Dumaan si Gerald sa isang flower shop. Bumili siya ng bouquet of flowers na gustong gusto ni Ashley. White tulips , natatandaan niya favorite flowers ni Ashley. Humanda ka mahal na prinsesa , wala ka ng kawala sa akin ngayon. Wala ka ng dahilan para iwasan ako. Masayang sinasabi ni Gerald sa sarili habang nakapila para magbayad.
Bago pinaandar ang sasakyan ay tinawagan muna niya ang mommy niya para kumustahin si Ashley. Kagigising lang daw ni Ashley at kasalukuyang kumakain. Tinanong siya ng mommy niya kung pupunta siya duon.
"Oo naman mommy. Pwede ba namang hindi. Dumaan lang ako sa flower shop para bilhan ang mahal kong prinsesa ng bulaklak.
"Sige punta ka na dito, may darating akong bisita for dinner , maganda na makapunta ka na dito para may kasama si Ashley. Kung hindi ka naman pwede, katukin ko na lang si Colin. Magkadikit lang pala talaga ang kwarto nila eh." May ngiti sa mga labing sabi ni Tita Vangie dahil alam na niya magiging reaction ng anak pag narinig ang pangalan ni Colin.
"Don't do that, halos pasigaw na sagot ni Gerald. I will be there, 30 minutes max."
"Anak naman, you don't have to shout! Init ng ulo. FYI son, I like Colin. Know the guy iho,baka gaya ni Ashley maging great friends din kayo. Masyado kang seloso hindi pa man. Baka yan ang maka turn off kay princess Ash sa halip na maging sweetheart mo na eh , magdalawang isip pa." Paalala ng mommy ni Gerald sa kanya.
"I will be there, don't call him, kung ayaw ninyong masira ang napakagandang araw ko." Babala ni Gerald sa ina.
"Kumusta meeting anak? Nagkausap ba kayo ni Chrissy? Naipaliwanag ba niya mga pinagsasabi niya sa TV Patrol? Nawalan ako ng respeto sa kanya duon ah." Pag amin ni Mommy Vangie na may kahalong lungkot.
"Oo mommy nagkausap na kami. Naaawa nga ako sa kanya in a way pero wala eh , nag try naman ako pero isa lang talaga mahal ko."
Huminga ng malalim mommy ni Gerald. "Paano naman anak kung hindi ka mahal ni Ashley gaya ng pagmamahal mo sa kanya? Paano kung pagmamahal kaibigan lang kaya niyang ibigay saiyo. Yung gaya ng pagmamahal mo kay Chrissy? Paano kung sabihin niyang pagmamahal kaibigan lang kaya niyang ibigay saiyo?" May pag aalalang tanong ni Vangie sa anak.
"Nararamdaman ko mommy,mahal din niya ako. May pumipigil lang sa kanya. Iniisip ko si Chrissy, dahil alam niyang girlfriend ko pa si Chrissy." Very hopeful na sagot ni Gerald sa ina.
"Sana nga anak." Mahinang sagot ni Vangie. Sana nga hindi na bumalik ang cancer ni Ash muntik ng maidugtong nito.
"Malapit na ako mommy, kung kailangan mo na talagang umalis at pwede namang iwanan si Ashley for a few minutes, you can go."
"Hintayin na kita anak. Maaga pa naman. Sige mag ingat ka sa pagmamaneho."
"Ok mom, see you in a bit."
Samantala, kausap ni Ms Charlene ang asawa sa phone.
"I almost lost it." Pag amin nito sa asawa. .
"What hon? What did you almost lose?"interesadong tanong ni Mr. Ralph Concepcion.
"I almost lost my self control when I heard Chrissy's mother called Ashley malandi. Halatang galit pa rin ang boses ni Charlene.
"Hon, hindi ka dapat nagpapadala sa mga ganoong tao. Palagay mo hindi ba naman nagtaka yung mga nanduon bakit ganoon ang reactions mo?"
"Sinabi kong anak ng isang malapit na kaibigan si Ashley and I wont tolerate any lies against her."
"Nag aalala lang ako saiyo hon, you are getting too close. Dapat siguro you distance yourself muna."
"Don't you think its about time na magpakilala na ako?"
Malalim na buntong hininga ang sagot ng asawa ni Charlene.
"Don't know hon, ikaw ang inaalala ko. Handa ka na ba sa magiging reaction niya in case na hindi ka niya kilalanin at maging bitter siya. You know, yung sumbatan ka niya."
"Tatanggapin ko lahat ng panunumbat niya, gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa kong pag iwan sa kanya. Alam ko kahit ano pa sabihin kong paliwanag , hindi pa rin sapat." Hindi na mapigilan ang paggaralgal ng boses ni Charlene.
