chapter 47

3.5K 80 18
                                    

Tinatawagan ni Charlene si Mark, late na kasi siya sa oras ng usapan nila. Hindi naman ito sumasagot which is very unusual. Natutuwa siya sa pagiging thoughtful ng anak. Alam niyang busy din ito sa trabaho pero naisisingit pa rin nito maging isang mabuting anak. Pwede namang mag dinner nalang sila pagdating ng asawa at bunsong anak pero gusto pa rin daw ni Mark na mag celebrate sila for her birthday . Bukas pa ang talagang birthday niya pero may out of town meeting si Mark kaya ngayong gabi na siya niyaya na mag dinner. Sana nanduon din si Ashley para mas masaya, sa isip isip nito.  

Naisip na naman ang nag iisa niyang tunay na anak. Napakabait talaga ng Diyos sa kanilang mag asawa. Binigyan sila ng pangalawang pagkakataon para maging magulang uli ng pinamigay nilang anak dalampung apat na taon na ang nakararaan. 24 years niyang pinagsisihan ang pag iwan sa anak sa labas ng bahay ng isa sa mga tinuturing niyang matinong tao during her university days. Bakit nga ba niya nagawang ipamigay ang anak na pinagsisihan niya pagkaraan lang ng ilang buwan pero ng mapagtanto niya ang malaking pagkakamali ay nakaalis na ng bansa ang mga ito at legal na ang pagkakaampon sa anak.  

"Andito na po tayo maa'm," narinig na sabi ng driver ni Charlene at natigil ito pag muni muni ng nakaraan.  

"Sige , salamat, pwede ka ng umuwi, sabay na kaming uuwi pagkatapos naming kumain o kung hindi man, mag taxi na lang ako pauwi para hindi ka naman mainip."  

"Salamat po," sagot ng driver kay Charlene.  

Bumaba ang driver at inalalayang bumaba ang amo. Lihim ng nakapag miss call ito kay Mark kaya papasok pa lang si Charlene sa lobby ng hotel ay nakita na niya si Mark na naglalakad para salubungin siya.  

"Hi Mom, how was your day?" Masayang bati ni Mark sa mommy niya.  

"As usual anak, very busy but productive.Wish ko lang andito na daddy at kapatid mo para makilala na nila si Ashley." 

"Soon mommy, magkikita din sila. Ready ka na for our dinner?" 

"I am starving anak, talagang hindi ako kumain ng lunch para marami akong makain tonight. Thank you for taking the time to take your mother out for dinner." 

"Anything for the best mother in the whole wide world." Hinalikan ni Mark ang ina sa pisngi at inalalayan na itong lumakad papunta sa isa as mga banquet hall ng hotel.  

"You are so sweet anak, sana nga lang tutuo ang sinasabi mo." 

"Mom, you are! Don't ever doubt that!" 

Hinalikan ni Charlene ang anak sa pisngi at masuyong humawak sa mga braso nito at masaya na silang naglakad papunta sa venue. 

Nagtaka man si Charlene bakit lumampas sila restaurant na alam nilang kakainan nila ay hindi na ito kumibo. Baka dadalhin siya sa ibang restaurant ng anak.  

Pagtapat nila sa pintuan ng isa sa mga banquet hall ay kinutuban na si Charlene. "Mark, what is this?" 

"Happy birthday Mommy!"  

Pagbukas ng pinto ni Mark ay sabay sabay na kumanta ng happy birthday ang mga bisita ni Charlene sa pangunguna nina Ashely, Sam at ng asawang si Ralph. 

Hindi makapaniwala si Charlene , napatanga na lang ito at napatitig sa tatlong nangungunang kumanta ng happy birthday, tiningnan ang panganay na kumakanta na rin. Niyakap at hinalikan si Mark, tumutulo ang luha, isa isang hinalikan sa pisngi ang nakalapit ng mga mahal sa buhay. Unang hinalikan nito si Sam, then si Ashley at sa huli ang asawang napansin niyang namumula pa rin ang mga mata. Alam na niya agad na nagkausap na ang mag ama niya.  

"This is the happiest night of my life. Thank you Lord." Umiiyak na niyakap uli ang mga anak. Hinalikan uli isa isa ang mga ito, napakayakap ng mahigpit sa asawa at pareho na nilang hindi napigilan at niyakap nila si Ashley na umiiyak na rin. 

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon