UNANG YUGTO : PAGKAKAMALI

1.5K 24 20
                                    

[ M O N D A Y ]

It's my first day here in Surgery Ward but not my first day here in the hospital. Almost a year na rin akong nagtatrabaho dito as a staff nurse and before I was absorbed to work here as an employee, I had my voluntary training first. I started my training 6 months before the Chief of the Hospital offered me the job. Of course, I immediately grabbed the opportunity, and the rest is history.

I'm Harry James Punzalan. 24 years old. A registered nurse and I'm very happy to be one.

I stand 5 feet and 5 inches. Medium built. And we can agree on one thing. I'm not a looker, which means I'm not attractive. Hindi ako ang taong tititigan mo ng matagal if you are looking on physical attributes. But if you'll ask me how I will rate myself on a scale of 1 to 10, 1 being the least attractive and 10 being the most charming, siguro 7.75 score ko. Pagbigyan niyo na 'ko sa 0.75. Kung baga, sakto lang.

I'm single, as in I've never been in a relationship eversince, dahil wala akong lakas ng loob na manligaw or walang nanliligaw sa'kin. Hindi ako ang tipong kapag gusto ko ang isang tao ay susunggaban ko agad. I'm not that type. Pwede niyong sabihin na conservative ako or reserved lang. Pero 'yun ako eh. Naniniwala kasi ako na may takdang panahon para mangyari ang lahat, kasama na dun ang pag-ibig. Kaya siguro wala pa rin akong nagiging karelasyon ngayon. Oo, naiinggit ako sa mga taong nakapaligid sa'kin na may ka-relasyon. How I wish na may tatawagin din akong 'Mahal ko,' 'Honey,' 'Babe,' at iba pa. Pero hanggang panaginip na lang 'yun. And to set the records straight, I'm very happy being single.

Binigyan ako ng tatlong pasyente ng team leader namin noon sa Surgery Ward na si Nurse Sheryl. Kasama namin ang co-staff namin na si Nurse Honey. Maganda ang pakikitungo namin sa isa't isa dahil nagkasama na kami dati sa ibang rotation at area ng hospital. Actually, lahat naman kaming mga nurses dito sa hospital ay magkakaibigan. Almost 50 nurses kami siguro dito.

Ini-scan ko muna ang mga records ng mga pasyente ko para sa araw na 'to. At dahil nasa Surgery Ward kami, syempre lahat ng pasyente namin naoperahan. Ang pasyente ko ngayon ay isang babaeng tinanggalan ng appendix (post-appendectomy), isang lalaking tinahi ang malaking sugat sa tagiliran, at isang babaeng na-cesarian. Ang pangatlong pasyente ay pwede ng lumabas ayon na rin sa doctor's order.

"Mukhang magiging madali sa akin ang araw na 'to ah," sabi ko.

"Hindi rin," may ngising tugon ni Honey.

"Bakit?" tanong ko.

"'Yung post-appendectomy na pasyente, may toxic na relatives," sagot ni Sheryl.

Sa mga nurses, kapag sinabing 'toxic' ang pasyente, ibig sabihin marami kang gagawin. Monitoring, pagbibigay ng sandamukal na gamot, maiging pagbabantay sa pasyente kasi baka pagtalikod mo naghihingalo na.
Kapag relatives naman ng pasyente ang 'toxic,' ibig sabihin "demanding." Kung makapag-demand at kung makapag-utos wagas. Hindi ka tinuturing as a nurse, kundi isang katulong.
Pero kapag sinabi ng mga co-nurses mo na napaka-'toxic' ng nurse na kasama nila, ibig sabihin naman nun naghahakot siya ng pasyente. Ayaw na ayaw nila itong makasama sa duty kasi paniguradong maraming pasyenteng darating kapag nandun siya. Meaning, maraming trabaho at sobrang pagod.

"'Yung pangalawang pasyente mo naman na may sugat sa tagiliran, sabi ng ibang nurses antisocial daw," sabi ni Honey. Antisocial ang isang tao kapag hindi nakikipag-usap sa iba, mailap kung baga.

"Ano? Bakit naman mga pasyenteng 'to binigay nyo sa'kin?" tanong ko.

"Happy first day high!" sabay nilang tugon at tumatawang umalis sa nurses' station.

Paano na gagawin ko nito? Actually, marami na 'kong na-encounter na mga ganitong sitwasyon so kayang-kaya na 'to. Buti na lang nakapagrounds na ng maaga ang mga doktor kaya may mga orders na ang mga charts.

COFFEE - FLAVORED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon