Chapter 16

4.2K 70 61
                                    

Wala pang 8 am ay narinig na ni Ashley ang buzzer which means nasa baba na si Gerald. Inaantok pa siya pero pinindot niya ang button to let him in. Unlock the door and went to the washroom. She feels so tired. Nanghihina siyang maige. Siguro sa halos gabi gabing late na siyang matulog mula ng dumating siya sa Pilipinas.

Nakapasok na si Gerald sa loob ng unit ni Ashley ay hindi pa rin ito lumalabas. Alam na ni Gerald na nasa wash room ang dalaga kaya ihinanda na lang niya ang breakfast nila gaya ng nagdaang araw.

Paglabas ni Ashley sa kwarto ay nagulat si Gerald. Namumutla ang dalaga.

"What is wrong? Napalapit agad si Gerald kay Ashley. Inaaalalayan itong makaupo sa sofa. Bakit ka namumutla?" Alalang alalang tanong ng binata sa kababata, tinabihan niya ito sa pagkakaupo.

"Here have something to drink." Iniabot niya ang orange juice. Kinuha naman ito ni Ashley at uminom ng kunti.

Sumandal ang dalaga sa sofa , Pinikit ang mata, minasahe ng dalawang daliri ang noo.

Pinagmamasdan lang siya ni Gerald, hindi alam ang gagawin. Iba ang kulay ng dalaga. Iba ang pamumutla niya. Parang gusto niyang dalhin ito sa hospital.

"Are you sick?" Gusto mo dalhin kita sa hospital?" Punong puno ng pag aalala ang boses ni Gerald.

"Hindi na, nahihilo lang ako sa sobrang puyat. Hindi lang ako sanay sa gabi gabing puyat. Matutulog na lang ako maghapon. Balak ko sanang pumunta ng Angeles today pero hindi na muna. Kain ka na. May meeting ka later di ba?"

"Hindi kita pwedeng iwanan na ganyan ka. Teka tawagan ko si mommy."

Bago pa may masabi si Ashley ay kausap na ni Gerald ang mommy niya. Tinanong kung pwedeng samahan nito si Ashley dahil mukhang may sakit, ayaw namang padala sa hospital.

Hindi naman nag dalawang salita si Gerald. Sinabi agad ng mommy niya na pupunta na siya duon as soon as she can.

"Ano ba nararamdaman mo? Gusto mo subuan kita?"

" Hindi na , kumain ka na. Hindi ka dapat na late sa meeting mo." Pinilit idilat ang mga matang sabi ni Ashley. Mawawala din ito.

Nakita ni Gerald na hindi din maka kakain ang kababata sa sobrang panghihina nito kaya ang ginawa ay binuhat niya ang dalaga at ibinalik sa kwarto .Maingatnniya itong ihiniga. Kinumutan at sinabing matulog na lang uli. Umupo s gilid ng kama at hinawakan ang kamay ng dalaga. Naramdaman ni Ashley na hinahalikan ng binata ang kamay niya. Idinilat nito mga mata, nagkatitigan sila.

Ngumiti si Ashley. Hinaplos ng isang kamay ang nag aalalang mukha ng pinakamamahal na kababata . " Yan namang expression mo parang mamatay na ako. Ano ka ba, nahillo lang ako sa sobrang puyat. Smile ka na nga diyan." Pinilit pa ring biruin ni Ashley si Gerald dahil sa nakikita nitong pag aalala sa kanya.

Yumuko si Gerald at hinalikan sa noo si Ashley. " I love you Ash, k,ung pwede lang ako na lang makaramdam ng kung anumang sakit na nararamdaman mo."

"Ang OA mo lang. Kung hindi mo ako pinuyat kagabi sa kakulitan mo , hindi sana ako nahihilo sa antok ngayon. Wala naman akong nararamdamang sakit."

"Sigurado ka?"

"Oo, Sige na kumain ka na!"

"Hindi, dito lang ako sa tabi mo hanggang dumating si mommy."

Napatitig na lang si Ashley kay Gerald. Tinapik ni Ashley katabing unan. "Sige tabihan mo na lang ako kung uupo ka lang diyan para hindi ka naman mangawit."

Tumayo si Gerald, pumunta sa kabilang side ng bed at nahiga sa tabi ni Ashley. Nilagay ang kamay sa likod ng balikat ni Ashley at iniangat niya palapit sa kanya ang kababata. Humilig sa dibdib ni Gerald si Ashley. " I miss you" nakapikit na bulong ni Ashley.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon