Chapter 22

4.5K 78 30
                                    

Inabutan ni Mommy Vangie ang dalawang magkatabing tulog na tulog. Mukhang nakatulugan na pagkukuwentuhan. Suot pa rin ng mga ito ang damit na suot ng iwanan niya kahapon.Nakatalikod si Ashley kay Gerald na nakayakap naman sa dalaga.

Napailing na lang ito at mahinang kumatok sa pintuan.

Unang nagising si Ashley at napabalikwas ito ng makita mommy ni Gerald.Nagulat naman si Gerald sa biglang pagbangon ng dalaga.

"What happened You ok?" Naalimpungatang tnaong ni Gerald kay Ashley.

Hindi nakasagot agad si Ashley. Namumula itong tumingin sa may pinto.Nakita ni Gerald ang mommy niya na nakatingin sa kanila.

"What you doing here this early mom?" Tanong ni Gerald sa ina. Wala sa loob na hinila uli si Ashley pabalik sa bed. Napahiga uli si Ashley and this time sa dibdib mismo ni Gerald. Hinarap ni Ashley ang binata at hinampas ito. "Ikaw talaga, nakakahiya kay Tita."

"Practice ka ng tumawag ng mommy dahil soon yun din itatawag mo sa kanya. Di ba mommy?"

"Tigilan mo nga si Ashley. Tingnan mo nga ang aga aga namumula na naman. I hope hindi mo na naman siya pinuyat." Wala sa loob kunwaring sagot ni Mommy Vangie. pero tuwang tuwa ang kalooban nito sa nakikita. Masayang masaya ang anak at mukhang wala naman siyang dapat ikabahala

"Pasensya na iha hindi na akon nag buzzer, ginamit ko na ang susing binigay mo sa akin. Inisip ko kasi na gising na kayo at dito na lang ako kakatok pero yun nga ilang beses na akong kumatok , walang sumasagot kaya tumuloy na ako."

Napansin ng mommy ni Gerald na gusto ng tumayo ni Ashley pero ayaw itong bitawan ni Gerald. "Hoy Geraldo, tanghali na. Kung may doctor's appointment si Ashley let her do what she has to do. At ikaw mula pa kahapon yan na ang suot mo , abay , bumangon ka na nga. Maya maya ay may narinig din silang mga pumasok sa unit.

"Ge, we have to get up, andiyan na mga workers. Nakalimutan ko, hindi pa pala sila tapos sa kitchen. Let me get up na ano ba."

"Ok will go check on them iha, ano na nga pala, nagkausap ba kayo uli ni Colin kagabi?"

Bumeso muna si Ashley kay Tita Vangie bago ito sumagot. "Sabi ko kay Colin Tita either bukas or Thrusday na lang, I feel much better na, Gusto ko sanang pumunta ng Angeles today. Samahan daw ako ni Gerald.

"You sure? Baka pwede namang ipagpaliban muna yan iha, pahinga ka muna. Balik ka na muna sa bahay."

Narinig yun ni Gerald. " Oo nga sweetheart , sa bahay ka na muna, please. Mas maalagaan ka namin duon."

Tumaas ang kilay ng mommy ni Gerald sa narinig na tawag na anak kay Ashley. Tumingin ito sa dalaga.

"Alam na niya Tita, hindi ko na natiis kasi nahuli na niya kami ni Colin kaya yun sinabi ko na rin. Dahil sa nakita kong reaction niya, nalaman na rin niyang hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya." Namumulang sabi ni Ashley.

NIyakap ni Tita Vangie si Ashley. "Mabuti naman. Natutuwa ako na nagbago ang isip mo. Hindi lang si Gerald ang napasaya mo. Kami din ng mommy mo at syempre daddy mo at for sure si Ken din." Hinalikan sa pisngi ang dalaga at sinabihang gumayak na. Hinarap ang anak ng makapasok na sa banyo si Ashley. "So alam mo na ang tungkol sa naging sakit ni Ashley?"

Tumango si Gerald. " I will be with her all the way mommy."

"Handa ka ba sa posibleng mangyari?"

"Yes, and with that in thoughts, kaya gusto kong makasal kami sa mas madaling panahon."

"Bakit may nangyari na ba sainyo?" Naka kunot noong tanong ni Mommy Vangie.

"I wish, pero wala mommy. Nagkuwentuhan lang kami. I have to respect her wishes. Alam ko naman na isa yun sa mga pangako niya sa sarili.'

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon