IKALABING-SIYAM NA YUGTO : PAGSISIMULA

452 8 5
                                    


 [ HARRY ]

"Kinakabahan ako, my love," tanong ko habang hinihintay namin ang judge na magunguna sa kasal namin.

"Bakit naman? Wala ng atrasan 'to, mahal ko. 'Wag mo 'kong tatakbuhan ah."

"Ha? Baliw! Hindi ko gagawin 'yun!"

"Dapat lang. Kasi hindi mo na magagawa 'yun. Kinuntsaba ko na si Dad na kapag tinangka mong maging 'Runaway Groom' eh pipigilan ka niya." Tumawa siya sa biro niya.

"Ewan ko sa 'yo!" Nilingon ko sila Dad at nang makita niya ko ay agad naman niya 'kong kinindatan. Kasama niya si Mom, Kuya Drixx, at Drake. Kami lang ang tao sa room at may isang babaeng nasa gilid na ang sabi ni Drew ay isang stenographer. Si Kuya Drixx naman ay kanina pa nagre-record mula sa kanyang video camera nasa bahay pa lang kami.

"Tsaka maraming gwardya sa labas kaya 'wag ka nang magtangka." Pagkasabi ng banta niya ay hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. "Akin ka lang." Ngumisi siya.

"Tigilan mo nga ako. Kung tatakas man ako dito ay sa kadahilanang baliw ang mapapangasawa ko."

"Tama! Baliw na baliw sa'yo!"

Agad namang sinimulan ng judge ang kasal pagdating niya. Nagsalita siya na parang matagal na niyang ginagawa ang pangunahan ang isang kasal. Monotonous niyang binigkas ang mga dapat niyang sabihin. Medyo naiinis nga ako dahil kabaligtaran siya ng nararamdaman namin ngayon ng mahal ko. Kami ni Drew, nasa 'Edge of Glory'. Siya naman, nasa 'Edge of Purgatory.'

Wala naman talagang official vows na sinasambit sa isang same-sex marriage hindi gaya ng isang man-woman marriage na may sinusunod na sumpaan. Doon, pwede mong sabihin ang lahat ng nararamdaman mong pagmamahal ninyo sa isa't isa.

"May I have the rings, please?" sabi ng judge. Masayang pumunta si Drake para ibigay ang hiningi ng hukom.

"Drew, do you take Harry to be your husband?
Do you promise to continue to be loving, affectionate, faithful, loyal, honest and trustworthy?
For better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, for as long as you both shall live?"

"I do," sagot ni Drew.

"Will you now place the ring on Harry's finger and repeat after me?"

"Uhm, can I say my own vows?" tanong ni Drew.

"Sure. Of course, you may."

Kinuha niya ang kamay ko at agad niyang hinubad ang dalawang singsing na unang binigay niya sa 'kin. Hawak sa palad ang tatlong singsing ay malambing niyang sinambit ang kanyang sumpa.

"This is the promise ring of our past," sabi niya habang sinusuot niya ang promise ring sa daliri ko. "Ang nakaraang pangako ko na ikaw lang at ikaw na ang huli kong mamahalin ay iyong-iyo na para alagaan. Ingatan mo ang pangako ko na 'yun sa'yo dahil sa 'yo na nakasalalay kung aalagaan mo pa ba 'to o ipagsasawalang-bahala na lang." Ngumiti siya bago magpatuloy. "At alam kong hindi mo gagawin ang itapon ang pangako kong 'yun sa'yo."

Kinuha niya ang engagement ring at sinunod naman niyang isinuot ito sa daliri ko. "This is the engagement ring of our present. My commitment to you as your lifetime partner is a guarantee. I will always love you, Harry. Mamahalin kita hindi dahil nagsumpaan tayo na 'yun ang gagawin natin kundi dahil 'yun ang gusto ng puso ko. Mamahalin kita hindi dahil responsibilidad ko, bilang asawa mo, na mahalin ka kundi dahil 'yun ang magpapasaya sa ating dalawa. Mahal kita Harry at masaya akong mahalin ka.

"And, this is the wedding ring of our future," pagpapatuloy niya habang sinusuot ang panibagong singsing na isusuot ko na mula sa araw na 'to. "This ring will strengthen the promise of the past and intensify our present engagement. I will happily stand beside you through the years. Nandito lang ako sa tabi mo kahit anong mangyari. Kahit anong pagdaanan natin, alam kong malalampasan natin kasi magkasama tayo. Hindi ko man maibibigay lahat ng kailangan mo, makakaasa kang ibibigay ko naman lahat ng makakaya kong ibigay."

COFFEE - FLAVORED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon