13: Not Alone (part three)

323 32 37
                                    

Chapter Thirteen - III
Not Alone

| Third Person's Point of View |

Magkakasama muli ang mga Corinthians para sa isinasagawa nilang outreach program kada-buwan. Para sa buwan na ito ay nagrerepack sila ng mga relief goods, damit, at kung ano-ano pa para sa mga nasalanta ng bagyo. Donations ito ng mga August celebrants, mga Corinthians, at iba pang mga bukas palad sa kanilang school. Dahil maraming mayayaman sa klase nila, gabundok ng mga relief goods at mga damit ang kanilang pinapack ngayon.

Isa sa mga celebrants ngayong Agosto ay ang napakagandang si Violet, at ngayon mismo, Sabado, August 27, ang kanyang kaarawan. Halos lahat ay gustong makatanggap ng imbitasyon kay Violet dahil sa gaganapin niya na slumber party sa 16th birthday nito. Bali-balitang tradisyon daw iyon ng mga "next in line" o Empyreals sa Charm House, kung saan ang mga may potensyal na maging House leader ay nagsasagawa ng slumber party.

"Oy ghorl! Bakit next week mo pa ise-celebrate bday mo? You ha! May something wrong noh?" Tanong ni Kier. Alam kasi nito na palusot lang ni Violet sa social media na postponed ang kanyang slumber party dahil may renovation pa daw sa bahay nila. Pero halata sa mukha ni Violet na ayaw niyang mag celebrate ng bday sa ganoong paraan.

"Well, I just don't know who to invite." Sabi nito sa mga nakaabang sa kanyang imbitasyon.

"Ano?! Ang dami-dami mong kaibigan tapos di mo alam?" Gulat na tanong ni Kris.

"I mean, of course invited kayo, pero you know, nagaalangan ako kung sino pa dapat ang iimbitahan outside our circle." Nakangusong sabi ni Violet. Ang iba sa kanila ay iniisip na stupid si Violet dahil nasa kanya na lahat ng resources pero nahihirapan pa siyang pumili. Kaya hinayaan na lamang nila ito at hindi na nagtanong pa.

Samantala, kararating lang ngayon nila Freya, Sean, Zia, Gino, Kelly, Cloe, Jack, at Ben, at wala silang kamalay-malay na ganito pala ang gagawin kaya kaagad na nagreklamo Freya. Habang nagdadabog ito ay ang iba sa kanila ay lumapit na sa mga kaklase nila para makatulong. Nakatayo sa malapit sa entrance sina Gino, Sean, Freya, at Zia, kasi hindi sila makausad dahil sa pagiinarte ni Freya.

"Sean! Why did you bring me here? Like omg! Ang suffocating kaya dito! Tapos kita mo toh? Kinagat na ako ng lamok oh!" Reklamo ni Freya habang napapapadyak pa sa inis.

Nasa covered court kasi sila nila Violet para dito sa packing of goods. Dahil maulan pa ay hindi nila maibibigay sa personal ang mga relief goods. Kaya naman nag-volunteer na lang ang karamihan para tumulong sa pag-repack ng goods na ipapadala na lang doon.

"We just got here a minute ago." Sabi ni Sean habang iginagala ang kanyang paningin sa mga nagpapack ng goods. Hindi siya naiirita kay Freya dahil sanay naman na ito sa pagiinarte niya. Nabibilib nga ang karamihan dahil kayang tiisin ni Sean ang isang Freya Hyacinth Cortez.

"This 1 minute felt like hell! Let's go back, yeah, coz I'm not gonna do that." Napangiwi si Freya sa dami ng kanilang ire-repack kaya tumalikod na ito at humakbang papunta sa exit.

Nahanap na ni Sean ang taong hinahanap nito kaya sinenyasan niya si Gino ng "get lost" sign na kung saan ang ibig ding sabihin ay "gawin mo na ang gusto mong gawin." Naintindihan naman kaagad ni Gino ang paghampay ng kamay ni Sean kaya dumiretso na lamang si Gino kila Ben at Jack na tumutulong na roon.

Samantala, naramdaman ni Freya na hindi na nakasunod si Sean kaya lumingon itong muli sa kanya.

"Hey, I'm gonna call my dri- Aba?" Nahinto si Freya at napataas ng kilay habang pinapanood ang lalaki na naglalakad papunta sa kung sino.

"That's interesting," Kumento ni Zia sa tabi ni Freya na nakatanaw rin kay Sean.

Nahanap ni Sean ang taong lalapitan nito kaya iniwan niya ang nagaalburutong si Freya.

School Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon