Sa naririnig na pagwawala ni Iya ay hindi nakatiis si Ashley. Bigla itong tumalikod at bumalik sa loob ng bahay. Hindi nakakilos agad ang nabiglang si Charlene.
Tuloy tuloy si Ashley sa study room kung saan wala. Pa ring tigil sa kasisigaw at pananakot si Iya.
"She will regret stealing you from me. Who do you think she is?" Narinig ni Ashley na tanong ni Iya. Nakatalikod si Mark, mukhang hindi na naikikinig sa nagbubungangang dalaga."
Nagulat pa ito ng marinig si Ashley.
"What made you think I stole him from you? Did it ever enter your brain that he doesn't want to involve himself to you because of your abominable attitude? Did you ever listen to yourself when you are talking? Or when you are screaming like a lunatic? You don't even know who I am in the family. Do you?"
"Ash, don't stressed yourself with this . I will call you later," Napalapit na sabi ni Mark.
Napansin ni Iya ang ginawa ni Mark na paglapit at sa posisyon nito sa tabi ni Ashley ay parang sinasabi na rin nito sa kanya na "don't even think hurting her or you will get hurt too."
Lalong nagngitngit ang kalooban nito at susugurin sana nito si Ashley pero nagulat siya ng salubungin siya ng dalaga at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya.
Na shock si Iya sa lakas ng sampal na natikman. Wala pang nakaka sampal sa kanya ever, even her own parents.
"That is for hurting Mama Charlene and this for calling me names and accusing me of things I have no clue why you are involving me." Isa pang malakas na sampal ang natikman ni Iya sa kabilang pisngi naman,
Parang tigreng susugurin sana ni Iya si Ashley ng maka recover ito sa pagkabigla pero mabilis na naiiwas ni Mark ang dalaga at mabilis na binalingan ang pasugod uling si Iya. Hinawakan ni Mark ng mahigpit ang dalawang kamay nito.
"Let me go! I swear I am going to kill her!" Nagwawala pa ring sabi ni Iya.
"Let her go Kuya Mark. Let's see what she can do. Akala ba niya uurungan ko siya. " Nanggigil ding sabi ni Ashley.
"What did you call him?" Napahintong tanong ni Iya.
"Kuya Mark!! Why you did not know that he is my kuya?"
Napatingin si Iya kay Mark. "You said there is someone else."
"Yes , there is someone else but did I mention her name? Did I say Ashley?" Galit na tanong ni Mark sa naguguluhang dalaga.
"You did not correct me though." Pasigaw na sagot ni Iya.
"I am confused. I know he did not have a sister , only his brother Sam. You have a sister?" Hindi makapaniwalang tanong ni Iya kay Mark."
"Yes, Ashley did not grow up with us though. she grew up in the States."Sagot ni Mama Charlene na kapapasok lang sa study room.
"I am sorry. I did not know." Lalo ng namula si Iya.
Napaupo sa isang upuan at umiyak na lang takip ang mukha ng dalawang palad.
Nagkatinginan sina Ashley at Charlene. Nakaramdam naman ng awa si Ashley sa dalaga. Tiningnan nito si Mark na mukhang inis pa rin sa mga biglaang pangyayari.
"Ikaw kasi, bakit hindi mo sinabi agad na hindi naman niya ako dapat pagselosan." Sisi ni Ashley sa Kuya Mark niya.
"Nakakapikon kasi ugali niya." Bulong naman nito.
Sinenyasan niyang lumabas muna ito. Ganoon din ang bulong niya sa mommy niya.
Nagtataka man ang dalawa ay lumabas na rin.