01: Home Is Cool (part two)

2.8K 232 604
                                    


Chapter One - Part II
Home is Cool

Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa narinig kong matinis na tahol.

Ang aga kong nagjogging ngayon sa village namin para makaiwas sa mga aso pero wth?!

Yup, takot ako sa aso, mayroon kasi akong phobia sa mga house pets kaya wala kaming pet sa bahay.

"Hey, you shoo shoo away!" Sabi ko doon sa isang aso na tinatahulan pa rin ako kahit na medyo lumayo na ako. Talaga namang sinundan pa ako nito, hanep.


Cute naman ang asong ito, -- mabalbon, mataba, puti ang balahibo, di ko alam ang breed niya kasi wala nga akong hilig sa aso, -- pero natatakot pa rin ako kaya umaatras ako. Habang siya naman ay tumatahol at patuloy na lumalapit sa akin.

"Mallows stop that!" Sigaw ng isang lalaki na galing sa likuran ko.

"Come here." Huminto ang well breed na aso sa pagtahol at saka tumakbo patungo sa kanyang amo na nasa likuran ko.

"Mabuti naman at pinatigil mo na siya---" sabi ko.

Lumingon ako at nagadjust ng 180 degrees para makita ang lalaking may gwapong boses. At shocks! Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil sa nakita ko. Hindi lang kasi boses ang gwapo, pati siya! Napataas ang isa kong kilay habang pinagmamasdan ang morenong ito.

Ang mga mata niya ay parang bored o inaantok, matangkad siya (5'6 or 5'7 siguro) na katamtaman ang payat at mukhang nag-gi-gym or athlete dahil may on-going muscles siya.

Rich kid aura, itim ang hair, masungit ang features ng mukha, maganda siguro yan pag naging babae, naka-sweat pants na gray, naka black shirt, at mayroon pa siyang apple watch na suot!

Rich kid aura, itim ang hair, masungit ang features ng mukha, maganda siguro yan pag naging babae, naka-sweat pants na gray, naka black shirt, at mayroon pa siyang apple watch na suot!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakakaconcious tuloy ang itsura ko ngayon! Kaloka. Tagaktak pa naman pawis ko dahil nakapag-jogging na ako ng ilang meters.

Pero instead na ipahalata kong torete ako sa kanya, I cleared my voice, straighten my posture, and crossed my arms.

"Di ba bawal ang pagala-galang hayop dito sa village?" Mataray kong tanong.

It's true. May rule dito na dapat hindi nagpapakawala ng mga aso sa daan. Is he an irresponsible owner?

Pinaglalaruan niya ang aso niya habang nakacrouch siya. He's so cute and handsome doing that.

"Hey I'm talking to you." Medyo lumapit na ako sa kanila at na-appreciate ko ang bond nila ng kanyang aso, mukha silang mag-ama.

Maybe, I should forgive him? But, I was scared kanina. Ikaw ba naman tahulan ng aso?

Kinarga niya ang aso niya, tumayo ito, at tumingin sa akin. Hindi ko tantsa kung gaano katagal o gaano kabilis ang pagsulyap niya. Basta na-distract na lang ako sa mga mata niyang mapupungay.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon