IKAAPAT NA YUGTO : PAGDEDESISYON

808 21 9
                                    

[  F R I D A Y  ]

[ HARRY ]

5:30AM nang nag-alarm phone ko. Maliban dun, agad ko ring narinig ang ingay ng mga nag-uusap sa labas. Ang lakas ng boses at tawa at mukhang tuwang-tuwa. Si Jen at Art talaga, kapag nagsama puro kalokohan. Malamang dito natulog si Art. Tinakpan ko na lang ng unan ang tenga ko kasi inaantok pa ‘ko kaya bumalik ako sa pagtulog.

Ilang sandali pa lang ang lumilipas nang magising naman ako dahil may kumakatok na sa pinto ko. Si Jen. Alam niyang umaga ang duty ko ngayong araw.

“Jen, 5 minutes na lang!” sigaw ko. “Inaantok pa ‘ko.”

Pero hindi pa rin siya huminto sa pagkatok. Hindi ako titigilan nito hanggang hindi ako bumabangon.

“Jen naman eh.” Bumangon na ‘ko at pumunta sa pinto. “Ayan na.”

Pagbukas ko ng pinto. Nagising ako sa nakita ko.

“Morning, sleepyhead.”

“Drew?”

“Sorry ah,” sabi niya. “Sabi ni Jen may lisensya raw akong katukin ka at ‘wag ko raw itigil hanggang hindi ka bumabangon.” Tapos inalok niya ang hawak niya. “Coffee?”

“Anong ginagawa mo dito?”

“‘Di ba sabi ko babalik ako.”

“Ng ganito kaaga? Baliw ka talaga no?”

“Coffee?” alok niya ulit sabay ngiti.

“Sige. Pero maghihilamos muna ako.”

Tinungo ko ang restroom para maghilamos. Nakita kong nag-uusap na naman sila. Siguradong pinag-uusapan na naman nila ako.

“Ang ingay ah!” sabi ko nang madaan ako sa mesa kung saan nag-aalmusal sila Art at Jen.

Paglabas ko ng CR, nandun na naman si Drew. Buti hindi ka pumasok? Inalok na naman niya ang ginawa niyang kape kaya kinuha ko na. As usual, masarap ang timpla niya.

“Salamat ah.”

“Tama na ‘yan,” sabi ni Art. “Sumabay na kayong mag-almusal sa’min.”

“Grabe Drew, ang sarap talaga ng kare-kare mo,” sabi ni Jen.

“Kare-kare?” Tiningnan ko si Drew.

“Dinala ko ‘yung tirang kare-kare kagabi,” tugon niya ng nakangiti.

Natuwa ako. Matitikman ko na naman luto niya. “Kain na tayo.”

Masaya ang kwentuhan namin habang kumakain. Parang kabarkada na namin si Drew. May konting sense of humor na pwede nang pagtiyagaan at makulit kaya gumaan na rin loob nila sa kanya. Nakabihis na si Jen nang mag-almusal kami. Pati si Art ay ready na rin sa pagpasok. Ako na lang ang hindi – kaya nagmadali akong mag-almusal at nang makaligo na. Gusto ko pa sanang kumain ng marami kaya lang baka ma-late kami.

Nang makaligo na ‘ko ay nakita ko silang nag-uusap. Si Jen ay naghuhugas na ng pinagkainan namin. Kasali rin siya sa usapan nina Art at Drew sa dining table. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila pero hindi ko na pinansin dahil dumiretso na ‘ko kaagad sa kwarto para magbihis.

Matatapos na ‘ko nang marinig ko si Jen na sumigaw sa labas ng kwarto ko. “Harry, tara na baka ma-late tayo.”

“Oo, ayan na. Tapos na ‘ko.” Paglabas ko ng pinto ay napansin kong ayos na sila at mukhang ako na lang talaga hinihintay. “Pasensya na sa paghihintay. Tara na,” yaya ko.

Nauna na kaming lumabas ni Drew kasi mag-CR lang daw si Jen kaya hinintay na ni Art. Dun sa labas ng gate na lang namin sila hintayin para mag-abang ng jeep. Baka kasi malate kami.

COFFEE - FLAVORED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon