"Grabe si Gerald ha, parang ayaw ka ng pakawalan eh. Akala ko hindi na matatapos ang paalamanan ninyo. Gusto ko ng sabihn na sumama na kasi sa atin at ituloy ka na sa huwes at ng pwede ka na niyang itali sa bewang niya.Hindi mo aakalain na yung pagka macho at akala mo bruskong tingnan eh napaka pala pag na inlove. Ano ba pinkain mo duon ha, at mahal na mahal ka! " Nakataas ang kilay na tanong ni Jase kay Ashley ng sa wakas ay nakaalis na rin sila sa set ng taping nila Gerald.
Tawa lang ng tawa si Ashley. Pati si Ken ay natatawa sa mataray na tanong ni Jase.
"Hay na in love na rin ako, pero hindi gaya niya ha. Daig pa ako, akala ko super possessive na ang bakla pag na in love, masahol pa siya." Wala pa ring tigil na sabi ni Jase.
"Naku Jase, ikaw ba naman maghintay ng ilang taon para lang makita mo uli ang mahal mo, paano kang hindi magiging ganoon ka possessive. Palagay ko nga, hindi yun titigil hanggang hindi sila nakakasal ni Ashley bago matapos ang bakasyon nyo." Napatingin ito kay Ashley na umiiling iling na marinig ang salitang kasal.
"Sinabi mo pa!!"sang ayon ni Jase kay Ken. Kinalabit nito ang kaibigan na nakaupo sa harap ,katabi ni Ken.
"Ano friend, nakapag decide ka na ba?"
Bumuntong hininga si Ashley. Pinakita ang daliri , wala pang singsing oh. Bahala na , will decide pag anduon na. Nangungulit na ngang masyado. Sa ngayon concentrate muna ako sa party ni Mama Charlene then Christmas. And speaking of Christmas, hindi pa pala ako nakakapag shopping."
"Ako pipili ng regalo mo sa akin ha " biro ni Jase sa kaibigan.
"Good idea, bukas ng umaga, try natin, may mall na malapit sa condo, let's walk over na lang parang exercise na rin natin.What about you Ken, you done your shopping?"
"Yap, mom and I went shopping the other day. It took us almost all day to find all the things she wanted to buy. I think we are grocery shopping tomorrow.
"Wow buti pa sila. Kailangan pala mag shopping na rin ako. Ang bilis naman kasi ng araw.Parang mula ng dumating ako laging may happenings.
Naalala niya na bukas nga pala makikilala naman niya ang biological dad niya. Bigla na naman siyang kinabahan. Napatingin si Ken sa kanya ng maramdamang parang biglang natahimik ang dalaga.
"What is wrong? All of a sudden you are so quiet?"
" Just thinking tomorrow. I will finally meet my biological father . I wonder how will it go? And the party of course. I am nervous all of a sudden."
"I can understand that! Can't imagine how will I feel if I am in your shoes. Honestly , I admire you. You are so cool about all of these thing happening to your life. Did you ask her why did they give you away?"
"No, for me it's all irrelevant now. What is important is that we are all ok about it. I turned out alright, mom and dad are the parents everyone wants to have. Someday , when we have more time to sit down and chat , maybe we can talk about it but right now , I am just happy to know , they did not really abandoned me. It maybe weird to some but that is how I feel. "
"Don't worry too much Ash, I am sure, your biological dad is as proud as your Mama Charlene to know that their only daughter turn it out to be you. Who would not be very proud of you? If there is someone who should be nervous, it should be him, don't you agree Jase?"
Nilingon ni Ashley si Jase ng hindi ito sumagot sa tanong ni Ken. Kaya naman pala natahimik na ay tulog na ito.
Napailing na lang ang dalawa. Mahina na lang silang nagkuwentuhan ng kung ano ano lang. Mas marami pa silang nalaman tungkol sa mga buhay buhay nila. Mga plano ni Ken sa buhay. Mga plano pa sanang gawin ni Ashley. Inamin na rin ni Ashley na sa ngayon hindi pa rin niya talaga ang gagawin sa mga gusto pa niyang gawin dahil kay Gerald. Inamin niyang mahal na mahal din niya si Gerald at kahit na sinasabi niyang hindi pa siya handang mag asawa, alam niyang hindi niya kayang tiisin ang kasintahan.
