Chapter 3

4.6K 69 10
                                    

Lalong na puzzle si Gerald sa tinuran ni Jase. Napatingin ito kay Ashley.

"See told you , he can still remember you."

" No, he said, I look familiar." Bwelta ni Jase kay Ashley.

"Guys , please do tell me, where have we met?" Tumingin uli ito sa screen ng laptop ni Ashley para kilalanin at alalahanin kung saan niya nakita before si Jase.

"Hindi mo na talaga si natatandaan no? Si Jason yan, natatandaan mo yung isang lagi din nating kasama before. Mas kilala na siyang Jase ngayon." Paalala ni Ashley kay Gerald.

Hindi makapaniwala si Gerald na ang kababata din niya ang ka chat ni Ashley. "Wow !!! Today is full of surprises! Great to see you man, are you here in the Philippines too?"

"No , I am in San Francisco. It's good to finally see you again Gerald kahit on cam lang."

"Great , marunong ka pa ring magsalita ng tagalog."

"Oo naman, yan naman kasi ang usapan sa bahay saka malaki na rin naman ako ng lumipat kami dito kaya fluent pa rin akong magtagalog gaya ni Ash."

"Oo nga buti magaling pa rin siyang magtagalog. Ikaw kelan ka magbabakasyon dito?" Tanong ni Gerald sa kababata.

"That's what Ashley and I were discussing before you barge in, " Biro ni Jase.

"He is coming in 3 weeks baka by then tapos na renovation ng condo sa Makati duon na siya tutuloy. We will try touring the country. Gusto naming mapuntahan mga top tourist spots dito within that 3 weeks para sulit ang bakasyon ni Jase." Mahabang paliwanag ni Ashley.

"Talaga? Sana maluwag ang schedule by then para makasama ako sainyo." Excited na sabi ni Gerald.

"Mas exciting nga yun . Nasaan pala si Ken?" Tanong ni Jase.

"Lumabas na yata, pero for sure matutuwa yun pag naikuwento namin ni Ashley na nagkausap tayo."

Nuon ipinaalala ni Asher na may shooting siya. "Di ba may shooting ka? Bakit pala andito ka pa?"

"Magpapaalam lang sana ako saiyo, heto na distract na ako sainyong dalawa. "

"Asus at kami pa sinisi. Sige na alis na baka naghihintay na girlfriend mo. Kailangan pakilala mo sa amin si Chrissy ha." Malambing na hiling ni Ashley kay Gerald.

Nagulat si Gerald na alam ni Ashley ang tungkol kay Chrissy. "Paano mong nalaman ang tungkol kay Chrissy?" Nagtatakang tanong ni Gerald kay Ashley.

"Hello, artista ka kaya.Syempre kaming mga dati mong kaibigan, interesado ding malaman kung ano bago sa career mo. Lihim mo din kaya kaming tagahanga."

"In other words, pinag chichismisan ka din namin pag nag cha chat kami pero syempre sikat ka na kaya nahiya na rin kaming pakilala saiyo. Buti na nga lang at nagkaroon uli ng communication mommy mo at si tita Dianne.

"Ang ganda ni Ashley no? May boyfriend na kaya siya?" Tanong ni Jalal kay Gerald habang papunta sila sa shooting ni Gerald.

"At bakit iba yata ang tono ng tanong mo? Tanong din ni Gerald sa kaibigan /driver .

"Iba ba? Tukso pa rin ni Jalal.

"Tigilan mo nga ako. Huwag na huwag ninyo akong tutuksuhin sa harap niya. Ayaw kong umiwas siya sa akin dahil sa panunukso ninyo. Isa pa alam niyang may girlfriend na ako."

"Talaga?" Hindi ka na pala makaka porma." Ayaw pa ring paawat na tukso ni Jalal.

"Saan mo ba nakuha ang idea na gusto ko siyang pormahan? May Chrissy na ako."

"May Chrissy ka na dahil akala mo hindi na kayo magkikita uli." Makulit na sagot ni Ali.

"Isa ka pa Ali ha!" Bawal ni Gerald sa isa pang kaibigan .

"Yun lang sagot mo kanina kay Fred, bistado ka na!" Natatawang sabi uli ni Ali.

"Tigilan na ninyo ako. Will take a nap, pakigising na lang ako pag malapit na tayo." Pinikit na ni Gerald mga mata para tigilan na siya ng mga kaibigan .

Samantala, ang iniwan niyang nag cha chat pa rin ay naging seryoso na ang usapan.

"Alam ba niya girl?"

"Wala siyang alam kaya wala ka ding sasabihin, ok?"

"Alam ng mommy niya?"

"Oo, sinabi ni Mommy pero pinapangako namin na huwag sabihin kahit na kanino."

"Bakit ba ayaw mong malaman nila?"

"Kaya nga ako lumayo sa lugar namin dahil nagsasawa na ako sa naririnig ko. Ayaw ko ng naririnig yung awa nila. Yung mga bulong bulungan pag nakikita nila ako."

yung awa nila. Yung mga bulong bulungan pag nakikita nila ako."

"Feel kita girl, paano medications mo? Yung regular check up?"

"Mommy already made arrangements at Makati Med."

Napansin ni Ashley na naluluha na naman ang kaibigan ."Don't you dare cry on me again!" Babala ni Ashley kay Jase. " I will log out ."

"Ok, ok I will stop!" Biglang bawi ni Jase.

"Kinukunan ng eksena si Chrissy ng dumating sina Gerald s set.

Binati ni Gerald ang mga dinatnan. Nilapitan siya ng assistant director at binigay ang script. Pinaliwanag kung ano eksenang kukunan.

Pinilit ni Gerald naag concentrate sa trabaho. Isinantabi muna niya ang gumugulong tanong na gusto niyang masagot sa lalong madaling panahon. "Ano ang relasyon nina Ashley at Jase?"

Hindi pa rin siya makapag concentrate . Nasa isip niya ang malutong na tawa ni Ashley habang nakikipag usap kay Jase. Hindi pa rin siya nagbabago. Parang walang nagbago, siya pa rin ang Ashley na sinabi niya nuon na babaeng magiging asawa niya kahit ano ang mangyari. Bata pa sila nuon, pinangako nila sa isat isa na pagdating ng tamang panahon silang dalawa ang pakakasal. Ang dami nilang mga pangarap. I pinangako pa niya nuon na tutulungan niya itong hanapin ang mga tunay na magulang. Alam kasi nila na ampon lang so Ashley.

"Hon, andito ka na pala!" Masiglang bati ni Chrissy kay Gerald. Tumayo si Gerald at bumeso kay Chrissy.

"Hello there, got here 10 minutes ago."

"Tapos na mga eksena ko , sabi ni direk, pwede na raw akong umuwi. Do you mind kung mauna na ako?"

"Not at all! Sige you go ahead."

"See you tomorrow ? May shoot din ako bukas eh."

"Sige hon, kita na lang tayo bukas."

Nagmamadali ng umalis si Chrissy kasama ang dalawang alalay. Ihahatid sana niya ito sa sasakyan ng dalaga pero tinawag na siya ng director.

Inabot na madaling araw sina Gerald sa shooting. Naramdaman sila ni Ashley ng pumasok ang mga ito sa bahay.

Light sleeper si Ashley . Nararamdaman niya lahat ng namgyayari sa loob ng bahay. Naninibago lang siguro siya kaya hindi din siya nakatulog ng maayos.

Naramdaman ni Ashley na may tumigil sa may pintuan ng kwarto niya. Nagkunwari siyang tulog na tulog.

Dahan dahang bumukas ang pinto ng kwarto. Alam ni Ashley si Gerald ang pumasok.

Tumayo ito sa gilid ng bed . Makaraan ang ilang minuto, naririnig ni Ashley na nagsalita si Gerald.

"Good night Princess Ashley! Thank you for coming back in my life .Sana matupad natin mga pangako natin sa isat isa. Hindi ko nakakalimutan mga pangako ko saiyo. Hindi matupad lahat, pipilitin kong matupad ang iba.Akala ko kasi hindi na tayo uli tayo magkikita .

Pagkasabi nito ay dahan dahan ng lumabas ng kwarto .

Matagal ng nakalabas si Gerald, hindi pa rin makapaniwala si Ashley sa narinig.

Hindi napigilan ng dalaga ang maiyak. Hindi pa rin niya ako nakakalimutan . Akala ko nakalimutan na niya mga pangako namin sa isat isa.

Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ni Ashley.

Hindi na dapat pang balikan mga nakaraan . Maayos ang takbo ng buhay niya. Hindi na dapat pa yung magbago.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon