Nasa likod ni Drew si Harry at ipinasusuot ang kanyang polo. Pagkatapos ay agad namang pumunta si Harry sa harapan ni Drew para i-butones naman ito. Si Harry rin ang naglagay ng kanyang neck tie.
"Gumagaling na ang mahal ko sa paglalagay ng neck tie ah," sabi ni Drew.
"Oo naman, my love. Sa matiyagang pagtuturo mo sa akin ay nakuha ko na ng tama. Isa pa, sa tatlong buwan kong pagtira dito sa condo mo, nakakahiya naman kung hindi ko pa ba ma-master ito?"
Tatlong buwan na ang nakalipas ng pumayag si Harry sa alok ni Drew na tumira sa condo unit niya kasama siya. Ngayon, si Rizza na ang nakatira sa dorm at kasama ni Jen.
Hanggang ngayon, pilit pa ring bumabawi si Harry kay Drew sa ginawa niyang pag-iwan sa kanya. Kung naging bukas lang ang kanyang isipan sa mga paliwanag ni Drew at kung hindi lang siya naging bulag sa kanyang maling paniniwala. Ngayon, maliwanag na sa kanya ang lahat. Hindi niya kayang mabuhay ng wala si Drew sa tabi niya.
Namuhay sila na parang mag-asawa, hindi nga lang legal na magkasama. Pero 'yun na ang tingin nila sa relasyon nila at masaya sila sa set-up nila ngayon. Alam na rin ng kanilang pamilya na nakatira na silang pareho sa iisang bubong at hindi naman sila tutol sa kanilang naging desisyon.
Kagaya ng iba na nasa relasyon, natural na ang tampuhan at awayan. Pero nangako sila sa isa't isa na kailangan nilang magkaayos at magkabati bago sila matulog para paggising nila ay maayos na ang lahat.
Madalas si Drew ang nagpapakumbaba kay Harry. At isang bagay lang ang makakapagpagaan ng kalooban ng bawat isa. Isang tasa ng kape.
"Happy Birthday, mahal ko," sabi ni Drew habang nag-aalmusal.
"My love, kaninang madaling araw mo pa 'ko binabati. Nag-alarm ka pa talaga kaninang alas-dose ng madaling araw para lang gisingin at batiin ako."
"Syempre naman. Gusto ko ako makauna sa'yo," sabi ni Drew na nakangisi. "Ano mahal ko? Nagustuhan mo ba luto ko?"
"Oo naman." Iniabot ni Harry ang tira niyang kape kay Drew at agad naman itong uminom. "Ano ba sikreto mo? Share mo naman."
"Wala naman sikreto mahal ko. Basta nilalagyan ko lang naman ang mga niluluto ko ng siksik, liglig at umaapaw na pagmamahal ko sa'yo."
"Ang korny mo talaga. Alam mo tumataba na nga ako eh."
"I don't think so, mahal ko. But if you feel that you are gaining weight, try pushing a little bit more on your exercises. Sumabay ka kasi sakin."
"Alam mong sinusubukan ko naman 'di ba? Kaya lang hindi kita masabayan. Kung magwork-out ka kasi parang wala ng bukas. Naalala mo last week, muntik na 'kong himatayin nung sumabay ako sa'yo."
Natawa si Drew. "Kung mangyari man 'yun mahal ko, hindi naman kita pababayaan eh. Mouth to mouth pa kita."
"Baliw! Loko-loko ka talaga! Bilisan na nga natin baka mahuli pa tayo!"
=========================
"Mahal ko, kumusta pala 'yung pinakita kong design sa'yo ng bahay?" tanong ni Drew habang nagmamaneho. "May gusto ka pa bang ipabago?"
Habang nagmamaneho ay pinapainom naman siya ni Harry ng kape mula sa takip ng insulated bottle at aksidenteng nasamid siya.
"Sorry, my love. Ayos ka lang ba?" tanong ni Harry habang hinahagod niya ang likod ni Drew. "Eh kasi naman pwede naman kasing ubusin muna ang pag-inom ng kape, tapos dun magsalita." Kinuha ni Harry ang kanyang panyo at pinunasan ang kaunting kapeng tumulo sa bibig ni Drew.
BINABASA MO ANG
COFFEE - FLAVORED LOVE STORY
RomanceKuntento na si Harry sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay, at isa na dun ang kanyang buhay pag-ibig. Hindi man siya nasa isang relasyon, at kailanman ay hindi pa nakapasok o kahit subukan man lang na pumasok, ay masaya siya sa kasalukuyang kalagayan...