IKALABING-TATLONG YUGTO : PANGUNGULILA

372 10 2
                                    

 [ HARRY ]

Kakatapos lang ng misa at ang daming tao sa loob at labas ng simbahan. Hinayaan ko munang maunang lumabas ang mga nagsimba kaya bumili muna ako ng kandila sa may harap ng simbahan at nagtulos ako ng isa sa harap ni Mama Mary.

Halos naging panata ko na ito, nagsimula ito apat na buwan na ang nakakaraan – simula nung maghiwalay kami ni Drew. At isa lang ang laging hinihiling ko sa Diyos – na sana nasa mabuting kalagayan si Drew.

Naluha, na naman, ako nang hindi ko namamalayan.

Agad akong umuwi pagkatapos. Nagugutom na 'ko. Nakasakay ako ng jeep at malapit na 'ko sa dorm nang may nakita akong pulang kotse sa harap ng gate ng dorm namin. Hindi ko na naabutan ang kotse kasi agad itong umalis.

Hindi ko masyadong nakita pero parang si Ares ang kotse na 'yun .

Pero imposible. Nag-iimagine lang ako.

Madalas akong magkaroon ng illusions lately. Nung isang araw lang, may nakita akong lalaking naka-all black sa labas ng ospital. Akala ko si Drew. Pero agad siyang umalis kasabay ng isang babae.

Sa sobrang pag-iisip ko kay Drew, parang gumagawa na ng paraan ang mga mata ko na kahit sa konting ilusyon lang ay makakita ako ng pag-asa na nasa malapit lang si Drew.

==============================

Nakita ko si Jen na abala sa kusina. "Morning, Jen. God Bless." Napansin kong parang nataranta siya ng dumating ako at nang binati ko siya.

"Harry," mabilis niyang tugon. "Kanina ka pa?"

"Obvious ba? Kararating ko lang oh!" sabi ko. "Bakit parang nakakita ka ng multo?"

"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo?" Kumuha siya ng mga plato at inilapag sa mesa. "Bihis ka na muna para makapag-almusal na tayo." Nagbihis na nga ako at bumalik sa kusina. "Wow! Chicken curry ba 'to? Bango ah!" Umupo na 'ko at tinikman ko ang luto niya. "Ang sarap!"

"Thanks," nakangiti niyang tugon.

"Jen, napansin ko, sumasarap na ang mga luto mo ngayon ah. Promise!" May kinuha siya sa microwave at inilapag niya sa mesa.

"Kape oh," alok niya.

"Kanina pa ba 'to? At kailangan mo pang initin sa microwave?" Umupo na siya.

"Oo eh. Sa'kin 'yan. Hindi ko nainom kasi naging busy ako sa pagluluto. Sa'yo na lang, wala na rin ako sa mood uminom ng kape."

"Wow naman. Kina-career mo talaga ah." Uminom ako ng kape niya. "Ang sarap ng timpla mo ah."

Just the right taste that I want in my coffee. Kagaya ng timpla ni Drew. . .

"Uy, bigla kang natihimik diyan. Naalala mo si Drew ano?" biro niya.

Ngumiti lang ako. Wala akong maitatago sa kanya.

"'Wag ka nang malungkot at 'wag mo nang alalahanin si Drew. Alam kong tutuparin niya ang pangako niya sa'yo na aalagaan niya ang sarili niya."

Sana nga, Jen. Sana nga nasa maayos siyang kalagayan.

Nagsimula na kaming kumain at ang sarap talaga. Parang may pinaghahandaan ah.

Magpapakasal na kaya sila ni Art? Noon ko pa gustong itanong kung lalagay na sila sa tahimik pero natatakot kasi akong mabatukan niya. Natatawa lang ako 'pag naiisip ko 'yun. Pero kung sa bagay, 'yun na lang talaga ang kulang. Nasa hustong gulang na sila ni Art para magpakasal. Ang tagal na ng relasyon nila.

Pero, 'yung akin, isang buwan lang, natapos na.

Nung isang linggo, menudo ang niluto ni Jen. Last, last Sunday, sweet and sour fish fillet. Three Sundays ago, kalderetang baka. At lahat ng Sundays before that.

COFFEE - FLAVORED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon