[ DREW ]
Nasa harapan ako ng ospital ngayon at hinihintay kong lumabas si Harry. Sinabi lang niyang may kakausapin lang siya kaya magtatagal siya ng kaunti. Galing siya ng night shift at papasok naman ako sa firm.
Halos limang minuto na 'kong naghihintay sa kanya at excited na 'kong makita siya. Pero mukhang hindi naman siya excited na makita ako dahil nakita kong kasama na naman niya si Hunter at masaya silang nag-uusap sa lobby. Kahit na ipinaliwanag na ni Harry ang tunay na relasyon nila ni Hunter ay hindi ko pa ring mapigilang magselos kapag magkasama sila. Kapansin-pansin kasi na masayang-masaya si Harry kapag kasama niya si Hunter.
Bumaba ako at pinuntahan ko sila sa lobby. Si Hunter ang unang nakapansin ng paglapit ko.
"Oh, Coffee Bean, nandyan na ang sundo mo."
Lumingon si Harry at nilapitan niya 'ko. "Morning, my love. Dapat hinintay mo na lang ako sa kotse."
Habang kinakausap niya ako ay magkatitigan kami ni Hunter. Sa titig niyang 'yun, alam kong hindi lang pagkakaibigan ang gusto niyang mamagitan sa kanilang dalawa ni Harry. Hindi ko alam pero parang walang kamalay-malay si Harry sa kung ano mang espesyal na pakikitungo ni Hunter sa kanya. Ang alam niya ay magkaibigan lang sila at sadyang malapit lang talaga sila sa isa't isa, pero iba ang nararamdaman ko.
"Morning din mahal ko, how's your night?"
"It went fine. Medyo nakakapagod kasi napakadaming pasyente. And your coffee really helped me surpass the night." Ayos na sana ang lahat kaya lang may dinagdag pa siya. "Buti na lang kasama ko si Hunter, hindi masyadong nakakapagod."
Natawa si Hunter. "Pa'no naman Coffee Bean eh binigay mo lahat ng pasyente sa'kin," tugon ni Hunter. "Lagi kang ganun. Inaabuso mo kabaitan ko."
"Masyado ka naman Tea Bag, hati naman tayo ah," sabi ni Harry.
"Hati? Kelan pa naging proportional ang 10 sa 5? Akala ko pa naman magaling ka sa Math, Coffee Bean."
"Hoy, isa lang naman ang lamang mo sa akin ah. Walong pasyente sa'yo, pito naman sa'kin," mariin pero parang mahinahong tugon ni Harry. "Ikaw lang 'yung nagbantay nung dalawang pasyente ko kasi medyo madami akong ginagawa dun sa isa pa. Akala mo naman nahirapan." Inirapan niya si Hunter. "Isa pa ikaw naman nag-alok ah."
Natawa na naman siya. "Joke lang Coffee Bean. Hindi ka na mabiro," may ngising tugon ni Hunter. Tapos tiningnan niya ako. "Hindi ka na nasanay sa akin."
"Halimaw!" sagot ni Harry. "Sige na nga. Ingat ka sa pag-uwi. Dala mo ba helmet mo?"
"Yup," tugon ni Hunter sabay ng pagtango niya. "Alam ko namang hindi ako pwedeng mag-drive kapag wala ako nun kasi magagalit ka."
"Good," tugon ni Harry. "Oh pano, off ko bukas ah. Kita na lang tayo sa susunod na araw."
"Okay. 'Wag mo kong mami-miss Coffee Bean ah."
"'Wag ka ngang mag-assume. You never cross my mind."
"Of course. I never cross your mind because I'm always there."
"Halimaw ka talaga!" sabi ni Harry. "My love, 'wag mong iniintindi si Hunter ah. Ganyan lang talaga 'yan."
"Oo nga Drew. Binibiro ko lang siya. Ang sarap kasing kinukulit ng Coffee Bean ko eh."
'Coffee Bean ko?'
"Oo naman. Ayos lang ako," pagsisinungaling ko. "Tara na, mahal ko."
"Sige, my love," tugon ni Harry. "Tea Bag, una na kami. Ingat ah."
"Ingat din kayo Coffee Bean. Drew, ingatan mo ang Coffee Bean ko ah.. Baka maging Coffee Powder 'yan."
Biro 'yun mula sa kanya pero iba ang dating nun sa'kin. "Sige brad, aalagaan at iingatan ko ang mahal ko." Pinagdiinan ko ang mga salitang 'mahal ko' at sana makuha niya ang gusto kong iparating.
BINABASA MO ANG
COFFEE - FLAVORED LOVE STORY
RomanceKuntento na si Harry sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay, at isa na dun ang kanyang buhay pag-ibig. Hindi man siya nasa isang relasyon, at kailanman ay hindi pa nakapasok o kahit subukan man lang na pumasok, ay masaya siya sa kasalukuyang kalagayan...