Chapter 13

4.4K 66 13
                                    

Hindi na naman natuloy si Ashley sa plano niyang pumunta sa Angeles para maumpisahan na ang paghahanap sa mga tunay na magulang. Yun naman ang main reason kung bakit nagdesisyon siyang mag bakasyon sa Pilipinas habang nagpapalakas. Hindi lang niya inaasahan ang pag arrange ng mommy niya to stay kina Tita Vangie. Hindi din niya inaasahan ang reaction ni Gerald sa muli nilang pagkikita at lalong hindi niya inaasahan ang emosyon na naramdaman ng makita na naman niya in person ang kababata.

Tinawagan niya ang mommy niya, nag tanong tanong uli ng mga impormasyon kung paano siya natagpuan ng mommy niya sa harap ng pintuan ng bahay nila. Kung paanong pinagtanong ng mommy niya kung sino sa palagay nila ang nag iwan pero wala silang nakuhang clue kahit isa. Dahil wala namang naghahanap ng nawawalang bata sa area nila , after 3 months ay naging legal na ang pag ampon sa kanya.

"Good luck anak, sana mas maging mas maswerte ka sa paghahanap. We did not have any luck 24 years ago."

"Thank you mommy. No matter what happened , always remember, my love for you will never change."

"I know that anak."

Pareho silang natahimik. Parehong pinipigil na huwag maiyak.

"Tell me, kumusta naman pagkikita ninyo uli ni Gerald. Kelan ko lang nalaman na isa na pala siyang sikat na artista. Akalain mo yun. Hindi ko nga din akalain na sa Pilipinas na pala sila for good kaya tuwang tuwa ako ng sabihin ni Vangie na hindi siya papayag na hindi ka sa kanila titira habang nan diyan ka. Bakit ba mas gusto mong diyan sa Myakati tumuloy? "

"Complicated mommy. Si Gerald." Hindi na natuloy ang sasabihin ni Ashley. Umiyak na lang ito.

"Anak?" Nag aalalang tanong ng Mommy ni Ashley.

"Mas maganda yata mommy, umuwi na lang muna ako." Umiiyak na sabi ni Ashley.

"Ash? Talk to me. What is going on? Nagbago ba si Gerald Ngayong sikat na siyang artista? Is he not nice to you?" Sunod sunod na tanong ng mommy ni Ashley.

Lalo ng naiyak si Ashley. " Hindi sa ganoon mommy. Kabaligtaran nga."

"Bakit ka umiiyak? Dapat matuwa ka dahil hindi nagbago ang kababata mo." Naguguluhang tanong nito.

"Mommy, hindi ko ini expect na mahal pa rin niya ako. Naalala pa rin niya mga pangako namin sa isat isa nuong mga bata pa kami at ang masakit ganoon din ang nararamdaman ko sa kanya parang mas matindi pa nga ngayon."

"Ano ang problema anak kung pareho naman pala kayo ng nararamdaman? Hindi naman kataka taka yun sa sobrang close ninyo nuon."

"Paano kung bumalik uli ang cancer ko? Ayaw kong maranasan niya yung nararanasan ninyo every time na may appointment ako sa hospital. I dont want him to go through that. I wont." Umiiyak na paliwanag ni Ashley sa ina.

Matagal bago nagsalita uli ang mommy ni Ashley. " Anak, you should stop feeling that way. You should not live your life waiting for your cancer to come back. Di ba dapat , you should live your life to the fullest. Jam- packed it with good and happy things you love the most?"

"Parang hindi naman fair sa kanya na ang ganda ganda na ng takbo ng buhay niya, guguluhin ko lang , bibigyan ko ng mga problema. Tama lang na lumayo ako sa kanya di ba?"

"Kung ako ang tatanungin mo anak, be honest with him. Wala namang nakakaalam kung babalik ang lymphoma mo , your doctors said the possibility is very slim and every year , may mga bagong paraan to combat cancer. Don't be afraid anak. " Awang awa mommy ni Ashley sa kanya na naririnig na umiiyak ang anak.

Samantala, pinagkaguluhan sa airport si Gerald ng mga reporters. Kumalat na ang balitang break na sila ni Chrissy. Lumabas ang balitang yun kasabay ng mga pictures nina Chrissy at Jason na halos maghalikan na sa dance floor. Pinatunayan pa ng hindi si Gerald ang naghatid sa dalaga kung hindi si Jason.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon