Chapter 26

4.1K 74 63
                                    

Hindi nakakilos si Ashley. Napatitig na lang siya sa babaeng nakatingin sa kanya na gaya niya ay tumutulo ang luha. Nagsisikip ang dibdib ng dalaga sa matinding emosyong nararamdaman. Nagbabara ang lalamunan niya. Gusto niyang sumigaw, tumakbong yumakap pero parang naka glue ang paa niya sa sahig.

"Anak, sana mapatawad mo ako." Halos hindi makapagsalitang sabi ni Charlene sa umiiyak pa ring dalaga.

Pagkarinig uli ni Ashley na tinawag siyang anak ni Charlene ay parang bata itong halos patakbong yumakap sa babaeng nagsilang sa kanya. Niyakap niya ito ng mahigpit. Niyakap din siya ng sobrang higpit ni Charlene. Matagal tagal din silang ganoon lang , magkayakap, parehong umiiyak.

"Ang anak ko, ang tagal tagal kong pinangarap na mayakap ka ng ganito. Mahalikan." Hinawakan ng dalawang kamay ni Charlene ang mukha ng anak. "Sana mapatawad mo ako anak sa ginawa kong pag iwan saiyo kay Vina." Hinalikan ang nuo ng anak, pisngi , ilong ng dalaga.

Hindi pa rin makapagsalita si Ashley. Yumakap lang lalo ito sa ina. Iyak pa rin ng iyak.

Nag aalala na si Charlene baka kung mapaano na ang anak sa sobrang kaiiyak nito.

"Ashley? Anak, gusto mong kuhanan kita ng maiinom?"

Umiling lang si Ashley."Ang tagal tagal kong pinangarap na sana makilala kita, yun pala lagi ka lang sa tabi tabi. Bakit hindi ka nagpakilala sa akin nuon pa? Alam mo naman na gustong gusto na kitang makilala?"

"Hindi ko alam anak, oo nga at pinipilit kong maging bahagi ng mga importanteng pangyayari sa buhay mo pero lagi lang din akong nakatanaw. Yung mga pictures na yan. madalas umuupa lang ako ng tao para kuhanan ka ng mga pictures at videos. Masyado namang private ang mommy mo when it comes saiyo. Nagpo post nga siya ng mga pictures pero hindi naman kinukuwento na ampon ka.

Muntik muntikanan na talaga akong magpakilala ng magkasakit ka at ma confine ng matagal sa hospital. Muntik na akong umamin kay Vina pero sa nakikita kong pag aalala saiyo ng mga nakagisnan mong magulang, ayaw ko ng dagdagan pa yun ng isa pa nilang alalahanin. Nagpapasalamat ako da Diyos na hindi ako nagkamali ng taong pinag iwanan saiyo. Mahal na mahal ka nila anak. Kung merong isang bagay akong hindi pinag sisihan ay ang pagpili ko kay Vina na makagisnan mong ina." Tumutulo pa rin ang luhang sabi ni Charlene.

"Mahal na mahal ko din po sila. Alam ko nag aalala sila lalong lalo na si mommy sa desisyon kong hanapin at makilala kayo pero isinantabi niya yun. Mahalaga sa kanila na maging masaya ako at matahimik ang kalooban. Nuon marami akong tanong na gusto kong masagot pero ngayon , hindi na mahalaga yun. Ang importante, malaman kong mahal mo rin ako. Ang importante, nakilala na kita.Sapat ng malaman ko na hindi mo naman pala ako totally pinabayaan."Lalong humigpit ang yakap ni Ashley kay Charlene. Hindi nito mapigil ang patuloy na pag agos ng luha.

"Oo anak, kung maibabalik ko lang ang panahon , hinding hindi kita iiwan, mapapatawad mo ba ako?"

Tumango lang si Ashley. "Naisip ko tama si mommy, ang mga nangyayari sa buhay natin, may dahilan, hindi man natin nalalaman agad, sa bandang huli mapagtatanto din natin na kung hindi nangyari yung nuon,hindi mangyayari ang yung ngayon. Hindi ako magkakaroon ng pagkakataong makilala at maramdaman mga taong naging bahagi ng buhay ko for almost 25 years.Anuman ang dahilan ng pag iwan mo sa akin, alam ko pinagsisihan mo na yun at nagdusa ka rin base sa mga pictures na yan." Tinuro ni Ashley ang mga picture frames sa wall at photo albums sa book shelves.

"Ang anak ko."Pinupog na naman ng halik ni Charlene si Ashley kahit basang basa na ang mukha nito ng luha.

Napalingon ang mag ina sa may pintuan ng marinig nilang may mga pumasok. Nakatayo sa may pintuan sina Mark at Gerald. May dala dalang dalawang baso ng tubig ang panganay ni Charlene.

"Naisip namin baka napaano na kayo dito kaya heto dinalhan namin kayo ng maiinom." Nakangiting sabi ni Mark. Iniabot ang tubig sa kanila.

Naghiwalay sa pagkakayakap ang mag ina at kinuha ang iniaabot na tubig ni Mark.

"Pwede din bang maka hug ang Kuya Mark?"

Tumayo Ashley at yumakap kay Mark. "Welcome back to the family sis!" bulong ni Mark.

Nakatingin lang si Gerald. Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng uneasy feeling sa yakap na yun ni Mark sa kasintahan. May nararamdaman siyang iba sa mga kinikilos ni Mark.

"Thank you Kuya Mark.I am glad to be back!" Pabiro ng sagot ni Ashley na kumalas sa pagkakayakap kay Mark at lumapit kay Gerald. Kumapit sa braso nito at humilig sa balikat ng binata. Hinaplos naman ng kabilang kamay ni Gerald ang mukha ng kasintahan. Alam niya masayang masaya si Ashley kahit mugtong mugto na ang mata nito sa kaiiyak. Hinalikan ang gilid ng ulo ni Ashley. "I am so happy for you sweetheart. Please try not to cry anymore, halos maghapon ng tulo ng tulo luha mo." Bulong nito.

"I can't help it.Tumulo na naman ang luha nito

"Siguro dapat kumain ka muna. Huling kain mo yung breakfast kanina.Mamaya na lang ninyo uli ituloy ang kwentuhan. Ngayong magkakilala na kayo, wala ng makakapigil sa mahaba ninyong kwentuhan. 24 years din ang haba ng kwento na yan. Maganda mag ipon muna kayo ng energy." Suggest ni Gerald na nagpangiti kina Charlene at Ashley. Inalalayan ni Mark ang mommy niyang tumayo at sabay sabay na silang lumabas ng master bedroom para bumabang kumain.

Pati ang mag asawang katiwala nila Charlene sa bahay na yun ay excited na nag asikaso sa kanila. Panay ang tingin ng mga ito kay Ashley. Hindi na nakatiis si Charlene at sinabihan ang mga ito na huwag masyadong pakatitigan ang dalaga. Hindi tuloy makakain ng husay.

Napahiya naman ang mag asawa at nagmamadali ng pumunta sa kusina.

"Alam mo sweetheart, pwede kang artista. Para kang may magnet sa tao. Kahit saan ka pumunta may napapahanga ka."

Kinurot ng palihim ni Ashley ang kasintahan. 'Kung ano ano sinasabi mo." Inirapan ang nangingiting binata.

Napayuko si Mark sa nakikitang lambingan ng dalawa.

"This is so foolish!! I should not feel this uncontrollable jealousy. She is my sister for goodness sake." Mark told himself.

Nangingiti din si Charlene. Nakikita niyang kahit namumugto ang mga mata ng anak ay masaya ito. Nakikita din niya ang natural na pag-aalala ng dalawa sa isat isa. Mga simpleng gestures pero punong puno ng pag aalala at lambing gaya ng paghawi ni Gerald ng buhok ni Ashley pag natatakpan ang mata nito. Ang paghilig ni Ashley sa balikat ni Gerald pag napansin niyang nakatitig ito sa kanya.

Kung siya sana ang masusunod, ayaw niyang masangkot ang anak sa mundo ng ahowbiz pero sa nakikita niya sa dalawa, wala siyang magagawa, mahal ng anak niya si Gerald Anderson.

Matapos nilang kumain ay tinuloy ng dalawa ang kuwentuhan sa master bedroom. Naiwan ang mga lalaking naglaro ng video games at billiard. Marami rami ding nalaman si Gerald about Mark. Architect pala ito at isa ng young partner ng isang kilalang architectural firm ng bansa. Madalas din itong ipadala sa ibang bansa for training and conferences.

Hindi maalis sa isipan ni Gerald ang mga simpleng sulyap ni Mark kay Ashley. Yung pagyuko nito pag naglalambing si Ashley sa kanya.

Mukhang magkakaroon siya ng malaking problema sa katauhan ni Mark Santos Concepcion.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon