IKALABING-APAT NA YUGTO : PAGBABALIK

589 13 3
                                    

[ S A T U R D A Y ]


[ HARRY ]

Napakatoxic ng araw na 'to. Ang daming ginawang trabaho. Nag-extend ako ng dalawang oras para tulungan sila Sophia at Paulo. Nagpatulong sila sa sobrang dami ng pasyente ng gabing 'yun. Morning shift ako at dapat kanina pa kong alas-syete nakauwi pero pasado alas-nuwebe nandito pa 'ko.

"Harry salamat talaga ha," sabi ni Sophia na dalawang oras pa lang ang duty ay humuhulas na sa sobra nang dami ng ginawa. "Hindi ko alam pa'no namin matatapos 'to lahat kung wala ka."

"Oo nga Harry, 'di bale libre kita 'pag nag-swak yung sched nating dalawa para makabawi kami sa'yo," sabi naman Paulo.

"'Wag na! Ayos lang 'yon. Last day ko na rin naman dito sa ward atsaka off ko naman bukas kaya ok lang." Atsaka kahit dalawang oras lang hindi ko maisip si Drew. "Oh pa'no? Kaya niyo na ha? Una na 'ko."

"Oo Harry, thank you ulit," sabi ni Sophia.

"Salamat din Harry. I love you!" sabi ni Paulo sabay kindat sa'kin.

"Halimaw!" sabi ko. "Sophie oh, ina-I love you-han ako ng Paulo mo."

"Hindi ka na nasanay," kaswal na tugon ni Sophia. "'Di ba nga kahit sino mahal niyan?"

Natawa ako dahil naalala ko nang minsang kumain kami sa labas. "Tama, kahit nga pala si Manong na nagtitinda ng fishballs sinabihan mo ng 'I love you.'"

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan at nagtawanan bago na 'ko tuluyang nagpaalam.

Nagugutom na 'ko. Anong oras na hindi pa 'ko naghahapunan kaya napagpasyahan kong magkape muna.

Drinking coffee equals thinking Drew – again.

It has been four months since we parted. As in sa loob ng apat na buwan na 'yun, hindi kami nagkita at nagkausap. Madalas ko pa rin siyang maisip. Oras-oras na ata. Hindi ko alam.

Sinungaling! Anong hindi mo alam?

At madalas na ring may nagtatalo sa isip ko – my ego and my counterego.

Baliw lang? Siguro nga.

Nag-abang na lang ako ng jeep pauwi. Pagod na rin kasi ako at 'di ko na kayang maglakad. Isa pa, sobrang dilim ng daan pauwi.

Halos labing-limang minuto rin akong naghintay ng masasakyan pero maliban sa ambulansyang dumaan, (good luck kay Sophia at Paulo), ay wala nang dumaan na kahit anomang sasakyan. Kahit ni isang tao, wala rin akong nakita.

Kahit kailan talaga, patience is not one of my virtues, kaya sinimulan ko nang maglakad.

Sa tagal ko na dito sa ospital, unang beses ko pa lang maglakad na ganito kagabi. Sa sobrang dilim at sa lamig ng hangin na nagpapatayo ng balahibo ko ay hindi ko maiwasang kabahan.

Walang mga poste ng ilaw sa daan at new moon pa kaya wala talagang liwanag. Nilabas ko ang cellphone ko at ginawa ko itong pansamantalang mapagkukunan ng liwanag para makita ko ang dinadaanan ko.

Nasa kalagitnaan na 'ko ng aking paglalakad nang may bigla akong naramdaman na may matulis na bagay sa aking kaliwang tagiliran. Huli na nang malaman ko na may kasunod pala akong dalawang lalaki.

"Hold-up to," banta ng una pagkatapos niya 'kong akbayan. "Huwag kang maglalaban kung ayaw mong masaktan."

Agad kong nilagay ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko. "Manong, 'wag po. Wala naman po kayong makukuha sa akin," sagot ko kahit alam kong alam nilang nagsisinungaling ako. Sinubukan kong tumingin sa paligid. Wala kaming ibang kasama sa daan. Wala rin akong mahihingan ng tulong.

COFFEE - FLAVORED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon