IKALABINGWALONG YUGTO : PAG-IISA

452 12 1
                                    



[ DREW ]

"Baba ka na diyan, 'nak," sabi ni Ate Vanessa kay Matt. "Madudumihan pa si Tito mo."

Nakakarga sa 'kin si Matt at pinapakita niya ang bago niyang laruang kotse.

"'To Drew, nakita mo ba kung pa'no 'ko magpatakbo ng kotse?" tanong ni Matt. "Galing ko 'di ba?"

"Oo," pagsang-ayon ko. "Pwede mo na ngang patakbuhin si Ares eh."

"Talaga, 'To? May remote din ba si Ares?"

Natawa ako.

"Drew, baka maniwala 'yan sa'yo ah," sabi ni Kuya Bart. "Baka magulat ka 'yung kotse mo na dina-drive niyan."

Natawa ulit ako. "Sige, Matt. Kapag lumaki ka ng konti pa, tuturuan na kita ng totoong kotse."

"Wow," sabi ni Matt sabay yakap sa 'kin. "Salamat 'To ah."

"Oh, yumakap pa," sabi ni Ate Vanessa. "Baba ka na kasi diyan. Hindi ka pa naliligo oh."

Hinawakan ni Kuya Bart ang kamay ni Matt. "Sige na, 'nak. Ginagalit mo na naman Mama mo. Sige na, laro ka na ulit sa labas."

"Mami-miss ko kayo, Tito," sabi ni Matt sabay halik sa pisngi ko bago siya ibaba.

"Gustong-gusto talaga niya 'yung regalo mong laruang kotse sa kanya," sabi ni Ate Vanessa.

"Sabi kasi ni Harry 'yun ang gusto niya."

"Nagustuhan din namin lahat ng Christmas gifts mo sa amin, anak," sabi ni Tita Jean. "Maraming salamat."

"Wala pong anuman 'yon, Tita."

Umuwi kami ni Harry dito sa probinsya noong December 24 at dito na kami nag-Pasko. December 26 ngayon at ito ang araw ng pag-alis namin ni Harry papuntang States.

"Oh, heto na hinihintay mo Drew," sabi ni Kuya Bart. "Tagal maghanda."

Agad kong pinuntahan si Harry na pababa sa hagdan at tinulungan ko siyang dalhin ang malaking bag na dala niya. Kasama niya si Mama na nanggaling sa taas.

"Thanks," sabi ni Harry. "Sigurado ka, my love ah? Ayos na 'to? Konti lang talaga ang damit na dinala ko."

"Okay na 'to, mahal ko. Ilang araw lang naman tayo dun. Tsaka may iba pa naman akong damit sa L.A. na pwede mong gamitin."

"Sige. Ikaw wala ka na bang nakalimutan?"

"Wala na. 'Di ba na-check mo na rin kagabi?"

Tumango siya.

"Best wishes sa inyong dalawa ah," bungad ni Ate Alex na galing sa kusina. "Sana nandun din kami sa kasal niyo."

"'Wag kang mag-alala Ate, may video cam si Kuya Drixx. Kukuhanan niya raw kami ng video para makita niyo rin."

"Oi, Drixx daw," tukso ng kakambal niyang si Kuya Bart.

"'Wag mo 'kong simulan Bartholomew ah!" inis na sagot ni Ate Alex. "Nakakarami ka na sa 'kin."

"Pakipot ka pa kasi Alexandra," tugon ni Kuya Bart.

"Oo, nga Ate," sabi ni Harry. "Halatang gusto mo rin naman si Kuya Drixx eh."

"Harry, akala ko ba magkakampi tayo?" galit na tugon ni Ate Alex. "Bakit mas kinakampihan mo pa 'tong si Bart?"

"Kayong tatlo, tama na 'yan," saway ni Mama sa tatlong magkakapatid. "Oh pano mga anak, mag-ingat kayo ah," sabi naman ni Mama sa 'ming dalawa ni Harry.

COFFEE - FLAVORED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon