Chapter Twenty - IV
I Know You| 3rd Person's POV |
THURSDAY. Tumutulong ang mga advisers ng grade 10 na sina Ms. Mara at sir Fred sa paglilinis sa 2nd floor at 3rd floor ng abandoned building ngayon. Maging si Mang Rody ay tumutulong na rin dahil hindi naman na takot sa kanya ang mga estudyante.
"Daix!" Nagulat si Daixon sa biglang pagtawag at pagtabi sa kanya ng babae. Hindi naman nahalatang nagulat siya kasi nga poker face lang ito.
"Oh?" Tanong ni Daixon, mukha siyang walang pake sa labas pero sa loob ay bigla siyang kinabahan. Baka daw kasi asarin na naman siya ng mga kaklase nilang lalaki kapag nakita nila na kasama nito si Violet. Mabuti na lang at silang dalawa lang ang nandito sa gilid ng abandoned building na nakaupo sa bench.
"I brought some speakers! Magpatugtog ka dali." Excited na sabi ng kadadating lang na si Violet. Oo late na naman siya, pero dahil good mood ang lahat, ay walang nagreklamo.
"Ano gusto mo?" Tanong ni Daixon pagka-exit nito ng nilalaro niya.
"Hmm... wag love songs, pero something na catchy and upbeat para ganahan tayo maglinis," ani Violet kaya tumango na lamang si Daixon.
Tiwala si Violet sa music taste ni Daixon kasi kahit anong nirerequest niya na description ay laging tugma ito sa mga pinaparinig sa kanya ng lalaki.
"Daix, do you know how to sing?"
"Hindi."
"Eh? But you love music."
"May mga taong mahal ang music, pero di sila mahal pabalik."
"OMG! You sounded like a sad boy!" Natatawang sabi ni Violet kasi parang hugotero daw ang lalaki sa part na yon. Eh hindi pa naman pala-sabi ng thoughts si Daixon tungkol sa pagmamahal.
"Maglinis ka na nga don. Kararating mo lang di ba?"
"How did you know?" Napangusong tanong ni Violet.
Napahinto si Daixon na parang naging estatwa. Kung computer lang ito ay masasabi nating nag-lag siya. Hindi niya kasi masabi ang nasa isip niya kasi baka iba daw ang maisip ni Violet.
Alangan naman daw na sabihin niya ang ganito kay Violet: "Kasi ang fresh mo." Baka daw pagkamalan siyang may gusto sa babae. Saka hindi siya kumportable na sabihin yon kasi hindi daw ganon personality niya. Na-adapt lang naman daw niya ang mga salitang yon dahil kay Kier.
'Hindi na ako makikipaglaro kay Kier, baka buong vocabulary niya ma-adapt ko na.' Reklamo pa ni Daixon sa kanyang isipan.
"Daixon... Hello? How did you know?" Tanong ng babae na kinaway pa ang kanyang kamay sa harapan ng lalaki.
"May muta ka pa kasi." Sabi na lang nito at saka na ni-connect ang phone niya sa mala-maletang speaker na dala ni Violet.
"What?!" Nagpanic ang babae at saka naglabas ng salamin para i-check kung may muta ba talaga siya. Napailing lang si Daixon at tinuloy ang ginagawa niya.
"Ah, thank God it's a bluff." Napa-buntong hininga si Violet dahil naginhawaan itong hindi totoo ang sinabi ni Daixon.
"Don't scare me like that!" Reklamo nito sa lalaki.
BINABASA MO ANG
School Life With You
Teen FictionChelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or the so-called "school of elites," in Dandelion City. Rumors have it that frats and sororities in the...