Chapter Eight - IV
Money and FameMalakas ang tawanan at kwentuhan namin habang hinihintay ang pagkain. Ka-video call pa namin si Ms. Mara habang kumakain ito sa isang mall kasama ang mga Romans. Bilib din ako sa mga kaklase ko dahil madami silang kakilala sa Romans na kinakausap din nila sa video call.
Nang dumating na ang pagkain bigla kaming pinahinto ni Piolo. Oo si Piolo na hindi pala-salita at kaibigan ng maingay na si Junjun.
"Ibebless ko ang food." Sabi niya kaya nagsibabaan kami ng mga kutsara at tinidor.
"Ayy? Father sorry po." Sabi pa ni Kris at napa-sign of the cross pa.
"Pastor yan sis." Bulong pa ni Kier na siniko si Kris.
"Sorry na magkaiba ba yon? Well religion doesn't matter to me eh." bulong pa pabalik ni Kris, pareho kami ng paniniwala sa part na iyan. But I respect every religion kaya sumunod ako sa pagpray.
"Let us pray." Sabi ni Piolo, nakita kong yumuko ang iba kaya napayuko na rin ako at ang iba ay nakapikit pa.
"Lord we thank you for the food that we are about to eat. Bless this food so that we will be healthy and strong today. Help us Father God to win the 2nd round of the Game of 10s. We thank you, we glorify you, in the mighty name of Jesus, amen!"
"Amen!" Pagrepeat namin, napa-sign of the cross pa ang iba at napapalakpak naman bigla si Kisha kaya binawalan siya ni Shaira.
"Ay bawal ba? Sorry ah, di ako nagsisimba eh." Sabi pa ni Kisha na napapakamot sa ulo.
"Hay nako magsama kayo ni Kris." Kumento pa ni Shaira.
"Kaininan na!!"
"Wait guys! picture!" Sabi ni Sarah kaya napangiti kami sa phone niyang nakataas na.
"Ano ba yan may video na nga may picture pa?" Masungit na tanong ni Daixon, kasi nagvivideo si Kier at nagpicture naman si Sarah.
"Ikaw nga diyan may phone na nga, may ipad pa, may laptop pa, like dude, chill." Sabi ni Rylen na napapailing.
Nagsagutan lang sila doon habang ang iba naman ay naguusap usap, at ang iba ay kumakain na ng tahimik. Nagsimula na rin akong kumain nang payapa hanggang sa...
"Chels, water oh." Sabi ni Vincent sabay abot ng baso sa akin.
"Aherrrrrm!!" Sabi ni Junjun.
"Ay shet Junjun! Tumalsik pa kanin mo yak!" Reklamo ni Gab na kaya nagtawanan kami.
"Sorry na kinikilig lang kasi ako kila Chelsea at Vincent! Alam niyo ba kanina..." Junjun paused a bit to tease our classmate and let them become impatient first before spilling the tea.
"Ano?" Marahas na tanong nila, ang iba naiinis kay Junjun at ang iba naman ay chismosa lang talaga.
"Wala lang ang cute nila kanina kasi may kumag na nanghihingi ng number ni Chelsea—"
"Oh?! Sino yon Chelsea? Uupakan ko yon!" Sabi ni Violet.
"Tapos na Vio kalma, tinapos na ng knight in shining armor ni Chelsea... palakpakan nating lahat si Vincent!" Sabi pa ni Junjun at ang gunggong na si Rylen ay nanguna sa pagpalakpak.
Napailing na lamang si Vincent na nasa tapat ko habang nakangisi.
"Corny niyo." Sabi niya.
"Vincent.... you're a simp." Sabi pa ni Violet kaya natawa ang iba.
"Huwag nga kayong ganyan, may jowa na si Vincent." Sabi ko kaya natahimik sila bigla.
"Sino? Ikaw? Ayieeeee!!!" Pangaasar pa ni Rylen kaya ginatungan na rin ng iba pa.
BINABASA MO ANG
School Life With You
Dla nastolatkówChelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or the so-called "school of elites," in Dandelion City. Rumors have it that frats and sororities in the...