Nagulat pa sina Ashley at Colin sa biglang pagtayo at sinabi ni Gerald. Sinundan nila ng tingin si Gerald na lumakad palayo sa kanila, sapo ang nuo na halos sabunutan ang sarilli.
"What is wrong Ge," napatayo din si Ashley ng humarap uli sa kanila si Gerald. This time si Gerald naman ang namumutla.
"Bakit ka ba nagkakaganyan, ano nangyari? Ang saya saya mo lang kanina , bigla ka na lang namutla?" Kinakabahang tanong ni Ashley sa binata pero hinala na siya pero gusto pa rin niyang makatiyak.
Napailing na lang si Colin. Isang tingin lang ni Colin kay Gerald , alam na niyang may idea na si Gerald kung ano talaga ang nangyayari kay Ashley.
"Is there something you two want to tell me? And please, please tell me the truth." Nag mamakaawa ang mga mata ni Gerald.
Huminga ng malalim si Colin. "I think this is the right moment for me to say adieu for now. I am just in the next unit if you need me. It's better if the two of you talk alone." Bumeso kay Ashley at tinapik sa balikat si Gerald. Thanks for the dinner. Next time, it has to be on me." Lumabas na si Colin. Sumunod naman si Ashley at ni lock ang pinto.
Pinipilit pa ring pakalmahin ni Gerald ang sarili , palakad lakad ito sa sala. Hindi alam kung ano ang sasabihin. Colin's leaving them only confirms his suspicion that Ashley is sick more than what they are trying to tell him.
Umupo si Ashley , matagal na pinagmasdan si Gerald na hindi pa rin mapakali, hinihintay ang sagot niya pero lakad pa rin ito ng lakad.
"Halika nga dito, upo ka nga, lalo akong nahihilo saiyo."Tinapik ni Ashley ang sofa kung saan niya gustong umupo si Gerald.
Hindi sa tabi ni Ashley umupo si Gerald. Lumuhod ito sa harap niya. Hinawakan dalawang kamay ng dalaga, tinaas at hinalikan ang mga ito then malungkot na tumingin sa kanya. "Are you really sick? How bad is it? Tell me please. Don't try to hide it from me." Halos umiyak na si Gerald.
"I am in remission. Nothing to worry for now. Yes I was sick for a long time. In and out of the hospital but right now I am good . Yes Colin is my doctor while I am here. The sudden tiredness is just normal thing for a while for me. I still have to see my doctors for regular check ups like blood test, x rays, ct scan and sometimes just to talk to the doctor. "
Napasubsub si Gerald sa kandungan ni Ashley. Naramdaman na lang ni Ashley na umiiyak ang binata.
"Ge, hinaplos ni Ashley ang buhok ni Gerald. Tumingala si Gerald , tumutulo ang luha ng binata. Tumayo si Gerald, hawak pa rin ang mga kamay ni Ashley. Napatayo na rin si Ashley. Lumipat ang mga kamay ni Gerald sa mukha ng dalaga. Kinulong ang mga mukha ng dalaga ng dalawa niyang kamay. Bago pa nakakilos si Ashley ay naramdaman na lang niyang hinahalikan siya sa labi ni Gerald. He whispered her name and slid his arms around her waist. "I love you, hindi ko kaya na mawawala ka uli sa buhay ko."
Yumuko si Ashley,
Naramdaman ni Gerald na si Ashley naman ang umiiyak.
"Ash?"hinawakan ang baba ng dalaga, itinaas. Nagkakatitigan sila.
Ashley's cheeks were slick with tears. But she started to smile. Slowly at first then grew until it filled her eyes and maybe her whole body.
"I love you too." Inamin na rin ni Ashley ang tunay na nararamdaman. Sa nakita niyang reaksyon ng kababata, mas masasaktan niya ito kung pipilitin pa rin niyang itago ang tunay na nararamdaman.
Gerald's mouth met hers, hungry and searching. His hands slid around her waist again, tugged her closer.
All Ashley can do was whispered his name, the name of the man she'd been in love with her whole life. She knew this now, she has to accept it. No more denying. She realized, her mom, Tita Vangie and Colin are right. She should enjoy what she has now, she may not have all the time she wanted but no point in worrying what will become when she can have the happiness she's been dreaming for a long time right now.
"I love you" Gerald said again when his lips released hers then lifts her high, laughing in joy.
"Sabi ko naman saiyo, we are destined to be together kahit pinpilit mong ipagkaila. Nararamdaman ko na may pumipigil saiyo pero hindi mo ba alam na kung may nakakakilala saiyo ng buong buo aside sa mommy mo, ako yun."
"Ibaba mo muna kaya ako., grabe ka hi hilahin mo na naman yata ako." Tumatawang sabi ni Ashley.
Maingat namang binaba ni Gerald ang dalaga. Hahalikan sana niya ito pero pabiro ng umiwas si Ashley.
"Ano ba, tama ka na, baka mamaya kung saan tayo mapunta niyan." Lumayo ng kunti kay Gerald.
Wala pang isang minuto ay nakayakap na naman si Gerald kay Ashley. " Just want to hold you. Now that you are officially my girlfriend , I want you to know , seloso ako."
Natawa ng malakas si Ashley. "Kailangan mo talagang sabihin yan? Alam ko naman kahit hindi mo sabihin. Kahit nuon pa pero mas malala pa yata ngayon."
Naramdaman ni Ashley na humihigpit ang yakap ni Gerald sa kanya. Nararamdaman din diya ang init ng katawan nito.
Napatingin ito sa binata. Umiiling si Ashley. "Nope, not gonna happen!" Kumawala sa pagkakayakap ni Gerald. Tulungan mo akong mag ayos at magligpit ng pinagkainan natin then bed but not together." Dugtong agad ni Ashley ng makita ang pilyong ngiti ni Gerald.
Natawa na naman si Ashley ng makita ang dis appointment sa mukha ng binata. " Ewan ko saiyo pero hanggang ngayon yung pangako ko na ang unang lalaking makakaangkin sa akin ng buong buo ay ang lalaking pakakasalan ko." Namumulang pag amin ni Ashley.
Nanlaki ang mata ni Gerald, nawala ang mga ngiti nito. " Sorry sweetheart, kung yan ang isang bagay na hindi ko natupad sa mga pangako ko."
"Hindi ko naman ini expect na matutupad mo yun lalo na sa trabaho mo. Nakapaligid saiyo ang tukso."
" Dapat pala pakasal na tayo agad ."
Kinurot na lang ni Ashley ang kasintahan.
