Chapter 20

4.1K 76 33
                                    

Hindi nakakibo agad si Ashley pagkakita kay Gerald. Hindi niya alam kung narinig nito ang usapan nila ni Colin . Alam kaya niyang si Colin ang kausap niya?

" Anong sabi ni Tita? Padadala ba siya ng dinner o oorder na lang tayo?" Nakangiting tanong ni Ashley kay Gerald. Kinakabahan ang dalaga pero pinilit nitong maging casual at nanalanging hindi nito narinig ang buong usapan nila ni Colin.

"Nakakainggit naman kung sino man ang kausap mo, ang lambing ng pagkakasabi mo ng I love you. Kelan ko kaya maririnig uli na sabihin mo din sa akin yan." Nagbibiro pero may lungkot ang mga mata .

"I love you , you know that!" Inakbayan ni Ashley si Gerald at kiniliti sa tagiliran para mangiti ito. Napangiti naman niya ito at inakabayan din siya ito.

"I know you do but not the way I love you!" Sagot ni Gerald sabay halik sa pisngi ng dalaga.

Parang gusto na namang maiyak ni Ashley . Hindi niya alam kung hanggang kelan niya kayang maglihim at mag kunwari .

"Ano na, hindi mo na sinagot yung tanong ko. Magpapadala ba si Tita ng dinner natin o oorder na lang tayo?"

"Order na lang daw tayo. Hindi mo daw gusto yung niluto niya."

"Meron ba siyang luto na hindi ko nagustuhan ?"

"Yun ang sabi niya. Baka maanghang yung mga niluto niya. Di ba hindi ka kumakain ng maanghang?"

"Natatandaan mo ?"gulat na tanong uli ni Ashley.

"Bakit ba gulat na gulat ka? Bakit ikaw ba hindi mo na natatandaan mga likes and dislikes ko?"

"Hindi ba nagbago?"

"May nabago na rin pero mostly the same pa rin."

Pareho na silang nakaupo sa couch. Parehong natahimik . Nagpapakiramdaman.

Si Sarah ang unang nagsalita. "Ano natahimik ka namang bigla. Ano magandang kainin? Parang masarap kumain ng chinese foods, o kaya mexican. Ikaw ano gusto mo?"

"Kung ano gusto mo, gusto ko na rin."

"Sige order na tayo, nagugutom na naman ako." Pabirong sabi ni Ashley sinusubukang mawala ang namumuong tension sa pagitan nila.

Kinuha ni Gerald ang phone at nag umpisang browse ng mga restaurants. "So Chinese or Mexican?"

"Mexican na lang , para maiba naman." Sagot ni Ashley.

"Mexican then.

"Nakausap ko pala si Colin kanina, sabi ko I am feeling much better na. Sinabi ko na kung pwedeng pa appointment na lang niya ako either Tuesday or Thursday kasi gusot kong pumunta ng Angeles."

Napatitig si Gerald kay Ashley. Nagtaka si Ashley bakit ganoon ang tingn sa kanya ni Gerald. Hindi niya maintindihan yung biglang sobrang lungkot ng mukha nito.

"Bakit ganyan mukha mo? Akala ko ba gusto mo akong samahan sa Angeles? Ibig bang sabihin hindi ka na pwede?" Naguguluhang tanong ni Ashley.

"Ang ibig mong sabihn si Colin ang kausap mo kanina? Siya yung sinabihan mo ng I love you?"

Nagulat si Ashley.Ooppps, nadulas na siya. Napatakip sa bibig niya. Bakit ba nasabi pa niya yun?

Hindi na siya makapagsinungaling. 'Oo si Colin nga."

"Kayo na ba? Siya ba ang dahilan kung bakit umuwi ka dito?" Kitang kita ang lungkot sa mukha ng binata.

Hindi makatingin si Ashley kay Gerald ng matagal. Napayuko ito.

"Ang laki naman ng tiwala niya sa akin or saiyo. Kung ako siya , hindi kita iiwanang mag isa sa gaya kong alam na alam niyang may gusto saiyo." at kung talagang mahal ka niya , hindi ka niya iiwan na ako lang kasama mo. sigurado ka bang mahal ka din ng lalaking yun?"

"Oo naman, mahal ako nuon," nangingiti na si Ashley.

Napatayo si Gerald. Lumakad palayo kay Ashley. Hindi niya matagalan ang selos at galit na nararamdaman lalong lalo na ng makitang napapangiti pa ang dalaga pag nababanggit ang pangalan ni Colin.

"Sinasabihan nga ako na ang haba daw ng hair ko dahil mahal na mahal mo ako"

Napalingong bigla si Gerald sa narinig. Naka kunot noong napabalik ito at napaluhod sa harap ni Ashley.

"You are telling me , Colin is .... ? No way!!! Halos mapasigaw si Gerald ng tumango si Ashley.

He is kaya pwede ba tigilan mo na kaseselos mo kay Colin. Hindi kami talo nuon , actually I am trying to fix him up with Jase. He is not ready to tell the world that he is gay. He is scared that he might lose the respect of his colleagues and patients if they find out that he is gay. Naaawa nga ako sa kanya. He is a great person, great in what he is doing."

"I can understand his dilemma specially here in the Philippines."

"Sabi ko nga sa kanya , bakit hindi na lang siya mag move sa US pero mas gusto daw niyang dito magpractice. Mas kailangan daw siya dito."

Napatingin si Ashley kay Gerald na nakatingin naman ito sa kanya. Abot tenga na ang ngiti.

"Nakakaloko naman ang ngiti mo ngayon. Huwag na huwag mong bibiruin si Colin tungkol sa sexuality niya. Ako kukurot saiyo ng pinong pino."Banta ni Ashley kay Gerald.

"Hindi ah, ngayon pa. He is considered as a friend starting now. Masayang sabi ni Gerald. Let's invite him to join us to our mexican dinner. Marami akong gustong itanong sa kanya."

Si Ashley naman ang biglang nanlaki ang mata. " Like?"

"Ano pumipigil saiyong aminin na mahal mo rin ako?"

Binato ng throw pillow ni Ashley si Gerald. "Kapal mo ha. What makes you think na mahal kita more than sa pagmamahal ko saiyo bilang kababata?"

Tumatawang sinabi ni Gerald na nararamadaman niya.

"Ano, tawagan mo na si Colin, invite mo, dito na siya mag dinner para mas masaya makabawi man lang ako sa mga masasamang balak kong gawin sa kanya pag nakikita kong very close kayo sa isat isa. Kaya pala sinabihan ako ni mommy na kung makikilala ko lang si Colin we can be great friends din gaya nyo,"

"Yeah, he is really a great friend kahit sandali pa lang kaming magkakilala."

Tinawagan nga ni Ashley si Colin at tinanong kung gusto nitong lumipat sa unit niya at duon na kumain ng dinner. Sinabi niyang mexican ang dinner nila na nagkataong isa pala sa mga favorites ni Colin.

Sinabi na rin ni Ashley ang tutuong nadulas siya at alam na ni Gerald na hindi sila talo.

"And? What was his reaction?"

"Surprised of course! But I think he is more relieved than anything else."

"I am relieved too, now , I don't have to worry everytime he is around. Alam mo bang feeling ko, pag nakikita niya tayong very close, any moment eh may sasapak sa akin."

"Ikaw naman, hindi naman ganoon yun," natatawang pagtatanggol ni Ashley sa kababata. Mainitin ang ulo nuon pero hindi mananakit ng ibang tao. Sarili nun ang sinasaktan." Naalala ang ginawang pagsuntok ni Gerald sa TV sa van nito ng magkita kita sila sa restaurant.

"Ohh girl you are in denial but the the moment you have the chance to defend him, you are all out for him."

"Shhhh don't let him know that." Paalala ni Ashley sa kaibigan.

Naging masaya ang dinner ng tatlo. Humingi ng dispensa si Gerald kay Colin sa mga pagkakataong naging rude siya dito. Sinabi naman ni Colin na naiintidihan niya ang nararamdaman ni Gerald.

May mga pagkakataong kinakabahan si Ashley na baka madulas si Colin tungkol sa health condition niya. Lagi namang nakakabawi si Colin at naiiba nito ang topic pag medyo nadudulas siya. Hindi nila alam napapansin ni Gerald ang mga tinginan ng dalawa. Lalong tumitindi ang hinala niyang may nililihim si Ashley sa kanya. Unti unti na niyang napagdudugtong dugtong mga pangayayari at he is praying very hard na mali ang kutob niya.

Oncologist si Colin. Bakit kailangan pang dumaan ang mommy niya sa unit ni Colin bago ito umalis? Bakit si Colin ang magpapa appointment sa general check up ni Ashley? Bakit pinagbiling maige ng mommy niya na kung sa palagay niya ay talagang grabe ang sakit ni Ashley, si Colin ang dapat niyang unang tawagan?

Nagulat pa  sina Ashley at Colin ng biglang napatayo si Gerald narinig nilang sinabi nito. Dear God , NO!!!

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon