Chapter 7

4.4K 70 31
                                    

Kauupo pa lang nina Jalal at Ali sa harap ng sasakyan ng makarinig sila ng something na nabasag.Nagulat ang dalawa, nagkatinginan . Tumango si Jalal , hinawi ni Ali ang kurtina para makita niya kung ano nangyayari sa likod.gamit nila ang custom van ni Gerald.

Nakita niya si Gerald nakaupo, takip ang mukha ng dalawang kamay. Dumudugo ang isang kamao. Ginala ang tingin , tiningnan kung ano ang tinamaan ng kamao ng binata. Yun lang naman 32 inches flat tv.

Sinenyasan si Jalal na huwag munang paandarin ang sasakyan . Tahimik silang bumaba, binuksan ang passenger's door sa likod at tinanong si Ge kung gusto nitong linisin patingnan ang sugat. Hindi kumikibo ang binata kaya ginawa ng dalawa ay kinuha ang first aid kit. Tahimik na nilinis ni Jalal ang kamao ni Gerald. Hindi naman grabe kaya nilagyan niya ng antiseptic at bandage para tumigil ang pagdugo. Tumayo si Gerald matapos maayos ang bandage sa kamay niya. Lumabas ng sasakyan , akala ni Jalal ay babalik ito sa restaurant kaya napasunod siya pero umupo ito sa harap para siguro mabigyan ng enough space ang dalawa para malinis ang basag na tv at dugo sa floor.

"Damn you Ashley !!" Narinig ng dalawang bigla na lang sinabi ni Gerald .

After , 30 minutes or so ay naayos na nina Jalal at Ali ang likod ng sasakyan. Nakita nilang may malaking garbage bin sa may likod ng restaurant kaya pinagtulungan nilang itapon duon ang basag na tv at ang small pieces of glass na nakuha nila sa floor ng sasakyan .

"Ok ka na? Gusto mong dumaan sa hospital para matingnan yang kamay mo?"Tanong ni Jalal sa kaibigan .

"Let's go to a bar. Gusto kong uminom . "

Umiling ang dalawa."We better take you home. Kung ayaw mong pumunta ng hospital, at least let Tita Vangie look at your hand.Baka ma infection yan , hindi ka makapagtrabaho. Saka isa pa gusto mo bang may makakita ng kamay mong ganyan,

"I don't care. All I want to do is drink and be drunk and forget this feeling I have right now. Either you take me to a bar or will go back there and confront Ashley. Which one do you prefer?" tanong ni Gerald sa mga kaibigan.

"Bro, you told us long time ago, you want us around because we keep you grounded, You told us we are not just your driver, alalay, bodyguards. We are also your bestfriends. We stayed coz we feel the same. This is one of those rare moments when you can't get your way. Either we go to the hospital or take you home." Seryosong sagot ni Ali .

Hindi nakakibo si Gerald. Pambihirang magsalita si Ali ng ganoong tono sa kanya. Alam naman niyang tama ang kaibigan.

Tuloy tuloy sa kwarto niya si Gerald pagdating sa bahay. Buti na lang at nasa kwarto na si Mommy Vangie.

Tahimik na ang buong bahay. Sinundan ng dalawa ang kaibigan matapos maiiayos mga gamit na ibinababa sa sasakyan.

Lumabas naman si mommy Vangie. "Ang aga yata ninyo ngayon. Akala ko ba may dinner kayo with the stars and staff .Nasaan si Gerald?" Tanong ni Mommy Vangie kina Ali at Jalal.

"Nasa kwarto na niya Tita." Sagot ni Jalal.

"Nasa shower na yata. Lalabas pa ba kayo?"

"Hindi na Tita , dito na lang kami mag hang out. Meron ba kaming pwedeng gawing pulutan? Gusto yatang uminom ni Ge."

"Meron, tumingin na lang kayo duon sa kusina. May niluto din ako, nanduon sa fridge. Mabuti naman at dito na lang kayo sa bahay pag gusto ninyong uminom. Bukod sa safe na kayo, iwas chismis pa."

"Oo nga po Tita. Tita maiba ako, alam po ba ninyo kung may boyfriend na si Ashley?" Tanong ni Ali.

"Hindi ko naitatanong yan. Bakit? May gusto ba ang isa sainyo sa kanya?"

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon