagkakainanan.

"And use a fork if you don't wanna clean your mess." Dagdag pa niya saka ako pinanliitan ng tingin, napalunok naman ako nang mabilis.

Bago ko pa gawin iyon ay saktong tumunog ang telepono at mukhang pinapapunta si tita Hera sa estasyon kaya hindi niya nakita ang benda ko.

Nakahinga ako nang maluwag dahil nakaligtas ako kay tita, but not with my cousins. Nakatingin sila sa akin na parang hinuhusgahan nila ako.

"Anong nangyari sa kamay mo?" Tanong ni Raia.

"H-huh?" Maang-maangang tanong ko.

Actually inagahan kong umupo dito sa dining table para walang makakita at balak ko sana na mahuling tumayo dito mamaya, pero wala na, nabuking na ako.

"Anong h-huh ka diyan? Pakita." Sabi ni Jevee at tinaas niya ang kanang kamay ko na nakatago sa ilalim ng mesa.

"Omg! Anong ginawa sayo ng mga taga Empyrean?!" Tanong ni Fiona na napatayo pa sa seat niya at nagmartsa papunta sa akin.

"Is this about the freedom week of EA?" Kalmadong tanong ni kuya Mateo ngunit ramdam mo sa tingin niya na medyo galit siya.

"So under initiation ka Chelsea?" Gulat na tanong ni ate Rona.

Nakatingin silang lahat sa akin maging ang tahimik na si Gus, nagtatanong ang kanilang mga mata na may halong pag-aalala. 

"Hindi ah! Kaya ko tinatago ito sa inyo kasi..." Ang lakas ng tibok ng puso ko, dahil siguro sa adrenaline rush ay nakapag-sinungaling ako.

"Kasi ayaw kong isipin niyo na nabully ako o sumali sa isang frat." Tumatango-tango ako habang pinapasadahan sila ng tingin.

"You know.. I'm just clumsy, naipit ko itong kamay ko sa... pinto ng... l-library! Agad kasing nagsasara yun at hindi ko alam, hehehe." Tumaas pa boses ko sa sobrang taranta kaya sinubukan kong pagtakpan ito gamit ang pagtawa, pero halatang peke ito, damn.

Tinignan lang nila ako nang makahulugan na tila sinusuri kung nagsabi ba talaga ako ng totoo or not.

"Ah! Hahaha ayan tatanga tanga kasi." Sabi ni Raia na napapailing at natatawa habang pabalik sa upuan nito.

"Anyways, dahil wala si tita tonight, sino gustong sumama mamaya sa rooftop?" Nakangisi niyang tanong.

Thanks to Raia, na-distract ang mga pinsan ko at ipinagpatuloy na nila ang pagkukwentuhan habang kumakain. Nakahinga naman ako ng maluwag at nang hindi na sila nagtanong ay dumiretso na ako sa kwarto.

Yohan:

Hi, how's your day?

Me:

masaya, my classmates & our school is full of fun. hbu?

I don't want to tell everything to Yohan about what happened today, coz reason #1: My left hand was not used to typing alone, it's kinda hard to chat.

#2: Ang saya ng naging ending ng araw na ito kaya parang confused pa ako kung okay ba ang Freedom Spree or not.

#3: Ayaw kong mag-alala siya sa akin tungkol sa bago kong school.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon