Pagkakita ni Ashley na tumango si Mark ay tumingin ito kay Gerald. Tumango din ang kasintahan. Nakahawak ang dalawang kamay ni Ashley sa kanang braso ni Gerald. Halos hindi siya makahinga habang papasok sila ng master bedroom.
HIndi muna pumasok si Mark. Hinayaan niya ang dalawang mauna at sinenyasan sina Jalal at Ali na bumaba na lang kasama niya.
"I think its better if we leave them alone for now. She might need some privacy at this moment." Sabi nito sa dalawa.
Sumang ayon naman sina Ali at Jalal at sinundan na si Mark pababa. Si Mark naman ay tinawagan agad ang mommy niya.
"You better come over here mom, I think she knows now." Diretsong sabi ni Mark sa mommy niya.
"What you mean?" Halos pasigaw na tanong ni Charlene sa anak.
"I showed her room and forgot to remove her pictures in your room. She saw it when we passed your room. She requested if she can also see the master bedroom . I can't say no , mom, if you see how pale she was when she asked me. "
"Oh God!! What should I do now?" Natutulirong tanong ni Charlene
"You better come as fast as you can, it's better if you are here. Beside she doesn't look good. She is very pale."
Kinuha ni Charlene ang bag niya, tinawagan ang driver na ihanda ang sasakyan. Dali daling lumabas ng opisina niya at sinabihan ang secretary na i cancel lahat ng meetings niya that afternoon, may family emergency lang siya..
Paglabas niya ng buildiing ay naghihintay na ang sasakyan sa harap. Dali daling sumakay si Charlene at sinabing pupunta sila sa bahay nila sa Angeles at kung pwedeng gawin lahat ng makakaya ng driver para makarating sila as soon as possible.
"Yes Maa'm." Sagot naman ng driver.
Pagpasok nina Ashley sa master bedroom ay halos himatayin ito sa nakita. Sa isang wall ng kwarto ay nakasabit ibat ibang size ng picture frames, picture niya lahat. Pictures ng mga importanteng pangyayari sa buhay niya. Mga pictures na pinost ng mommy niya sa facebook account.
May book shelves sa isang corner na panay photo albums ang laman.Tiningnan ni Ashley ang isa.Panay mga pictures niya ang laman na ang iba ay hindi niya alam kung saan kuha. Kumuha din ng isa si Gerald at nagkatinginan na naman sila.Isa isa nilang binuklat mga photo albums. Pictures lahat ni Ashley ang mga nasa photo album. May mga pictures nuong baby pa lang siya, nuong binyagan siya, first day sa school, mga sports events na kasali siya. Nasa mga album na yun ang story ng buhay niya. Hindi na napigilan ni Ashley ang umiyak. Humagulgul na ito sa dibdib ni Gerald.
"Sinubaybayan din niya ang buhay ko mula pagkabata? Those albums are the story of my life" Nanghihinang bulong ni Ashley kay Gerald. I need to sit down. "
Inalalayan naman ni Gerald ang kasintahan para makaupo sa gild ng bed.
Nanginginig ang buong katawan ni Ashley. Gerald pushed Ashley's head down between her knees. Nararamdaman ni Gerald na baka mawalan ng malay ang dalaga sa tindi ng emosyong nararamdaman. " Breathe sweetheart, slow and steady."Bulong ni Gerald kay Ashley habang hinahaplos ang likod nito. Kaya mo to , andito lang ako sa tabi mo. Let go of all the emotions.
Pinikit ni Ashley ang mga mata at pinilit na i focus ang lahat sa boses ni Gerald. Ilang minuto din sila sa ganoong posisyon, Ashley trying to regain control of her emotion while Gerald keep on whispering endearing words to soothe and calm her.
When she finally lifted her head, Gerald get up and told her to relax . He will just get some water for her to drink.
Pagbalik ni Gerald, kasunod na niya si Mark.