"Sana magkita muna kayo, kayo ng harapan. Do you want me to arrange that? Yung parang aksidente lang.Patulong tayo sa mga bata. I am sure , they will be willing to help you."
"Paano?"
"Leave it to us, anong oras ka uuwi? I cook your favorite meal."
Napangiti si Charlene. Maswerte siya at napaka understanding ng napangasawa. Retired tv/producer na ito. Malaki ang tanda sa kanya pero masaya ang pamilya nila. Hindi na sila nagkaanak pero may ampon silang dalawang magkapatid na lalaki . Ang panganay ay mas matanda kay Ashley ng dalawang taon at ang bunso naman ay mas bata ng 2 taon. Maganda sana kung mabubuo sila. Alam din ng mga binata nila na ampon sila at alam din nila ang tungkol kay Ashley. Kasama silang sumubaybay sa buhay nito. Kasama din nila itong mga nagdasal ng magkasakit si Ashley. Nagpapasalamat siya na kahit nagkamali siya ng desisyon ng iwanan niya si Ashley sa harap pintuan ng dating classmate ay hindi pa rin siya na bad karma. Inisip na lang niya siguro dahil napaganda din naman ang buhay ng anak. Hindi siya nagkamali ng pinag iwanan sa anak. Nasubaybayan niya ang buhay nito at alam niya na mahal na mahal ni Vina ang anak niya ganoon din ang and napangasawa ng dating classmate. Alam niyang turing prinsesa ang anak niya ng mag asawa kahit ng magkasakit ito at ilang taong pabalik balik sa hospital. Sana lang mapatawad ako ng anak ko. Tahimik na dasal ni Charlene.
Inabutan ni Gerald na kumakain ng soup si Ashley. Bumalik na ang kulay nito. Hindi na masyadong namumutla. May sigla na ng kunti ang mukha ng dalaga.
" Hey princess, mukhang nakatulong ng malaki ang pagkakatulog mo ng halos maghapon ah. Bumeso sa dalaga at ipinakita ang dala dalang bulaklak. Flowers for my princess."
Napangiti si Ashley. Hindi pa rin nakakalimutan ng kababata ang favorite flowers niya. "Thank you , alam mo pa rin ang favorite flowers ko ha."
"Syempre naman, pwede ko bang makalimutan yun. Saan mo gustong ilagay?"
"Yung dala mo kahapon , ayun pa oh, sayang naman kung itatapon na, Baka may isa pang vase somewhere. Teka hanap ako." Tatayo sana ito pero pinigilan ni Gerald.
"Diyan ka lang. Ako na ang maghahanap.
Habang naghahanap si Gerald ay nagpaalam naman si Momnmy Vangie kay Ashley. Sinabi ng butihing ina ni Gerald na babalik na lang siya kinabukasan at sasamahan niya ito sa hospital.
"Maraming salamat Tita, pati kayo naaabala ng dahil sa akin. Huwag na po kayong mag aalala bukas, kaya ko na po. Malapit lang naman. Baka sumabay na ako kay Colin."
"Let me do it iha, you will make me happy kung hahayaan mo akong samahan ka sa mga lakad mo while you are here. Para na rin kitang anak. Kung may tinuturing akong anak na babae, ikaw yun. Kaya huwag ka ng tumanggi , ok?"
"Ok po, salamat." Wala ng nagawang sabi ni Ashley.
Paalis na si Mommy Vangie ng bumalik si Gerald, nakaayos na sa vase ang mga bulaklak. "Tingnan mo nga naman, marunong ka palang mag ayos ng bulaklak anak." Tukso nito sa binata niya.
"Syempre , lahat kaya kong gawin basta sa mahal kong prinsesa." Nakangiting tinitingnan ni Gerald si Ashley na napapangiti din sa biro ng binata.
"Prinsesa ka diyan." Tinuro niya sa binata kung saan magandang ilagay ang mga bulaklak.
"Sige uwi na muna ako. Basta Ashley ha, kung may kailangan ka, kung kailangan mo ng kasama , huwag kang mag aatubiling tumawag kahit anong oras. Promise me."
"Promise Tita and thank you very much." Tatayo sana ito pero lumapit na si Mommy Vangie at hinalikan ang dalaga.
"Dito na ako matutulog mommy . Padadalhan mo kami ng breakfast di ba and since its my day off din, no work, ako na sasama kay Ashley kahit saan siya pumunta bukas. May appointment ka kamo sa doctor , ako na maghahatid saiyo."
Nagkatinginan sina Ashley at Mommy Vangie. Nahalatang nagpanic ang dalaga sa sinabi ni Gerald.