[ S U N D A Y ]
[ HARRY ]
Nagising ako sa alarm ng phone ko at agad kong hinanap si Drew. Alam kong magkatabi kaming natulog pero wala na siya sa tabi ko. Mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto.
Nakita ko siya sa kusina at mukhang abala sa kanyang ginagawa. Nakatalikod siya sa'kin. Agad ko siyang pinuntahan at niyakap mula sa likod.
"Akala ko umalis ka na," sabi ko.
Humarap siya sa'kin habang nakayakap pa rin ako sa kanya. Ginantihan niya 'ko ng halik sa labi ko. "That will never happen again. Even if you asked me to, I'll never ever leave you." Hinagkan niya ulit ako.
"Sandali my love, hindi pa 'ko naghihilamos." Kumalas ako sa pagkakayakap at humakbang palayo sa kanya..
"I don't care." Lumapit siya sa'kin.. Hahalikan niya sana ako ulit pero mabilis akong naka-ilag.
"Magto-toothbrush lang ako." Nagpunta na 'ko sa restroom. Paglabas ko, nasa harap ko na siya. Hinawakan niya ako sa baywang at hinila niya 'ko papalapit sa kanya. Hinagkan niya ko ulit. "My love, 'wag masyado madalas. 'Di ba nakarami ka na kagabi?"
"Na-miss ko ang mahal ko eh." Sa leeg naman niya 'ko pinaghahalikan.
"My love, 'wag sabi diyan!" pagtutol ko. "Nakikiliti sabi ako diyan!" Hindi pa rin siya tumigil. "Sandali, magsisimba pa tayo 'di ba? Baka mahuli tayo sa misa," palusot ko.
Tumigil na siya. "Oo nga. Sige upo ka na. Maghahain na 'ko."
"Kakain ka pa ba, my love?" tanong ko pagkaupo ko. "Hindi ka pa ba nabusog sa pagpapak mo sa'kin ng halik?" biro ko.
"Hindi pa, mahal ko." Napansin kong gumagawa siya ng kape. "Appetizer pa lang 'yun. Mamaya na 'yung main course, tapos may dessert pa." Ngumisi siya ng maloko.
Mukhang napasubo ako sa sinabi ko ah.
"Asa!" Binigay niya sa'kin ang ginawa niyang kape at tinikman ko. Kagaya ng inaasahan, sobrang sarap at kuhang-kuha pa rin niya ang gusto kong timpla sa kape. "Na-miss ko 'to, my love. Alam mo, ikaw lang talaga nakakakuha ng gusto kong timpla."
"Always been my pleasure," tugon niya. "Eh si Hunter, hindi ba niya kuha ang gusto mo?" Binigyan niya 'ko ng ginawa niyang peanut butter sandwich.
Umiling ako "Paano naman napasok si Hunter sa usapan natin?"
"Madalas kitang bantayan, mahal ko, at madalas ko ring nakikitang magkasama kayo. Last week nga 'di ba nandito siya sa dorm ? Nagyakap pa nga kayo eh."
"Nagseselos ka?"
"Oo naman," diretso niyang sagot. "Alam mo gusto ko kayong puntahan nun at ilayo ka sa kanya. Nasa gate ako nun. And to think na ikaw pa ang nag-alok ng yakap –"Natigilan siya. Kitang kita ko ang galit niya sa bawat pagnguya niya ng sandwich niya.
"'Di ba sabi ko kaibigan ko lang siya. Ganun lang talaga kami." Alam kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko dahil hindi pa rin nagbabago ang disposisyon niya. "Drew, ano ba namang panama ng 'Tea Bag' sa 'My Love' ha?"
"Nanliligaw siya sa'yo no?"
"Hindi. Pero may balak siya."
"And?" mabilis niyang tanong.
"Sabi ko pag-iisipan ko," biro ko.
Napansin ko ang biglang pagbabago ng emosyon niya. Mula sa galit papunta sa pagkalungkot.
"I see," matamlay niyang tugon.
Natawa ako. "Biro lang 'yun my love. Ayaw kong magpaligaw. Hindi ako pumayag kasi alam kong naguguluhan lang siya," paliwanag ko. "Isa pa, matagal nang may nagmamay-ari ng puso." Binigay ko ang kalahati ng kape sa kanya. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at pinakita ko ang singsing na bigay niya.
BINABASA MO ANG
COFFEE - FLAVORED LOVE STORY
RomanceKuntento na si Harry sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay, at isa na dun ang kanyang buhay pag-ibig. Hindi man siya nasa isang relasyon, at kailanman ay hindi pa nakapasok o kahit subukan man lang na pumasok, ay masaya siya sa kasalukuyang kalagayan...