Chapter Ten - II
It's on, AlbionAs usual, pagpasok namin sa aming classroom, madami ang bumati sa amin. Nakipag-participate sila sa mga games, nakinig sa mga sinasabi naming platforms, at kung ano-ano pa. They warmly welcomed us, and it felt good!
Si Shaira lang ang kandidato ng ibang partylist at wala siya ngayon dito dahil nangangampanya rin sila sa ibang classrooms.
Napapatingin ako kay Sean habang nagpapalaro ang mga campaign managers namin. Paano sila naging related ni Vincent? Kaya ba binigyan ni Sean si Vincent ng susi noong nagmimeeting kami nila Rianne sa milktea shop ay dahil magkapatid nga talaga sila?
Bigla akong siniko ni Alice na nasa tabi ko kaya nabalik ako sa realidad.
"H-huh?" Tanong ko dahil parang naka-mute siya kanina kasi nga lumilipad ang senses ko.
"Ate Heather is calling you." Bulong nito kaya napatingin ako kay ate Heather na malawak ang ngisi.
"Chelsea ha! Bakit ka nakatingin kay Sean?" Tanong ni ate Heather.
"Ayieeee! SeanSea!" Pagkasabi niya nito ay nanlaki mga mata ko at lalo akong kinabahan dahil natahimik ang buong klase.
Tapos biglang naghiyawan mga kaklase ko ng "ayie!" kaya napatingin ako bigla kay Alice na katabi ko. Natatawa siya pero halatang awkward ito dahil nga siguro may past sila ni Sean.
Napatingin ako sa reaksyon ni Sean, nakakunot noo lang ito habang pinagbabawalan ang mga katabi niya na naguusap habang nagtatawanan. Halatang inaasar siya ng mga ito. Shocks! This is crazy.
"Awtsu! Selos si Albion!" Sabi pa ni Rylen kaya natawa ang karamihan. Napalingon ako kay Vincent na awkward na natawa.
"ChelVin pa rin!" Pambobroadcast na sabi ni Rianne kaya ginaya siya ng iba pa.
Nang matapos ang pangangampanya namin ay hindi ko na muna nakausap si Vincent tungkol sa pagiging magkapatid nila ni Sean. Ang busy kasi namin at nakalimutan ko rin dahil naghanda kami kanina para sa mga speech at presentation namin bukas.
Ala-sais na rin pasado at habang naglalakad kami ni Vincent palabas ng campus, naisip ko na hindi dapat ako nagalit sa kanya kanina nang malaman kong sinikreto niya na magkapatid sila ni Sean. Buhay naman niya yon eh, bakit ako magagalit kung hindi niya i-share sa akin, 'di ba?
"Bakit hindi mo sinabi na magkapatid kayo ni Sean?" Binasag ko na ang katahimikan sa aming dalawa dahil hindi na ako mapakaling malaman ang rason niya.
"Sorry," Napabuntong hininga siya bago magpatuloy. "Akala ko hindi ka interesado sa buhay ko kaya hindi ko na lang sinabi."
Tinignan ko siya at mukha naman itong sincere kaya tumango na lamang ako. Nang huminto na kami sa may sakayan ng jeep ay nagsalita akong muli.
"Tara sa bahay niyo." Seryosong sabi ko.
"Luh? Meet the parents na ba ito?" Natatawa niyang tanong.
"No, gusto ko lang i-confirm kung nandoon si Sean." Diretsong sagot ko. Naningkit bigla ang mga mata ni Vincent sa sinabi ko na para bang nangingilatis ito.
"Hoy! Hindi ko siya crush!" Pagsisinungaling ko sabay hampas sa braso niya.
"Defensive?" Kunot-noo niyang sabi/tanong habang hinahaplos ang hinampas ko. Napalakas yata, hehe.
BINABASA MO ANG
School Life With You
Teen FictionChelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or the so-called "school of elites," in Dandelion City. Rumors have it that frats and sororities in the...