IKALIMANG YUGTO : PAGTATAPAT

787 18 4
                                    

[  S A T U R D A Y  ]

[ HARRY ]

7AM nang nagising ako. Inaantok pa ‘ko pero nagpapasama kasi si Drew sa’kin. Nasa’n na ba ‘yun? Teka? Kagabi, nanood kami ng movie nila Jen. Nakatulog ba ko? Oo!

Pero bakit nandito ako sa kama ko? Si Drew!

Paglabas ko ng pinto, nakita ko si Jen na nag-aalmusal. “Jen, si Drew?” Pero nakita kong lumabas si Drew ng restroom. Nilapitan ko siya.

“Morning, Harry,” bati niya.

“Binuhat mo na naman ba ako?” bulong ko.

Ngiti lang ang sagot niya.

“Oo, binuhat ka niya,” sabi ni Jen.

“Ha?” Alam niya? “Bakit hindi niyo ko ginising?”

“Gigisingin sana kita pero sabi ni Drew ‘wag na. Buhatin ka na lang daw niya.”

Tiningnan ko si Drew. Nakangiti na naman. Ang pungay pa ng mata kasi bagong gising. Pero inis pa rin ako dahil hindi nila ako ginising. Pumasok ako sa restroom para maghilamos. Paglabas ko, may hawak ng tasa ng kape si Drew at saka niya inalok sa’kin, pero sinadya kong hindi kuhanin.

Umakto akong parang hindi ko gusto ang gawa niya. Kumuha ako ng tasa at kutsarita para mas makatotohanan ang pag-arte ko.

“Harry, heto na kape oh. Eh kasi tulog na tulog ka kagabi. Ayoko naman maistorbo tulog mo kaya binuhat na kita. Uy, sorry na.”

Tiningnan ko siya. Nakakaawa ang mukha niya kaya nginitian ko na siya. “Joke. Akin na nga ‘yan.”

Nag-smile na rin siya.

“Salamat ah.”

“Salamat saan? Sa pagbuhat ko sa’yo o sa pagtimpla ko ng kape?”

“Pareho.”

“Baka gusto niyo ng maupo dito para kumain at baka kayo almusalin ng mga langgam dyan sa sobrang sweet niyo.”

Si Jen talaga. Pang-asar. Nagsimula na kaming mag-almusal. Pandesal, hotdog at sobrang alat na scrambled eggs.

“‘Kaw nagluto?” pabulong na tanong ko kay Drew.

Umiling siya sabay tingin kay Jen. Mukhang nalasahan din niya ang itlog. Sabi na eh, alat talagang magluto ni Jen. Kung makapaglagay ng asin, wagas. May bato pa kaya ‘to?

“Bakit Harry, may reklamo?” tanong ni Jen.

“Wala! Ang sarap nga ng luto mo eh. Lalo na itong itlog!”

=========================

Pagkatapos naming mag-almusal, sinabihan ko na si Drew na mauna ng maligo habang nililigpit ko ang mga pinagkainan namin. Pagtapos ko naman sa hugasin ay pumunta na ‘ko sa kwarto ko para magligpit.

Sandali? Saan kaya natulog si Drew? Mukhang hindi naman nagalaw yung foam dito sa likod ng cabinet.

Pagpasok ni Drew, itatanong ko sana kung saan siya natulog pero tumalikod ako kaagad nang makita kong nakatapis lang siya ng twalya. Ano bang akala niya, nasa condo niya siya? Kumuha na lang ako ng uniform sa cabinet para kung gabihin man ako, magbibihis na lang and I’m off to go.

“Harry, salamat sa pagsama sa’kin ah.”

“Uh, oo. Walang problema,” sabi ko. Pero hindi pa rin ako lumilingon sa kanya.

Ano ba? Hindi ka pa ba tapos?

Natawa siya. “Harry, ok na. Pwede ka ng lumingon. Nakabihis na ‘ko.”

COFFEE - FLAVORED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon