[ S U N D A Y ]
[ DREW ]
5:30AM gising pa rin ako. Hindi ako makatulog. Bumangon na ‘ko para maligo at magbihis. Nag-agahan, gumawa ng kape para kay Harry at umalis.
6:30AM nasa ospital na ‘ko. Hintayin ko na lang siya dito sa kotse.
Hindi ako mapakali. Mukhang special ang taong ‘yun sa kanya. Tatanungin ko ba siya? Gusto ko lang malaman.
‘Wag na kaya? Bahala na.
Tinext ko siya ng ‘Good Night’ kagabi pero hindi siya nagreply.
Bakit kaya? Busy? Sana trabaho ang pinagkaka-busy-han niya.
Mag 7:30AM na nang nakita ko si Harry at sa kamalas-malasang pagkakataon, kasama niya ulit ‘yung lalaking ‘yun?
Magkasama ba sila sa duty? Tsk. . .
Kagaya kagabi, binigyan na naman niya ng kape si Harry tapos nag-usap muna sila bago lumabas. Tumatawa na naman siya.
Lumabas na ‘ko ng kotse para makita ako ni Harry pero hindi niya ‘ko napapansin dahil abala siya sa pakikipag-usap sa lalaking ‘yun. Medyo nakita ko na ang mukha ng lalaki. Maputi. Mataas ng kaunti kay Harry. Singkit ang mata. Matangos ang ilong. May hitsura at laging nakangiti.
Napansin kong nagpaalam na sila sa isa’t isa. At napansin na rin ako ni Harry sa wakas. Nasa kabila ako ng daan kaya tumawid pa siya. Nang naglakad na siya papalapit sa’kin ay may nagbusinang motor na nanggaling sa parking lot ng ospital at tumigil sa kinaroroonan ni Harry. Nakita ko na siya ‘yung kasamang lalaki ni Harry kanina, at malamang, kagabi pa.
“Coffee Bean, angkas ka na,” sabi ng lalaki. “Hatid na kita.”
Coffee Bean? ‘Yun ang tawag niya kay Harry? Tapos ihahatid niya si Harry? Aagawan pa ‘ko ng responsibilidad kay Harry? Aba talagang. . .
“Hindi na Hunter, may kasabay ako,” sabi ni Harry turo sa akin.
Nagkatinginan kami ng lalaki at sinadya kong tingnan siya ng masama.
“Ah, sige Coffee Bean,” sabi niya kay Harry. “Una na ‘ko. Mamaya ulit ah. Ingat.”
“Sige, ingat din.”
Pinagbuksan ko si Harry ng pinto.
“Thanks Drew. Kanina ka pa?”
Hindi ako sumagot. Pumunta na ‘ko sa driver’s seat.
“Ui, tinatanong kita. Kanina ka pa ba?”
“Isang oras na,” sagot ko. Halata sa boses ko ang pagkainis. Inis hindi dahil sa paghihintay ng ganun katagal kung hindi dun sa lalaking ‘yun.
“Isang oras? You should’ve texted me.”
‘Hindi ka nga nagrereply eh,’ sabi ko sa kanya sa isip ko. Hindi ako sumagot.
“Drew, daan muna tayo sa dorm, magpapalit lang ako.”
“Sino siya?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
“Sino?” tanong niya. “Ahhh. . . Si Hunter?”
“Sino nga siya?”
“Kasama kong nurse sa area ang makulit na ‘yun. Loko-loko. Lagi nga akong tumatawa kapag kasama ko siya sa duty. Paano puro kalokohan ang alam sa buhay.”
‘Pansin ko nga.’
“Alam mo, hindi nga ako nakakaramdam ng antok kapag kasama ko siya,” pagpapatuloy niya. “Buti na lang nagka-duty kami ulit.”
BINABASA MO ANG
COFFEE - FLAVORED LOVE STORY
RomanceKuntento na si Harry sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay, at isa na dun ang kanyang buhay pag-ibig. Hindi man siya nasa isang relasyon, at kailanman ay hindi pa nakapasok o kahit subukan man lang na pumasok, ay masaya siya sa kasalukuyang kalagayan...