Chapter 5

4.2K 66 3
                                    

Natahimik si Ashley .Ano na nga mga pangako niya kay Gerald?

"Ano ka ba, ang babata pa natin nuon . Hindi ko na ini expect pa na may matutupad sa mga sinabi natin nuon. Kalimutan mo na yun."

Si Gerald naman ang nawalan ng kibo.

May hinanakit na ang boses nito ng marinig uli ni Ashley ang binata.

"Kung nakalimutan mo na , ako hindi pa. Ipapaalala ko saiyo kung kailangan ."

"At bigla naman siyang naging seryoso . Hay naku Geraldo, huwag ka ngang masyadong ma drama diyan. Sige kita na lang tayo bukas . Bukas mo na lang ako pakainin ng lunch."

"Gusto ko ngayon na, asan ka ba, puntahan kita

"Huwag na, magpahinga ka na lang. "

"Gusto ding makikila yung mga friends mo." Pilit pa rin ni Gerald.

"Makikilala mo din sila. Pahinga ka na lang ha." Malambing na sabi ni Ashley.

Basta ginamit na ni Ashley ang lambing boses mode nito, talo na si Gerald kahit ayaw niya napapa oo siya ng kababata .

"Pambihira naman, ang tagal kong hiniling na magkita tayo uli, ganito naman ginagawa mo, tinatakasan mo ako." Tampo mode naman ang boses ni Gerald.

"Asus!!!Tampo naman si baby boy !"

Napangiti si Gerald, at least hindi pa niya nakakalimutan tawagan nila pag ang isa ay nagtatampo na parang bata.

"Ang mahal na prinsesa kasi alam na alam kung paano makakapikon."

"Tama ka na Geraldo, have to go. See you sometime tomorrow ."

"See you Princess Ashley! Ingat ka ha."

Parang magbabara lalamunan ni Ashley sa lambing ng boses ni Gerald sa huling sinabi nito.

"Ikaw din." Pinindot na ni Ashley ang end button bago pa humaba uli ang paalaman nila.

God what am I thinking when I agree to stay at their place? Tanong ni Ashley sa sarili .

Napansin ng mga kaibigan ni Gerald na wala itong kibo . Nasa sasakyan sila papunta sa shooting location ng movie nila ni Chrissy.

"May problema ba Ge? Kanina ka pa walang kibo " Bati ni Ali kay Gerald.

"Ewan ko ba mga Bro. Alam ko may girlfriend na ako pero bakit ganito ang nararamdaman ko , mula pa kahapon, siya na laman ng isip ko."

"Paano naman Bro, alam mo naman from the very start hindi ka naman in love sa girlfriend mo." Walang prenong sabi ni Jalal.

Natapik tuloy ni Ali si Jalal. "Kung makapagbigay ka ng opinion , walang preno."

"Sorry kung naging masyadong prang ka ako."

"It's always been her, right? Paano bang naging kayo ni Chrissy? Hindi yata namin namalayan na nanligaw ka sa kanya?"

"Basta isang araw nadala kami ng isa sa mga scenes namin sa isang movie, nagising na lang ako sa bed niya. "

"Ahhhh kaya pala bigla na lang lagi ng nakakapit saiyo."

"Mabait naman siya saka maganda na rin yun para sa loveteam namin. "

"Kaso , paano na ngayon na nagkita na uli kayo ng soulmate mo? Aware din yata siyang may relasyon kayo ni Chrissy."

"Oo nga, naguguluhan ako lalo na parang bale wala na sa kanya yung mga pangako namin sa isat isa."

"Maganda si Ashley, mukhang mabait pa saka mukhang hindi pikon. Yung tipong kahit saan puwede. HIndii maarte.Magaan ang loob namin sa kanya pero Bro, tama ka mukhang ang dating mo lang sa kanya ay parang kapatid or kaibigan lang. Mas malapit pa yata siya kay Ken. Madalas kasi silang magkindatan ng kapatid mo nuong kumakain sila at napansin ko pati mga paa at kamay nila nagbibiruan sa ilalim ng mesa." Dagdag pa ni Ali.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon