Chapter 23

4K 68 59
                                    

Pinasama na ni Mommy Vangie sina Jalal at Ali kina Gerald at Ashley. Maganda na raw yung may kasama sila anuman ang mangyari iba na raw ang may kasama. Nag taxi na lang siyang pauwi at iniwan na ang isang sasakyan sa condo nina Ashley.

Napansin ni Gerald na halos hindi kumikibo si Ashley sa sasakyan kahit panay ang biruan nilang tatlo. Inakbayan ni Gerald ang dalaga. “Kinakabahan ka ba?” Hinalikan sa noo ang kasintahan.

“Ewan ba bakit sobra ang kaba ko. Tingnan mo nga kamay ko oh nanlalamig pa.” Humawak sa braso ni Gerald para ipakita kung gaano kalamig ang mga kamay niya.

“Grabe nga sweetheart. Ok ka lang ba?” Nag aalalang tanong nito.

“HIndi ko alam , ang daming naglalaro sa utak ko. Ang daming tanong. Alam na alam ko naman na siya lang makakasagot kung bakit pinahihirapan ko pa utak ko.”  Naiinis na sagot ni Ashley kay Gerald.

“Natural lang siguro yan, buti pa pilitin mong makatulog para makapagpahinga ka. Will wake you up pag anduon na tayo. You need to rest. Mga isang oras lang anduon na tayo.”

“HIndi naman ako inaantok , halos kagigising lang natin, patutulugin mo na naman ako. Kwentuhan mo na lang ako.”  Lambing ng dalaga kay Gerald.

“Ano gusto mong ikuwento ko saiyo? Dapat magkuwento ka din ha.”

“Ano pagkakakilala ninyo kay Ms Charlene?”  Tanong ni Ashley kay Gerald.

“Hindi ko siya masyadong kilala pero ayon sa bali balita , strikta pero reasonable naman daw.  Pormal , parang nakakailang lapitan, siguro dahil siya nga ang presidente ng ABS CBN pero pag naman daw naumpisahan mo ng makipag kuwentuhan, mabait naman daw. Hindi mayabang pero yun nga strikta. Pag trabaho , trabaho.”

“Hindi mo pa ba siya nakakausap ng one on one?”

“Yung kami lang dalawa ,yung parang nagkukuwentuhan na gaya natin? Hindi pa.”  Tiningnan ni Gerald si Ashley ng matagal. “Sweetheart , bakit ba ikaw ang kinakabahan? Siya ang dapat kabahan. Siya ang madaming dapat ipaliwanag saiyo. Wala kang dapat ikakaba.”

Napakamot sa ulo si Ashley. “Alam mo, halo halo ang nararamdaman ko eh. Dati rati hindi ko naman nararamdaman to  pero ngayon  nakakaramdam ako ng resentment. Yung tipong tinatanong ko na bakit niya ako ipinamigay, mukhang kahit lima pang gaya ko ay kayang kaya naman niyang buhayin. Parang ngayong may idea na ako kung sino magulang ko , parang ayaw ko naman silang makilala. Pakiramdam ko naman ngayon, bakit ko ba sila pilit hinahanap eh sila nga pinamigay ako. Iniwan.” Tumulo ng tuluyan ang luha ng dalaga.

Hindi malaman ni Gerald ang gagawin o sasabihin para kahit paano ay gumaan ang loob ng dalaga. Naiintindihan niya ito. Siya man siguro ang nasa katayuan ng dalaga ay baka higit pa duon ang maramdaman niya. Niyakap na lang niya ito. “Shhh tahan na, malalaman natin lahat ng mga tanong na yan pag nagkausap na kayo. Isa pa kutob palang naman yung sa atin. Hindi pa sigurado kung si Ms Charlene nga ang biological mother mo.

“Malay mo dahil dati siyang classmate ni Tita at friend naman sila sa mga social networks accounts , alam niya ang nangyayari saiyo at sa family mo. Alam niya mga pinagdaanan mo and she knows you are not what Chrissy was describing in her interviews. Malay mo nahihiya lang siya kay Tita kaya ganoon ang reaksyon niya sa meeting.”

“Sana nga , parang mas kaya ko pang tanggapin na kaya ako pinamigay ay dahil naisip nilang mas maganda ang magiging kinabukasan ko sa piling nila mommy kesa duon sa posibilidad na  pinamigay nila ako dahil ayaw nila sa akin.”

“Sweetheart naman, sino naman ang aayaw saiyo. Kahit nuong baby ka palang napaka adorable mo na. Na in love nga yata ako saiyo nuong makita ko yung mga baby pictures mo eh.” Biro nito sa dalaga.

Nahampas tuloy siya ni Ashley. “Ikaw panay ka biro.”

“Pwera biro sweethert, whatever reasons nila, ang mahalaga you grew up to be YOU. Kahit sinong magulang , magiging proud saiyo. Ako nga very proud saiyo di lalo na ang mga parents mo. Base sa mga kwento ni Tita na halos stalker siya sa mga social accounts ni Tita, it only means one thing, she was watching you from afar. At base din sa reaction niya sa meeting, confronting  Tita Chona and Chrissy,  no one can messed up with you if she can help it.”

“You think?”

“ I am sure sweetheart.” Wala ngang nakakibo sa meeting room. Akala talaga namin sasampalin niya si Tita Chona.”

“Alam mo ba kung may mga anak siya?”

“Sa pagkakaalam ko dalawa lang ang anak nila. Parehong lalaki. Come to think of it, mas matanda sa akin yung panganay nila. Yun na nga yata nag mamanage  ng family business nila.Parang nabasa ko somewhere na ampon din yung mga anak nila.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon