IKA-SIYAM NA YUGTO : PAG - IBIG

602 15 3
                                    

[ HARRY ]

"'Cause it's magic when two people fall in love."

Magkatitigan lang kami ni Drew hanggang sa matapos ni Regine ang kanta.

Saktong-sakto ang kantang 'Got to Believe' para sa sa aming dalawa.

Take me to your heart
Show me where to start
Let me play the part of your first love.

He played and still playing the part of my first love. Siya lang ang taong minahal ko. At sa tingin ko hindi na 'ko magmamahal ng iba pa ng higit sa kanya.

Pity those who wait
Trust their love to fate
Finding out too late that they've lost it.

Tinamaann ako dun. Ang paniniwala ko talaga sa pag-ibig ay 'Kung para sa'yo talaga ang love, darating at darating talaga ito para sa'yo.' May tamang panahon at lugar para sa pagmamahal. Naniniwala ako sa tadhana. Kung kayo talaga ang itinadhana, gagawa ng paraan ang 'universe' para mapaglapit at pagtagpuin kayo. Pero paano kung 'yung tinatawag mong 'soulmate' eh ganun din ang paniniwala? Maghihintayan na lang ba kayo habangbuhay?

Tama, 'Pity those who wait.'

Got to believe in Magic
Tell me how two people find each other
In a world that's full of strangers.

Mabuti na lang mabait ang tadhana sa aming dalawa ni Drew. Pinaglapit niya kami sa isa't isa. Sinong mag-aakala na natagpuan ko na pala ang 'soulmate' ko four years ago? And four years after the accident, eh nagkita ulit kami. Hindi nga maganda ang muling pagkikita namin pero tingnan mo ngayon, we are deeply in love with each other.

'Cause it's magic when two people fall in love.

Magic nga kapag natutunan nga ng dalawang tao na magmahalan. At sinabi sa kanta na 'two people,' at wala namang sinabi na kailangan lalaki at babae ang magmahalan. As long as 'two people' love each other, the love itself can do the favor of doing magic for both of them.

"Tapos na ba kayo?" tanong ni Jen na nagpupunas ng kanyang luha. "Pwede na ba kaming lumapit?"

Magkayakap namin silang nginitian. Lumapit silang lahat at binati nila kaming dalawa. Heto pala ang dahilan kung bakit sila naglihim sakin. Kung bakit hindi kami makumple-kumpleto kanina. Kasi nagtutulungan at nagsasalitan sila sa paghahanda dito at pagtulong kay Drew.

Bumalik na kami sa villa para mag-hapunan. Masaya silang lahat para sa aming dalawa ni Drew. Hiningi ni Drew ang tulong ng buong barkada. Si Grace ang nag-isip ng lahat ng detalye dahil isa siyang interior designer. Siya kasi ang pinaka-creative at artist ng grupo. At dahil si Francis ang engineer samin, siya naman ang punong abala sa electronics.

"Guys, salamat sa lahat ng tulong ah," sabi ni Drew. "I owe you my life."

"OA lang Drew?" biro ni Grace. "Life agad?"

"Dahil si Harry ang buhay niya," pagpapaliwanag ni Isaac. "Figuratively kung hindi niya makukuha si Harry, hindi niya rin makukuha ang buhay niya."

"Ahhh," pagsang-ayon ng barkada.

"Ang galing talaga ni Newton," sabi ni Lance.

"Sayang, hindi tayo nakapagdala ng alak," sabi ni Francis.

"Oo nga. Ang sarap magcelebrate," pagsang-ayon ni Tom.

Napansin ni Lei ang lihim kong pagngiti. "Hui, si Harry kinikilig," biro niya.

"Hindi ah," sagot ko. At ako na naman ang naging tampulan ng tukso nila.

Nangingiti ako kasi may maganda naman palang naidulot ang proposal ni Drew. Akala ko kasi puro alak ang laman ng coolers. Doon pala nila tinago lahat ang mga bagay na ginamit nila sa function hall kanina.

COFFEE - FLAVORED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon