Chapter Nine - II
Leader in the MakingPagpasok ko pa lang sa room namin ngayong araw ay nagulat ako sa biglang pagsigaw ng kung sino.
"ANO TOH?" Napatigil ako sa paglakad papunta sa chair ko nang mapansin ko ang biglaang pagtayo ni Violet habang binabasa ang kung ano sa kanyang phone.
"The two leaders of Corinthians are said to be... DATING?!" Nakatayo siya habang binabasa iyon nang malakas at may diin kaya napalingon ang mga kaklase ko sa kanya.
Dahil sa binasa niyang mga kataga alam ko na agad kung ano yon. The Prophet's article tungkol sa interview namin kahapon. Sabi ko na nga ba eh, may ibang vibes ang pagkinang ng salamin ni Kuya Nerrison. Fiona, my cousin from Zidea Academy, warned me about things like these so I wasn't shock anymore if our words got twisted but of course I'm a bit mad.
Nagsilapitan naman mga kaklase ko kay Violet para mabasa ang article. Siguro ang ibang may load ay nicheck nila ang article sa kani-kanilang phone dahil may kanya-kanya rin silang opinyon tungkol doon. I looked at Vincent na napatingin sa akin, he just gave me a shrug, so I sighed and went to my seat. I feel bad for Vincent coz he has a girlfriend while everyone else is still shipping us together.
Curious na talaga ako kung sino girlfriend niya. Is she someone from our classroom? Or in this school? I don't know. I just feel bad.
Dahil na rin sa lumabas na article ng The Prophet's tungkol sa aming mga Corinthians ay madaming teachers ang nagtatanong sa akin kung tatakbo daw ba ako sa eleksyon.
"Vincent, tatakbo ba tayo?" Biglaan kong tanong sa kanya nang tabihan ko ito sa malaking bintana ng left wing kung saan ay nakadungaw ito sa quadrangle.
KKK told me that with the amount of attention we are getting in school our chances of winning is huge. They also explained to me how student council works, the election, campaigns, and the platforms we should do. I told them that I don't know coz in my previous school there's no student body. Totoo naman, pero hindi ko na sinabing homeschooled kasi ako.
"I don't know," Mababa ang tonong sagot nito habang nakatanaw pa rin sa school grounds.
"Are you looking for your gf?" Tanong ko dahil hindi pa ako nito nililingon. Natawa siya at sa wakas tumingin na sa akin.
"Yes," Sagot nito. Oh so she's from this school, and it's obvious that she's not our classmate.
Napa-cross arms ako habang pinagaaralan ang ekspresyon niya. Malandi pa rin ba siya sa akin? O nagbago na siya kasi may jowa na siya?
"Vincent, let's run together." Puno ng determinasyong sabi ko. He's kinda popular and respected that's why I want him to be my running mate.
"Why?" Tanong niya na ginaya pa ang tono ko at postura kong naka-cross ng arms.
"Coz I want to change EA." Madiing sabi ko.
Simula kasi noong Game of 10s, nakita kong may mga dapat na i-improve sa school na toh. Especially, noong Freedom Spree. Kamusta na kaya si Lucy? The girl who got kicked out of the school because she started a fire in our cafeteria. She had it tough. Maybe, some students were also suffering from the same treatment as Lucy's. Baka nabubully sila, o pinapahirapan masyado ng mga sorority or frats nila.
BINABASA MO ANG
School Life With You
Teen FictionChelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or the so-called "school of elites," in Dandelion City. Rumors have it that frats and sororities in the...