Nakaramdam ng awa at the same time lalong paghanga si Mark kay Ashley. She is one classy lady. She is taking all these new informations about her gracefully kahit panay ang tulo ng luha nito.Pinagmamasdan niya ang dalaga habang iniinom nito ang tubig na bigay ni Gerald. May kirot na naman itong naramdaman ng makitang humilig ang dalaga sa dibdib ni Gerald matapos mainom ang tubig. Panay naman ang halik ni Gerald sa buhok nito.
"Mom is on her way here. She will be here probably in 45 minutes. Will you wait for her? You can all stay here for the night if you want."
Nanlaki ang mata ni Ashley sa narinig. "She is on her way here?"
"Yes, I called her, told her you already knew. Dad is out of the country that's why hw wont ne here." Pag amin ni Mark. "I can probably answer all your questions but its better if she answers it herself. One thing I can tell you though, eventhough you did not grow up with us physically, it feels like we have a sister who is living in the US since I can remember. We even celebrate your birthday every year, every ups and downs of your life, we knew. We prayed when you were in the hospital. The only thing different is that you did not live with us." Mahabang paliwanag ni Mark.
Tulo lang ng tulo ang luha ni Ashley habang nagkukuwento si Mark.
"If she cared that much, why did she give me away? Is your dad , my dad too?"
"Yes, they are your parents." Sagot ni Mark.
Kumatok ang isa sa mga kasama nina Mark at ng makita si Ashley ay nanlaki ang mata. "Maa'm Ashley?" Hindi napigilang sambit nito. Tumingin kay Mark.
" Oo siya nga ang Maa'm Ashley nyo."
"Naku, mas maganda po pala kayo sa personal." Excited na dugtong nito.
Nginitian ito ni Ashley at tumingin uli sa mga picture frames na nakasagot sa wall.
"Ay kaya po pala ako pumanhik para sabihin na ready na po ang pagkain ."
"Thank you, you two should eat something."
"Sweetheart?" Tanong ni Gerald kay Ashley.
"I can't eat. You go ahead. I need to be alone for now. My heart and mind are in chaos right now. I need to be alone."
"You sure? Nag aalangang tanong ni Gerald.
"Yes, I am sure . I will call you if I need you."
"Ok, then. Will leave you for now."
Naiwan si Ashley sa kwarto. Hindi pa rin makapaniwala sa nalaman at sa katotohanang nasa harapan niya. Si Charlene Santos-Concepcion ang nanay niya. Isa sa pina influential women sa Pilipinas.
Kahit anong pigil ay hindi maiwasang tumulo ng luha ng dalaga. Ang tagal niyang pinangarap na mangyari to. Makilala ang tunay na mga magulang. Ngayong ilang minuto na lang at maka kaharap na niya ang tunay na ina ay parang gusto niyang magtatakbo palabas ng bahay. Magtago.
Tumayo ang dalaga, naglakad lakad. Iniisip kung ano magiging reaction nila pag nagkaharap na sila. Ano dapat niyang sabihin. Itanong? Naisip niya mommy niya. "I wish you are here. I don't know what to do."
Umupo uli si Ashley sa gilid ng bed. Ipinikit ang mata. "Dear Papa God, please ituro po ninyo sa akin dapat kong gawin at sabihin pag nagkita na kami ng tunay kong ina. Hindi mo po ako pinabayaan sa mga nauna kong laban sa buhay. Please po don't make me messed up this meeting with my biological mom. Alam ko po, isang maling salita, it will ruin everything, I know everything happened for a reason. Pinauubaya ko po sainyo kung ano ang dapat kong sabihin at gawin pag nagkita kami." Huminga ng malalim ang dalaga at nagmulat ng mga mata. Mas gumaan na ang pakiramdam nito matapos ang maikling panalangin.
Tatayo na sana ito ng marinig ang mahinang "anak" na tawag sa kanya.
Napalingon ito sa may pintuan, nakatayo si Charlene na tumutulo ang luha.