Chapter 46
Hindi makapag decide si Ashley kung ano ang isusuot sa party ng Mama Charlene niya. Alam niya hindi naman formal ang party . Casual lang naman . Nasa labas na si Gerald, nakabihis na rin ito , casual lang din ang mga suot nina Colin at Jase kaya nag decide siyang skinny black pants at white long sleeved silk blouse na lang isuot niya partnered with high heeled black shoes.
Simpleng simple lang ang suot niya pero kitang kita pa rin ang hubog ng katawan nito at ang shapely legs dahil sa suot na skinny pants.
Makikita sa mukha ni Gerald na proud na proud ito sa kasintahan.
"Remember sweetheart, Matt is not allowed to be near you alone ok? Kung ayaw mong magkasakitan kami ng lalaking yun, be sure na hindi ka niya mailalayo sa akin. "Pauna na ni Gerald.
Hinampas na lang ni Ashley ang kasintahan.Alam naman niyang ngbibiro lang ito pero iniisip din niyang hanggang kaya niya ay iiwasan niyang magkausap sila ng solo ni Matt.
Wala pang maraming tao ng dumating sina Ashley sa venue ng party. Anduon na si Mark, nakikikipag kwentuhan sa ilang mga bisitang dumating. Lumapit agad sa kanila ang binata at itinuro kung saan sila pwedeng umupo. Malapit sa main table ang inupuan nila.
Hindi nagtagal nakita na rin nilang dumating ang iba pang mga kaibigan ni Mark isa na duon si Matt. Napansin sila agad ni Ashley pero kunwari ay hindi niya ito napansin. Mga kasama nito ang grupong nakita nila sa pool nuong unang araw na makilala nila si Matt.
Naramdaman ni Ashley ang kamay ni Gerald na umakbay sa kanya. "Andito na ang impressive guy mo." Bulong nito kay Ashley.
Kinurot naman ni Ashley ang binata. "Ikaw talaga, behave ka ha. "
Napansin nilang sumaya ang mukha ni Matt ng makita si Ashley pero biglang umasim ng makita si Gerald.
"Hmmm mukhang magkakaroon ng matinding show down ngayong gabi ah. Tingnan naman ang mga expression ng mukha , mukhang mga hindi papayag na hindi maka score sa magandang dalaga. "
"Kaya be sure na hindi makakalapit kay Ashley ang Matt na yun ha." Bilin ni Gerald kay Jase.
"Huh, at gagawin mo pa akong body guard? Ikaw ang magbantay diyan." Jase made a face at Gerald.
Naiiling na lang sina Colin at Ashley. "Kayong dalawa talaga, wala na kayong ginawa kung hindi mag asaran." Nasabi na lang ni Ashley.
Gerald put his hand on her shoulder with a surge of possessive jealousy when he saw Matt started to walk towards their table.
Ashley felt the tension. She did not hesitate to show his affection to Gerald. She leaned on his chest to let him know, he doesn't have to be jealous. She loves him.
Napansin yun ni Matt, medyo natigilan ito pero sandali lang at masayang binati ang grupo ni Ashley.
"Hey princess Ash, can't wait to watch you sing again." Ngumiti lang si Ashley. Kinamayan naman ni Matt ang tatlo. Tumayo si Gerald para makipag kamay kay Matt. Very civil naman sila sa isat isa kahit halatang halata ang tension sa pagitan nila.
Napansin ni Ashley na isa sa mga babaeng kasama sa grupo ni Matt ay panay ang tingin sa kanila, lalong lalo na kay Gerald. Tumaas ang kilay nito.
Nagpaalam naman agad si Matt matapos silang mabati ay bumalik na ito sa table ng mga kasama. Nakita ni Ashley na bumulong ang babae kay Matt bago umupo ang binata.
Tumawa si Matt, at may sinabi din then nag high five sila.
Hindi nagustuhan yun ni Ashley. Napatingin ito kay Gerald na nakikinig sa sinasabi ni Colin.