Chapter 38

3.8K 74 19
                                    

Hindi maitago ni Ashley ang saya sa ngiti nito habang ihinahahanda ang dinner nila. Nasa sala ang dalawang kaibigan na nagkukuwentuhan na parang matagal ng magkakilala.

Nakita niya agad ang sparks ng ipakilala niya ang dalawa sa isat isa. Perfect couple. Isang palakwento at isang pangiti ngiti lang pero parehong witty at with great sense of humor.

"Dinner is ready people !!" Tawag ni Ashley sa dalawa na masayang nagkukuwentuhan pa ring lumapit kay Ashley!

"Ano Colin, tama ba ako sa mga sinasabi ko saiyo nuon? O diba halos pareho kayo?"

"Yes my friend, hindi din ako makapaniwala. I think we are soulmates." Masayang sabi ni Colin.

"Thank you Ash! First day palang , alam ko ng l super saya ng bakasyon ko. Saan tayo unang mamasyal?"

"Yan pala gusto kong sabihin saiyo. Hindi ako makakaalis until next week. Kagabi ko lang nalaman na may surprise birthday party for Mama Charlene, I have to be around."

"While you are busy, I will take him around. Where do you want to go?" Tanong ni Colin kay Jase. We can not go tomorrow, I will be in the OR the whole day.We can go Friday." Dugtong ni Colin.

"Hmmm, lets just stay here in Manila this week. Gusto ko munang mapasyalan Metro Manila. Hey Ash, ano kaya kung pasyalan natin boyfriend mo sa taping niya? Gusto ko na din siyang makita. Let's surprise him. Alam mo naman I am fascinated with ahowbiz people.

Tumaas ang kilay ni Ashley. Dalawin si Gerald sa taping? Wala yata sa balak niyang gawin yun. Iniiwasan nga niya na mapansin ng media at hanggang maaari ay ayaw niyang maging usap usapan. Mas gusto niyang maging tahimik ang relasyon nila. Mas konti ang nakakaalam ng tungkol sa kanila, mas maganda.

Umiling si Ashley. "Huwag na lang, magkikita naman kayo soon. Friday , sa samahan niya ako sa party ni Mama. Tanungin ko si Kuya Mark kung pwede kayong isama."

"Sige na Ash, please. Gusto ko lang naman na makakita ng mga behind the scenes ng mga tv shows. Alam mo namang frustrated actor ako. Remember kung hindi sa interest sa ahowbiz chika, hindi natin malalaman na artista na pala si Gerald."

Naki ayon na rin si Colin."Pagbigyan mo na si Jase , Ashley , sigurado ako matutuwa si Gerald pag nakita kayo. Madali lang pumunta duon, kung walang GPS yung SUV nyo, pahiram ko saiyo yung portable ko.

"Don't know. Baka mamaya ma head line na naman ako."

"Ako bahala, hindi kita ipapahamak.

"Kumain muna tayo, pag isipan ko kung kaya kong dumalaw sa taping nila. "

"Kung ayaw pa ninyong malaman ng mga fans ang relasyon nyo di huwag kayong magpahalata. Sige na please!" Paki usap ni Jase.

"Pagbigyan mo na , halos limuhod na siya oh."

"Colin ha, huwag kang sulsol." Bawal ni Ashley sa kaibigang doctor.

Hindi tinigilan ng dalawa si Ashley hanggang sa mapapayag nila ito. Tuwang tuwa si Jase ng pumayag na rin si Ashley na dalawin si Gerald sa taping nito.

Naging lalong masaya .ang kwentuhan nila habang kumakain dahil sa sobrang excitement ni Jase. Sinabi ni Colin na kailangan daw unahan nila ang rush hour lalo na nga at hindi pa naman sila sanay mag drive sa Pilipinas.

Kataapos lang nilang magligpit sa kusina at nag aayos ng desert at maiinom sa sala ng tumawag si Gerald.

"Hi hon, musta taping mo?" Bungad ni Ashley na hindi maitago ang ngiti pagkakitang si Gerald ang tumatawag.

"Heto naghihintay ng anotther take. Pahinga lang ng konti."

"Kumain ka na?"

"Kumakain pa lang. Kumusta si Jase? Nagkita na sila ni Colin?" interesadong tanong ni Gerald.

"Ay oo , ayun oh parang matagal ng magkakilala. Magkasundong magkasundo kahit na sobrang madaldal si Jase. Kaya siguro napalagay agad ang loob ni Colin kasi nga makwento si Jase saka hindi niya tinatago yung sexuality niya but at the same time makikita mo yung pagiging matalino niya. Para talaga siyang babae kung mag aasta, kulang na lang make up."

Natawa si Gerald. So nagbibihis din siya ng pambabae?"

"Ay hindi naman, ibig kong sabihin yung mga expressions habang nagkukuwento at nagsasalita pero ganyan lang siya sa harap ng mga kaibigan. In public naman prim and proper yan. Hindi mo nga iisiping gay. Marami ngang babae ang nagkakagusto diyan pero dedma lang niya. "

"Talaga, excited naman akong makita siya uli. Sa Friday, magkikita kami di ba?"

"Oo, isasama ko sila ni Colin sa party ni Mama Charlene. "

"Magdadala ka ng taga palakpak mo ha." Biro ni Gerald.

Natawa din si Ashley at sinabing pang moral support niya.

"Kumusta pala biyahe mo kanina? Hindi ka ba na late?

"Hindi naman, once na nasa highway ka na,mabilis na."

Pasimpleng tinanong ni Ashley kung ilang oras ba ang biyahe duon. Kung kumusta naman ang daan at ang set up ng taping nila. Anduon ba lahat ng cast , saan sila nag stay at kung marami din bang mga fans na dumadalaw sa set. Kinumusta din niya si Chrissy. Nag uusap ba sila? Saan banda exactly ang location.

Nagkwento naman si Gerald na medyo liblib ang location nila. Setting kasi ay kabukiran. Tahimk nga daw duon at halos walang ibang tao kung hindi sila sila lang din.

"Sana nga madalaw mo kami, na mi miss na kita agad. "

"Ang layo naman kaya saka baka maligaw ligaw pa ako pag pumunta kami diyan. "

"Pasundo kita kina Jalal or Ali."

"Hindi na , magkikita naman tayo sa Friday eh."

Narinig ni Ashley ang malalim na paghinga ni Gerald.

"Sige na hon, enjoy your meal at will see you soon ok? I love you."

"I love you more, say hello to Jase and Colin for me please."

"I willl bye."

Lumapit agad si Jase kay Ashley at tiningnan ang sinulat ng dalaga habang nakikipag usap kay Gerald.

Sinulat ni Ashley ang lugar ng location nila Gerald habang nagkukuwentuhan sila.

"Excited na ako friend. "

Natutuwang pinagmasdan ni Ashley ang kaibigan. "Paano pag nadiscover ka at alukin kang maging part ng telerserye nila?" Birong tanong ni Ashley

"Ayyy bongga , good bye San Francisco na ako."

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon