IKAPITONG YUGTO : PAGPAPAKILALA

765 12 3
                                    

[  F R I D A Y  ]

[ HARRY ]

 “Drew, ano ba? Inaantok pa ‘ko?”

“Harry, bumangon ka na dyan. Kanina pa kita ginising ah. Natulog ka na naman ulit. Sige na.”

“Bakit ba kasi ang aga ng alis?” nakapikit ko pa ring tugon.

“‘Di ba pinag-usapan na natin ito kagabi? Na aalis ng maaga para hindi ma-traffic.  Sige na Harry, bumangon ka na kasi diyan. Nakakahiya kila Jen. Patapos na sila.”

Hindi ako sumagot dahil inaantok pa rin ako. Dadalawin na sana ako ulit ng antok pero nagulat ako nang may dumamping basa sa pisngi ko. Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Drew na nakangiti.

“Drew! Bakit mo ginawa ‘yun?”

“Eh ayaw mo kasing bumangon. Sige ka, ‘pag hindi ka pa bumangon diyan baka hindi na sa pisngi mo dadampi mga labi ko.”

“Oo na! Heto na!” Mabilis akong nakabangon. “Ikaw nakakarami ka na ah!”

Lumabas na kami sa kwarto at napansin kong bihis na silang lahat at nag-aalmusal na sila Art at Jen.

“Nagising na rin!” naka-irap na sabi ni Jen.

“Morning, Harry,” sabi ni Art. “Tsibog tayo.”

“Guys, sorry ah.”

“Nako Harry, kung hindi lang tayo sasabay kay Drew, kanina ka pa naiwan,” sabi ni Jen. “Kaya lang, alam naman nating lahat na hindi ka iiwan niyang si Drew.”

Tiningnan ko si Drew. Nakangiti siya. “Salamat ah,” mahina kong sabi.

“Sige na, Harry. Maligo ka na,” sabi ni Drew. “Medyo malamig ang tubig, gusto mo kuha kita ng mainit na tubig?”

“‘Wag na. Sanay naman na ako.”

Bumalik ako sa kwarto para kumuha ng damit at dumiretso na ‘ko sa banyo para maligo. Ang lamig nga ng tubig, pero tiniis ko na lang.

“Harry, ipinagbalot na lang kita ng almusal mo,” bungad ni Drew paglabas ko ng banyo. “Sa kotse ka na lang mag-almusal ah.”

“Ah, sige. Drew, salamat talaga ah. Hayaan mo, babawi ako sa’yo.”

“Talaga? Pa’no naman?”

“Hmm… Hindi ko pa alam eh. Pag-iisipan ko pa.”

“Kiss na lang!”

“Sorry. That’s not one of the choices,” may tawa kong tugon.

Dahil pinaghanda naman ako ni Drew ng almusal at nakita ko namang ako na lang talaga hinihintay, inaya ko na silang umalis. Pumayag ako sa pakiusap ni Drew na dun na lang sa harap sumakay para may tour guide daw siya, habang si Jen at Art naman sa likod. Habang nasa byahe, pinatugtog ko ‘yung favorite naming love songs sa nasa flash drive ni Drew at ako naman nagsimula nang mag-almusal.

“Harry, hindi pa rin nag-aalmusal ‘yang si Drew,” sabi ni Art.

“Ha?” gulat at nahihirapan kong tugon dahil puno ng pagkain ang bibig ko. “Bakit? ‘Di ba maaga kang gumising?” tanong ko kay Drew.

“Tsk,” may pag-iling na sabi ni Jen. “Maaga nga, naubos naman ang oras niya kakagising sa’yo.”

Naiinis ako sa sarili ko at naawa ako kay Drew. Marami na ‘kong nagagawang abala kay Drew. Lagi na lang ako ang iniisip niya. Si Drew ang pumupuno sa mga pagkukulang ko. Siya na rin ang gumagawa ng ilang reponsibilidad ko pati na sa aking sarili. Ayokong isiping inaabuso ko ang kabutihan niya pero ganun ang ginagawa ko.

COFFEE - FLAVORED LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon