IKATLONG YUGTO : PAGPAPAHIWATIG

867 18 11
                                    

[  T H U R S D A Y  ]

[ DREW ]

6AM. Nag-alarm ang phone ko. Kailangan ko pang puntahan si Harry. Naligo ako, nagbihis at kumain ng agahan ng kaunti. By 6:30AM, tapos na ‘ko. I’ve decided to bring my motorcycle. ‘Yun na lang gagamitin ko. Walang masyadong hassle at mabilis akong makakapunta sa ospital. Baka kasi kapag kotse gagamitin ko ma-late pa ‘ko. Kinuha ko na lang yung helmet ko at isa pang extrang helmet at pumunta na ‘ko ng ospital.

6:45AM. Sakto. Hindi pa siguro siya nakakauwi.

“Good morning kuya,” bati ko kay manong guard.

“Good morning din po, Sir,” tugon niya. “Nung isang gabing nagpunta kayo, sobrang late niyo. Ngayon, sobrang aga niyo naman.”

Natawa ako. “Ah, kuya nakita mo na bang umuwi si Harry?”

“Hindi pa po. Pero pababa na rin po siguro ‘yun. Mag se-seven na rin eh.”

“Dito ko na lang siya hintayin sa lobby. Salamat ah.”

Nang puntong iyon, nakita kong pababa na ‘yung nurse na ka-duty ni Harry. Siya ‘yung nurse na pinakiusapan ko dati nang magalit si Harry dahil sa mga sinabi ko. Sinalubong ko siya.

“Good morning, Miss,” bungad ko.

Napansin kong nagulat siya sa bigla kong pagsalubong sa kanya. “Ahh, Mr. DeAndre,” sabi niya. “Magandang umaga rin.”

“Ah, Honey right?” Tumango siya. “Ah, gusto ko lang itanong kung nasaan si –”

“Si Harry?” Siya na ang nagpatuloy ng tanong ko. Nangiti na lamang ako at tumango. “Pababa na siya, may ini-endorse lamang siyang pasyente dun sa kapalitan namin.”

“Ah, ganun ba. Sige hintayin ko na lang ulit siya dito. Nice meeting you, Miss Honey. At salamat din pala kasi tinulungan mo ‘kong makipag-ayos kay Harry. Maraming salamat.”

“Wala ‘yun. Nakita ko kasing sincere ka sa pakikipag-ayos kay Harry kaya tinulungan na kita. Ah, sige mauna na ‘ko. Pababa na ‘yon, ‘wag kang mag-alala. Sige, bye.”

“Bye. Salamat ulit.”

Magugulat ‘yon panigurado kapag nakita ako. I never informed him that I will come. Nakita ko ang vendo machine. Bili ko siya ng kape. Adik sa kape ‘yun eh. Binigyan ko na muna si manong ng kape. Nung una ayaw niyang tanggapin pero napilit ko rin. Tapos kumuha ulit ako ng dalawa para sa amin ni Harry. Pumwesto ako dun sa lugar na hindi niya ‘ko makikita.

Nang nakita ko siyang bumaba ay dumiretso siya sa coffee vending machine. I knew it. Adik talaga. Nagmadali akong pumunta sa likuran niya.

“Good morning, Harry.”

Tumalikod siya at kitang-kita ang pagkagulat sa kanyang mukha. Hindi niya inasahan ang pagsulpot ko dun.

“Coffee?” alok ko at binigay ko ang kape niya. Kinuha naman niya pero hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa’kin.

“I know I’m handsome but you don’t have to say that,” biro ko.

“Baliw! Adik!” mabilis niyang tugon. “Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?”

“Sinusundo ka.”

“Ha? Bakit? Hindi naman ako nagpapasundo ah.”

“Oo nga. Pero ikaw naman iimbitahin kong pumunta sa place ko,” sabi ko. “Sige na. Sumama ka na. Off mo naman ‘di ba?”

“Oo nga. Pero –”

“Pero ano? May gagawin ka ba?”

“Hindi. Wala naman.”

COFFEE - FLAVORED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon