Chapter 10

5.5K 69 27
                                    

Shaina's Party. Tuwing may papasok na bagong bisita sa bar/restaurant ay napapalingon si Gerald. Napansin na tuloy siya ng handler niya.

"Sino ba ang inaabangan mong dumating at lagi kang napapalingon sa pinto pag may bagong dating?" Curious na tanong ni Nhila, ang handler ni Gerald.

"Parang alam ko kung sino." Sagot naman ni Jalal.

"Jalal ha, magtigil ka!" Bawal ni Gerald sa kaibigan .

"Sasabihin ko sanang si Chrissy pero di ba kasabay mo namang dumating? Nasaan na pala yun?" Sunod na tanong uli ng handler.

"Andiyan lang yun, nakiki chika. Parang hinde mo pa kilala yun." Sagot ni Gerald.

"Mabalik tayo duon sa unang tanong ko, sino ba hinihiintay mo? Hindi ka mapakali diyan."

"Si Ken. Susunod daw siya, bakit hanggang ngayon wala pa." Sagot ni Gerald na halatang umiwas ng tingin kay Jalal.

Nagulat pa ang handler ni Gerald ng bigla itong mapatayo. Tumaas ang kilay nito at napatingin kay Jalal , nagtatanong ang mga mata.

Nakatayo sa may pinto, nakahawak sa braso ni Ken, si Ashley na kahit napaka simple ng suot ay napalingon ang ilang mga bisita lalong lalo na mga lalaki. Iginala ni Ken ang mga mata at ng makita si Shaina ay nilapitan nila ito. Sinundan sila ng tingin ni Gerald. Pati sina Nhila at Jalal ay napasunod din ng tingin. Nakatayo pa rin si Gerald.

"Hoy Geraldo baka gusto mong umupo bago ka mapansin ng girlfriend mo. Daig mo pa ang selosong boyfriend kung makasunod ka ng tingin sa date ni Ken. Sino ba yun? Pwedeng artista." Interesadong tanong ng handler ni Gerald.

Napilitang umupo uli si Gerald. Ayaw din niyang maging tawag pansin. Kilalang selosa ang girlfriend niya. Alam niyang hindi magugustuhan ni Ashley kung magiging dahilan ito ng hindi magandang mood ni Chrissy.

Nagkataon din na nasa di kalayuan si Chrissy kaya hindi maiwasang ipakilala din ni Ken ang dalawa sa isat isa. Nagbeso beso ang dalawa. Nasa mukha ni Ashley ang tuwa habang nakikipag usap kay Chrissy. As usual si Chrissy ay masaya din makakilala ng bagong kaibigan na may kaugnayan sa boyfriend.

"Nakita na kita sa restaurant nung isang gabi. Ewan naman kay Gerald at biglang umalis, hindi tuloy tayo nagkakilala that night." Masayang sabi nito kay Ashley.

"Oo nga nagulat din kami nung makita namin ng kasama ko na wala na sila. Lalapit pa naman sana kami para bumati at makilala ka. Nasaan pala yun?" Tanong ni Ashley.

Itinuro ni Chrissy table nila Gerald. "Anduon sila nina Jalal at Ate Nhila.Duon na rin kayo umupo, naka save na yung upuan ninyo duon." Masayang sabi ni Chrissy.

Sinundan ng tingin nina Ken at Ashley ang tinuro ni Chrissy. Nagulat si Ashley sa nakitang expression ng mukha ni Gerald. "Ano yung expression na yun?" Pabirong tanong ni Ashley kay Chrissy pero hindi na siya masyadong pansin nito dahil nakikipag chikahan na naman ito sa lalaking napadaan. Pasimple na siyang inilayo ni Ken. "Let's go, for sure he has been wondering why we took so long to get here. Did you see his expression. I think he forgot he has a girlfriend already and you are my date , not his."

Kinurot na lang ni Ashley si Ken. "Shhh, someone might here you. Don't want to be the cause of any gossip." Bawal ni Ashley kay Ken.

Naka-ilang hinto pa sila bago nakarating kina Gerald. May mga bumati kay Ken at gustong makilala si Ashley. Tinanong kung girlfriend na niya ang dalaga. Ang sagot lang ni Ken ay, "I wish!"

"Gerald, hindi yata maganda yang kinikilos mo. Sino ba yung kasama ni Ken?" Nag aalalang tanong ni Nhila.

"Si Ashley." Mahinang sagot ni Gerald sa handler niya.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon