[ HARRY ]
Three weeks nang sinagot ko siya, patuloy pa rin ang ginagawang pagsuyo ni Drew. Hindi nagbago ang mga madalas niyang ginagawa kahit noong hindi pa kami. Pakiramdam ko nga mas lalo pa siyang naging pursigido kahit nakuha na niya ang inaasam niyang 'Oo' mula sa akin.
Inaamin kong matagal kong kinontrol ang sarili kong maipakita sa kanya ang tunay kong nararamdaman. At sa tuwing itinatago ko ito, nagiging mas masigasig naman si Drew sa panliligaw niya sa'kin. Dahil doon, mas lalo lang akong nahirapang pigilan ang nararamdaman ko kaya hinayaan ko na lang siya at ipinagkatiwala ko na sa kanya ang puso ko na alam ko namang aalagaan niya.
Gaya nang lagi niyang ginagawa, hatid-sundo ako ni Drew mula hospital hanggang sa dorm kahit kung tutuusin dalawang tumbling lang ang layo ng hospital sa dorm namin. Madalas, nagde-date kami dun sa Japanese restaurant na malapit sa firm nila. Dun lang ang gusto ko, masarap ang pagkain at romantic pa. Nakakapagpa-reserve na si Drew bago pa man kami magpunta.
Madalas din, ginagabi kami sa pamamasyal kaya sa condo unit na lang ni Drew ako natutulog. Magkatabi kaming matulog. Pero wala pang nangyayari sa amin, puro halik at yakap lang kami. Walang sex. If i am conservative on that note, then be it.
Nagulat din ako nang inamin niyang ganun din ang estado niya. Noong una, hindi ako makapaniwala na wala pa siyang karanasan sa sex. Considering the fact that he grew up in the States, kung saan halos liberated ang mga tao, sa paniniwala ko, ay hindi talaga kapaniniwala-paniwala. Tapos sa taglay niyang tikas at kagwapuhan, malabong wala pa siyang karanasan. Sabi niya, gusto raw niyang ibigay 'yun sa taong totoong mahal niya kaya niya pinakaingatan at kinontrol niya ang sarili niya sa tukso. Isa rin daw ang dahilan na 'yun kung bakit nagtatalo sila ng mga naging ex-girlfriends niya.
Heto pa ang mga salitang lalong nagpagulat sa'kin:
'But if you want us to do it,' sabi niya nang unang beses naming mapag-usapan ang tungkol dun, 'I can put my principles aside.' Naaalala ko pa ang tono ng boses at ang tingin niya. Kung gusto ko raw hingin 'yun sa kanya ay buong puso niya itong ibibigay sa'kin sa kahit saan at anomang oras ko gustuhin.
'Baliw!' tugon ko. 'Adik!'
Kaya simula nang araw na 'yun, hindi na 'ko naglakas-loob buksan ang topic na 'yun.
==============================
Galing akong night shift at off ko naman bukas. May plano ako at sosorpresahin ko siya mamaya sa firm. It's my turn to impress him. Nagpunta ako saglit sa talipapa at bumili ako ng mga sangkap sa lulutuin ko. Mabilis kong naluto ang ulam na dadalhin ko. Chicken Curry. Sana magustuhan niya.
11:30AM. Nasa 36th floor na 'ko ng tower nila. Nakita ko si Helga na abalang-abala sa ginagawa niya. Agad niya 'kong binati nang makita niya 'ko.
"Morning din Helga. Bagay sa'yo ang suot mo."
Sa totoo lang, bagay na bagay talaga kay Helga ang mga sinusuot niya. Mayroon siyang tinatawag na 'Fashion Sense.' Siguro dahil maliit siya, dun na lang siya bumabawi, sa pagsusuot ng magagarang damit.
"Thanks Sir Harry. Ang dami ngang bumabagay sa'kin sa mga tiangge at ukay-ukay."
"Talaga? Galing ba 'yan ng ukay-ukay? Hindi halata ah."
Natawa siya. Gusto ko ring tumawa dahil sa kakaiba niyang tawa. Maliit na nga siya, maliit pa ang boses niya. At 'yung tawa niya, parang tawa ng dwende na napapanood ko sa mga horror movies sa sobrang liit at tinis.
"Salamat Sir Harry ah. I'm flattered."
"It's also my pleasure Helga. Uhm, can you do me a favor?"
BINABASA MO ANG
COFFEE - FLAVORED LOVE STORY
RomansaKuntento na si Harry sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay, at isa na dun ang kanyang buhay pag-ibig. Hindi man siya nasa isang relasyon, at kailanman ay hindi pa nakapasok o kahit subukan man lang na pumasok, ay masaya siya sa kasalukuyang kalagayan...