IKALABINGPITONG YUGTO : PASASALAMAT

536 11 4
                                    

[ HARRY ]

Pagkatapos ng party ay dumiretso na kami sa hotel para makapagpahinga. Halos na-occupy na namin lahat ng kwarto sa hotel sa dami namin. Nalaman ko na pamilya pala ni Jason ang may-ari kaya parang regalo na rin daw niya ito sa aming dalawa ni Drew.

"Pinaghandaan mo talaga 'to ah," sabi ko habang nagbibihis kami ng pangtulog. "Talagang pinagbaon mo pa 'ko ng damit."

"Oo naman, mahal ko." Lumapit siya sa'kin at niyakap niya 'ko mula sa likod. Kakatapos lang niyang maligo at naka-underwear lang siya. "Ikaw ba naman makakalimutan ko." bulong niya sa tenga ko.

"Salamat talaga, my love. O, magbihis ka na baka magkasakit ka pa."

"Mamaya na, mahal ko. Gusto kong maramdaman mo ang init ng aking pagmamahal."

"Ramdam ko naman eh." At meron pa akong ibang nararamdaman sa likod ko. Loko-loko talaga 'to. Inalis ko ang pagkakayakap niya at kinuha ko na siya ng damit na masusuot. "Magdamit ka na, please." Ngumiti siya nang maloko. Alam niya kasing hindi pa rin ako sanay na ganoon ang itsura niya. Kinuha niya ang mga iniabot kong damit at saka niya isinuot.

"Kanina sa restaurant my love, 'di ba si Lei ang sa piano at si Alvin ang guitarist? Sino ang sa violin? Wala naman sa barkada ang marunong nun."

"Si Kuya Drixx 'yun. I asked him to join Alvin and Lei para mas maganda. He had training back in Los Angeles since he was 6."

"Wow! Ang galing ah! You know my love, I always have high regards for people who knows how to play even a single musical instrument. I think they are attractive on that note."

Napansin kong biglang sumeryoso ang mukha. Pumasok ulit siya sa banyo. Sinundan ko siya at nakita ko siyang nagto-toothbrush. Base sa kilos niya, sa tingin ko nagselos siya kay Kuya Drixx sa sinabi ko.

"Tsaka 'di ba nasabi ko na sa'yo dati na gustong gusto ko talaga 'yung mga mata ni Drake? Ang ganda pala talaga sa personal."

Pagkatapos niyang mag-toothbrush ay lumabas na siya at dinaanan niya lang ako na parang wala ako sa pinto. Inayos niya ang kama at humiga siya ng hindi man lang ako inaya.

Nagtampo na naman ang bata. Tama ba namang pagselosan niya ang mga kapatid niya? Sa bagay, si Jason nga kanina na kanyang bestfriend ay pinagselosan din niya.

Totoo naman ang mga sinabi kong paghanga kay Kuya Drixx at Drake at wala akong intensyong pagselosin siya (Sa totoo lang, 'yung kay Kuya Drixx lang ang hindi ko sinasadya. 'Yung kay Drake, ginusto ko na siyang pagselosin nun).

Humiga na rin ako at tumabi ako sa kanya. Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa 'min sa ilang minutong nakahiga kami. Pareho kaming nakatingin sa kisame ng kwarto namin. Hinintay kong siya ang unang magsalita dahil gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga sinabi ko.

"Alam mo, mahal ko, I'm willing to learn to play an instrument if you want," sabi niya habang nakatitig pa rin kami sa kisame. "And I'm willing to wear contacts to turn the color of my eyes into blue ones if you ask me to," malungkot niyang sabi.

Napaka-immature ng sagot niya pero alam kong sincere siya, at kahit papaano ay natuwa ako sa sinabi niya. Kinuha ko ang kamay niya.

"But I'm more interested to a person who wants to change his being just to please his loved ones," sabi ko. Tiningnan ko siya. Kitang-kita ko ang kalungkutan sa mukha niya.

"Drew, look through my eyes." Sumunod siya. "You see through it, right?" Tumango siya. "You see my heart through it, right?" Tumango ulit siya. "Drew, I won't love you less if you can't play any single instrument like Kuya Drixx and won't have the same eyes like Drake. I love you because you are Drew. You don't have to change anything just to please me. In fact, you changed your whole life, even your sexual orientation, just for me and that is more than enough. I couldn't ask for more." Nakatitig pa rin sa'kin ang kanyang mapupungay na mata. "I admit my eyes can be fooled by the perfection of others. But my heart only sees you. The naïve, the obnoxious, and the imperfect Drew."

COFFEE - FLAVORED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon