[ W E D N E S D A Y ]
[ HARRY ]
Si Mr. DeAndre nga!
Hinintay niya ‘ko simula kagabi pa? Marahil gusto niya talagang makipag-ayos. Natuwa ako kasi may pagkakataon na rin akong humingi ng dispensa sa kanya.
Sa kabilang banda, naguguluhan pa rin ako. Hindi naman kami magkakilala pero bakit parang malaking bagay pa rin sa kanya ang pakikipag-ayos sa’kin. Okay lang sana kung kaibigan ko siya or simpleng kakilala at mauunawaan ko ang pagsisikap niyang hingin ang aking kapatawaran. Pero hindi eh, he’s a total stranger to me.
“Mr. DeAndre… Mr. DeAndre…”
Tulog na tulog ang mokong. Kawawa naman. Tinapik-tapik ko ang balikat niya sabay ng pagtawag ko ng pangalan niya. Minulat niya ang mga mata niya at nang makita niya ‘ko, tinanggal niya ang cap niya at bigla siyang tumayo. Natabig niya ng kaunti ang kape ko at muntik na itong matapon.
“Oh, Harry. I’m sorry I fell asleep,” pautal-utal niyang sabi. “And sorry for that.” Tinuro niya ang hawak kong kape dahil nakita rin niyang muntik ng matapon ang dala kong kape.
“No. Don’t apologize. It doesn’t matter,” tugon ko sabay ngiti. Ngumiti rin siya. Ang cute talaga ng ngiti niya. “You want coffee?” alok ko.
“Sure,” mabilis niyang tugon.
Inilapag ko muna sa may malapit na mesa sa lobby ang kape ko at tumungo ulit sa vendo machine para ikuha siya. Pagbalik ko, nakita kong may hinihigop na siyang kape. Nagtaka ako. Napansin kong wala na rin ‘yung kape ko sa mesa.
“That’s my coffee!” sabi ko.
“I know. But I don’t want a very hot coffee. Your coffee is just what I want,” sabi niya sabay ngiti ng maloko. “It’s not too hot so I can drink on it.”
“But I already drank on that!”
“Doesn’t matter to me,” may kibit-balikat niyang sagot. “This is already mine. I hope you don’t mind.”
Tulala akong napailing. Pagkatapos ay humigop siya ulit.
“Sarap,” sabi niya.
No choice na ‘ko. Ininom ko na lang ang bago kong kape. Pero hindi ko pa nalulunok ang unang higop ko ng kape ay nasamid ako.
“Hey? Are you okay?” nag-aalala niyang tanong. “Is there something wrong with your coffee?”
Muli ay napatulala ako. Hindi ang kape ang dahilan kung bakit ako nasamid. Nagulat ako nung magsalita siya ulit ng Tagalog. Nakalimutan kong marunong nga pala siya. Atsaka ‘yung punto niya, wala talagang foreign enunciation.
“Marunong ka nga palang mag-Tagalog,” sabi ko.
“Oo naman. Half-Pinoy ako,” may pagmamalaki niyang tugon. “My dad is an American. Filipina naman si Mom. I born and grew up in America pero dito na ‘ko nag-college.”
“Marunong ka naman palang mag-Tagalog eh. Pinahirapan mo pa ‘ko.”
Napakunot-noo siya. Bakit pati dun sa expression na ‘yun cute siya?
“Ang akala ko kasi mas komportable kang mag-English. Isa pa, kinakausap mo ‘ko sa ganung lengwahe kaya tinutugunan ko rin ng English.”
Aba, pilosopo ‘to ah! Kung hindi mo lang ako nginingitian, kanina pa kita pinaliguan ng umuusok na kape.
“Ah, I see,” sagot ko na lang. “Bakit ka pala nandito? Sabi ni manong hinihintay mo ‘ko at kagabi ka pa nandito,” tanong ko. Tinanong ko pa rin kahit alam ko na ang sagot.
BINABASA MO ANG
COFFEE - FLAVORED LOVE STORY
RomanceKuntento na si Harry sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay, at isa na dun ang kanyang buhay pag-ibig. Hindi man siya nasa isang relasyon, at kailanman ay hindi pa nakapasok o kahit subukan man lang na pumasok, ay masaya siya sa kasalukuyang kalagayan...