IKAWALONG YUGTO : PAGSUYO

618 15 4
                                    

[ HARRY ]

Turn ko na naman sa pag-inom ng alak at alam kong hindi ko na kaya. Pakiramdam ko anomang oras masusuka na 'ko. Nakatingin lang ako sa baso.

"Harry, ako na diyan," bulong ni Drew.

"Ha? 'Wag na."

"Sige na, ako na lang sasalo ng sa'yo," nakangiti niyang tugon. Tumingin siya sa mga kaibigan ko at agad niyang kinuha ang baso ko. Ininom niya ang tagay ko at mabilis niyang naibalik ang wala ng lamang baso sa kamay ko.

"Salamat," bulong ko.

Dahil abala sa pakikipag-kwentuhan ang mga kabarkada ko at dahil na rin sa dilim ng gabi at epekto ng alak, ganun na nga ang ginawa namin ng palihim ni Drew hanggang matapos. Napansin 'yun ni Jen, Rizza, at Reg pero hindi na sila kumibo.

"Guys, magmi-midnight na," sabi ni Ruth. "Uwi na tayo."

"Oo nga," pagsang-ayon ni Lance. "Tuloy na lang natin 'to sa swimming bukas."

"Sige, sige," sabi ni Alvin na lasing na lasing na. "Pero hindi ko pa naririnig kumanta si Harry, eh."

"Nako friend, pagbigyan mo na," sabi ni Rizza. "Para makauwi na tayo."

Pumayag na 'ko tutal ako na lang naman talaga ang hindi kumakanta. Hindi naman ako magaling kumanta pero hindi rin naman ako sintunado. Naghanap ako ng makakanta sa song book sa tulong ng ilaw ng TV.

"Oh, 'Need You Now!'" sigaw ni Isaac. "Duet 'yan ah. Drew samahan mo."

"Oo nga Drew," sabi ni Grace. "Perfect 'yan kapag dalawa kumakanta."

Akala ko, tatanggi siya pero agad siyang tumayo at pinuntahan ako. Nagpalakpakan naman ang buong barkada.

Need You Now by Lady Antebellum

AKO: Picture perfect memories

Scattered all around the floor.

(Sandali, isa lang ang mic ah. Paano kami magdu-duet?)

Reaching for the phone cause, 

I can't fight it anymore.

(Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na may mic at inilapit niya ang ulo niya dito.)

DUET: And I wonder if I ever cross your mind.

(Dahil duet kami at isa lang ang mic, magkaharap kami ngayon. Adik talaga 'to. Nakatawa pa.)

AKO: For me it happens all the time.

(Naririnig ko ang tili ni Rizza sa background.)

AKO: It's a quarter after one.

I'm all alone and I need you now.

Said I wouldn't call, but I lost all control

And I need you now.

("Really? You need me?" biro ni Drew over the mic. "I'm here." Nagtawanan silang lahat.)

AKO: And I don't know how I can do without, 

I just need you now.

DREW: Another shot of whiskey, 

Can't stop looking at the door.

Wishing you'd come sweeping in the way you did before.

DUET: And I wonder if I ever cross your mind.

COFFEE - FLAVORED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon